WAWTABS 13- PARTNERS

2.3K 157 12
                                    

Dedicated to TERYO12

**Kris POV.**

"bakla kain na!"

Minulat ko na ang mata ko at napatingin naman ako sa tabi ko at natutulog pa rin si nicka..hinampas ko naman ito ng unan

"Ano ba?"

"Kain na daw sabi ni bakla" at bumangon na ako at kinuha ko naman ang cellphone ko sa may gilid at 12:45 na pala.. tanghalian na nga at may iilang text rin sa akin at sa pamilya ko galing yon..binuksan ko yong text ni kuya yong panganay namin

From: kuya Joseph

Good day bunso!

Too: kuya Joseph

You too kuya..love you❤

Sent

From: Daddy

Kamusta naman pagiging janitor anak haahaha may sweldo ba?😂😂

Gigil nama akong nagreply kay daddy

To: Daddy

Ugh! Nakakainis ka naman dad eh! Tinatawanan mo pa ako..at wala ring sweldo sayang pagod ko kainis!🙄

Sent

From: Mommy

Good morning anak!

To: Mommy

Late morning Mom❤
Good aftie😘

Sent

Tumayo na ako ng mareplyan ko na sila at nilagay ito sa bulsa ko at sumunod na sa akin si nicka palabas at pagkalabas namin dalawa ay nakahain na si marco at grabe tingin palang parang ang sarap na ng niluto nya

"Wow! Ano niluto mo bes?" Tanong ko at umupo narin at ganon rin si nicka sa tabi ko at katapat naman namin si marco

"Kain na tayo, kare kare niluto ko..pampalakas ng buto para ready ka na ulit sa lunes hahaha" biro nito sa akin at ngumuso naman ako dito

"Kala ko ikaw nag papaluto nito bakla kay Marco?" Tanong ni nicka sa akin

"Hindi ay!"

"Wala ako lang..gusto ko lang magluto ng ganito" sabi naman ni marco

"Eh bakit parang galit ka kanina nong inuutusan mo ako?" Tanong ni nicka

"Hahaha wala lang..para sumunod ka lang at isa pa ang ingay nyo kasi ni nick sa labas kaya naman naisipan kung utusan ka para naman makasama mo ng matagal jowa mo--"

"Hoy! Hindi ko jowa yon" tanggi agad ni nicka "ikaw ha! Gawa gawa ka jan!"

"Edi hindi!"

"Tama na yan! Alam kung hindi naman type yon ni nicka dahil mga masculine ang gusto nyan..diba?" At tumingin naman ako kay nicka at namula ito

"Ahh ehh-- kain na tayo!" Masaya nitong sabi at nagsimula na itong kumain at may napansin naman ako dito at napatingin ito sa akin "b-bakit?"

When Androgynous Went To All Boys School(gayxstraight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon