Special Valentine

1K 30 0
                                    

Valentines day, and running late. Kaasar ! Bakit di ako nagising ng alarm clock ko ? Badtrip naman oh! Umagang-umaga pawisan na ako, imbes na fresh na fresh ako, eh!

Sa wakas nandito na ako sa labas ng room, at ibig sabihin nyan ay wala pa si ma'am. Yes! Hindi pa ako late. Pero ang ingay talaga ng mga kaklase ko. Para silang nakamicrophone. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto bigla silang napatahimik at nakatingin silang lahat sa akin. Para lang silang nakakita lang sila ng multo.

"May multo ba?" Natatawa kong tanong sa kanila at nag deretso ako sa upuan ko. Hindi ako umupo agad dahil may bouquet of roses na nakalagay sa desk ko. Ayaw kong umasa na sa akin iyon, masakit kayang umasa. "Sayo ata to." Sabi ko sa katabi ko, pero tumawa lang siya.

"Read the card, girl." Sabi niya sa akin, wala akong nagawa kundi basahin ang nakasulat dito.

Yannie Mendoza,

Your deep brown eyes, color of melted chocolate, that stared deep into my soul, and with your sweet smile captivated me.

Happy Valentines Day and see you around.

-Secret Admirer

Napatulala ako pagkatapos kong basahin ang nakasulat sa card. Seriously, who would give a bouquet of red roses? Ang mahal kaya ng red roses ngayon, lalo na at valentines day. Inilagay ko na lang sa bakanteng upuan sa tabi ko iyong bouquet, at sakto namang pumasok ang guro namin sa Chemistry.

Ako nga pala si Yannie Mendoza. 17 years old at nag-aaral sa Greenfield University ng kursong BA English. Na nabihag ang puso. Binihag ni Kenneth Sandoval, ang nag-iisang anak ng may-ari ng paaralan. Bukod kasi sa gwapo sya , siya din ay matalino , mabait at matulungin. Kaya lahat ng kababaihan dito ay siya ang pinapantasya.

Ayon ! Sa wakas at tapos na ang lecture ni ma'am , 30 minutes break at deretso na sa laboratory. Naisipan naming magbabarkada na sa labas na lang magbreak instead na sa canteen, ang mahal kasi dun. Pagkatapos naming bumili , pumasok na din kami agad.

"Yan , sa tingin mo, sino kaya yang secret admirer mo ?" Tanong ni Mae Ann. 

"Ayy , baka si Kenneth." Sagot ni Chennie.  

"Loka-loka! Kung marinig ka ng tao, nakakahiya." Sagot ko sa kanila. Ganyan sila kung mang-asar, walang pakialam kung andyan ba iyong taong tinutukoy o wala.

Nasa tapat kami ng bulletin board nang bigla akong hinila ni Mae Ann.

"Aray! Bakit?" Tanong ko. 

"Basahin mo nakasulat sa bulletin board." Utos nila sa akin.

I LOVE YOU, YANNIE MENDOZA. WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?

Napanganga ako dito. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Hindi ko alam kong sino itong taong to. Di ko siya kilala. Napalingon ako sa gym, at nakita kong nakatingin sa amin si Kenneth.

"Uy, Yannie, ang sweet naman ng secret admirer mo." Tukso ni Mae Ann.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon