langoy
hindi ka ba napapagod
sa araw-araw kang kumakayod
kahit na lagi namang inaanod?hindi ka ba napapagod na
sa tadhana'y lagi ka na lang sumusunod
kahit na ilang beses ka nang nalulunod?buti na lang at hindi,
dahil sa wakas,
matatapos na rin ang mahaba mong paglalangoy.
BINABASA MO ANG
muni-muni
PoetrySa malayang pagkabalangkas ng bawat tula. Sana ay iyong magustuhan. Lahat ng ito'y produkto lamang ng aking pagninilay-nilay.