"Chapter 2: MINE"

33 10 2
                                    

Rouxi's POV

"I badly want to sit beside you Rouxi, I'm not comfortable with my seatmate," malambing na usal ni Yanni. Kasalukuyan kaming nasa pila para umorder ng meal namin.

Nilingon ko si Jacoby na masayang nilalantakan ang pizza habang hawak namn sa kabilang kamay ang burger. Sa harap niya namn ang lasagna at ang babaeng nakapalumbaba sa mesa na tuwang tuwa na pinapanood siya.

Tsk.tsk.tsk. may nauto na namn siya.

"Ang takaw ni Jacoby ,i wonder san niya nilalagay ang lahat ng kinakain niya. Cause, girl! He's so hot," kumunot ang noo ni Yanni ng marinig niya ang sinabi ng isang student sa likod.

"And cute," sabay na humigikhik ang dalawa sa likod.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang tray ni Yanni. Inabot ko sa kanya at kinuha ko na rin ang tray ko. Dumampot ako ng isang cloudnine at sumunod sa kanya.

Pagkalapag ni Yanni ng tray niya ay agad niyang isinubo ang isang chicken nugget. Walang emosyon ang mukha. Deritsong nakatingin sa babaeng nasa harap ni Jacoby pero hindi siya napansin nito dahil tutok ito sa panonood kay Jacoby.

Gamit ang kanang paa ay mahina kong sinipa ang tuhod ni Jacoby. Nasa ilalim ng mesa ang mga paa namin kaya't hindi alam ng dalawa kung bakit napahinto si Jacoby sa pagnguya.

"Bakit?" pinanlakihan ko ng mata  si Jacoby na mukhang nakuha niya naman ang ibig  sabihin.

Bumaling siya sa dalagang nasa harap niya at ngumiti ng pilit.
"Ahmm....Kate,salamat dito ha..hehe ahmmm usap na lang ulit tayo mamaya. May pagmemeetingan lang kami ng mga monggo.....aray aray."

Hindi niya na natapos ang sasabihin ng diniinan ko ang pag apak sa paa niya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Yanni kaya namn mas diniin ko pa ang pag apak sa paa ni Jacoby.

"Fuck, umalis ka na Kate!,"
Nanlaki ang mata ni Kate sa gulat nang sumigaw si Jacoby.
Dali-dali itong dinampot ang pouch at tumakbo palayo.Tuluyan ng tumawa ng malakas si Yanni dahil sa reaksyon ni Kate.
Para siyang nasigawan ng halimaw kung mataranta.

"Haysssst... Roux namn, you don't have to do that," kinuha niya ang royal sa tray ko at  bubuksan niya na sana nang hampasin ko ang kamay niya.

"C'mon Cob, may pera ka diba? Bakit nambuburaot ka pa?" nagumpisa na akong kumain habang aliw na aliw sa reaksyon ni Jacoby. Problemado siya dahil nawalan siya ng sponsor. Alam kong ayaw niyang gastusin ang pera na binibigay ng daddy niya sa kanya dahil pinagiipunan niya ang kotseng gustong niyang bilhin. May plano atang mangulekta amputa.

"It's okay Jacoby , ililibre na lang kita.," lumiwanag ang mukha ni Jacoby at pasimpleng nakikikain sa pagkain namin ni Yanni.





Mabilis na natapos ang klase, papunta na kaming tatlo sa labas ng campus nang magsalita si Yanni.

"Next week pala I forgot, dun kayo sa bahay  matutulog.,"

"Wala na namn ba parents mo?" -Jacoby

"Lagi naman e, sige mauna na ako ... Babye ," kumaway siya at pumasok na ng kotse. Nakatayo lang kami ni Jacoby at pinapanood ang paglayo ng kotse niya.

Dalawang minuto kaming nanatiling nakatayo hanggang sa....

"Musta ka na," nakatitig siya sakin ng itanung niya iyon.
Mas matangkad sakin si Jacoby kaya kailangan kong iangat ang paningin ko.
Pansin ko na rin ang paglitaw ng adams apple niya at ang hulma ng panga niya.
Ang kilay niyang makakapal, at ang matangos niyang ilong ang nagdadagdag para masabing certified pogi ka nga siya .

Slightly Bitter SecretWhere stories live. Discover now