WAWTABS 30- 4th DAY OF B.C

864 65 3
                                    

**Kris POV.**

"Kris mauna na kami sayo"

"Ugh! Sige" at nagtalukbong ulit ako ng kumot, napagod ako kahapon kaya maya maya na lang ako lalabas, mamayang tanghali pa naman ako kaya matutulog ulit ako

RINGGGG!!

inis naman akong napamulat ng malakas na tumunog ang phone ko, at pinikit ko ulit ang mata ko at kinapa ko naman ang cellphone ko sa may table ko at walang tingin tingin na sinagot yong tawag

"Ano!" Inis kung bungad dito

"What? Ganyan mo babatiin ang mommy mo!"

Napamulat naman agad ako at tiningnan ang screen ng cp ko at si mommy nga yon at napahilamos  nalang ako sa mukha ko

"Hehehe Good Morning mommy! I miss you so much!" Masaya kung wika dito at tumayo na at tumingin sa wall clock at 10:20 na pala at magtatanghali na ganon pala ako katagal nakatulog

" Morning rin anak, may good news ako sayo!"

"Ahhh alam ko nayan mommy, nahanapan mo na ako ng lalaki jan? Hahahah pero sorry mom meron na ako dito" natatawa kung sabi dito, nasa USA parin sila mommy at nag fefeeling binata at dalaga

"Gaga hindi! Susumbong kita sa daddy mo, may boyfriend ka na pala jan ha!"

"Hahaha hindi pa kami mommy, pero malapit na" nakangiti kung sabi dito at lumakad na ako palapit sa closet ko at kumuha ng damit "at ano pala yong good news na sinasabi mo mom?" Tanong ko dito

"Ay! Oo nga pala, uuwi kami ng daddy mo jan  this weekend!"

Napangiti naman ako sa sinabi nya at napatigil pa ako sa ginagawa ko

"Wow talaga Mom? Excited na ako, wag mo kalimutan pasalubong ko mommy ha, alam mo naman ang gusto ko" nakangiti kung wika

"Ano bayan! Ang dami mo ng tambak ng lipstick sa bahay natin, pati doon sa bahay nyo magkakaibigan, hindi ka ba na nanawa jan sa mga lipstick mong parehas lang naman ang kulay"

"Mommy mag kakaiba ang brand nila--"

"Ganon narin yon!"

"Mommy pleaseee!" Pagmamakaawa ko dito at narinig ko naman itong nagbuntong hininga sa kabilang linya

'Fine, ilan ba gusto mo?"

"Isang kahon--"

"What-"

"Sige mommy malalate na ako, I love you and take care, wag kalimutan pasalubong ko ha? Ok ng si daddy makalimutan wag lang lipstick ko hahahah bye mom MUAH!" at pinatayan ko na ito ng tawag at napangiti naman ako dahil makikita ko na ulit sila halos isang buwan rin at mahigit na hindi ko sila nakita, kaya mag b-bonding talaga kami

Naligo na ako at nagbihis at tiningnan ko ulit ang cellphone ko at may mga nag text sa akin at ngayon ngayon lang rin

From: Nicka

Bes nandito si Mr. Right mo hinahanap ka

To: Nicka

Sige papunta narin ako

Sent

From: Hilaw

Psst! San ka!

Natawa naman ako sa text ni hilaw, makahanap sa akin kala mo jowa ko, at naalala ko naman yong text nya sa akin dati at naisipan ko na yon din ang e-reply ko

When Androgynous Went To All Boys School(gayxstraight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon