Hello :) Thank you in advance sa babasa nito :D
LYKA'S POV
5 years na ang napalipas nung iniwan mo ko. Simula nun , wala na akong balita sayo. Ayaw namang sabihin sa'kin ng mga magulang at kapatid mo kung ano na ang balita sayo .. Pinagbawalan mo kasi sila..
Tanda mo ba ang pangako natin sa isa't isa ? Kasi ako tandang-tanda ko pa..
FLASHBACK
"Lyka, pag 25 years old na tayo at single pa tayo, I would be your groom. Promise ko yan sayo." sabi mo sa akin.
"Hmm.. And I will be your bride." dagdag ko.
"Talaga?" nakangiting tanong mo.
"Oo, promise!" sabi ko at nahiga ako sa lap mo.
–--- end of flashback-----
"Hayy! Para naman akong tanga kakaisip sayo." kausap ko ang mga litrato na nagkalat sa kama ko. Inisa-isa ko ang mga litrato natin from the first day we meet until the day that you left me. Ako kasi ang taong mahilig kumuha ng litrato.
FLASHBACK
"Kailan ang alis niyo?" lumuluha kong tanong. Aalis na kasi kayo at pupunta ng New York. Doon na kasi maninirahan.
"Bukas ng umaga." malungkot mong sagot. Kaya naman lalong lumakas ang pag-iyak ko at niyakap kita at niyakap mo din ako.
"Huwag *sob* kang *sob* umalis. *sob* Mahal *sob* na mahal *sob* kita *sob*." Pag-amin ko at lalo kong hinigpitan ang yakap ko.
"Mahal na mahal din kita." sabi mo kaya napatingin ako sayo. "Mahal na mahal kita matagal na." naluluha ka na. "Ayaw kong umalis pero kailangan. Babalik din ako. Naaalala mo pa ba ang pangako natin noong 18 tayo?" tanong mo at nagnod ako. "20 na tayo ngayon, 5 years pa." dagdag mo at hinalikan mo ako sa noo ko at sa labi ko. First kiss natin yun.
--------end of flashback---------
Nakakatawang isipin na nagkaaminan tayo at nagkiss pa tayo pero hindi ko alam kong meron bang matatawag na tayo.
Hindi ko din naman kasi matanong sayo kasi blbinura mo ang account mo sa facebook, twitter, skype, yahoo, tumblr, at instagram. Hindi ko alam kong iniiwasan mo ako o ano.
"Anak, ready ka na ba?" tanong ni mama mula sa pinto at binuksan ito. "Oh, umiiyak ka na naman. Siya na naman no?" tanong ni mama. Hindi na ako sumagot kasi kilala na niya ako at naikwento ko sa kanya ang lahat.
"Ma, 25 na ako ngayon at pati siya. Pero bakit wala pa siya? Nakalimutan na ba niya ako at ang pangako niya sa akin?" tanong ko kay mama na umiiyak. Hindi kumibo si mama at pinapatahan ako.
—---------------------------
Nag-umpisa na ang birthday party ko pero ang lungkot lungkot ko. Ayaw ko naman kasing magparty pero si mama at daddy ang mapilit.
Mag-isa lang akong nakatayo dito malapit sa pinto nang may nahagilap ang mata ko.
"Tita! Tito!" sigaw ko at tumakbong lumapit sa kanila. Wala akong pakialam kong nakagown ako. Napatingin naman sila sa direksyon ko at ngumiti.
"Happy Birthday, Lyka." bati nila sakin at niyakap nila ako.
"Kailan pa po kayo dumating?" tanong ko.
"Kaninang umaga lang, hija." sagot ni tito.
"Si R-----"
"Ay naku, hija, tara doon sa labas. Mukhang tinatawag ka ng mama mo." putol ni tita sa sasabihin ko. At pumunta kami sa garden.
"Ladies and gentleman, Ms. Lyka Stephanie Smith, the birthday girl." Sabi ni daddy pagkalabas na pagkalabas namin. Kaya naman nagpalakpakan ang mga tao. "Come here on stage, princess." sabi ni daddy kaya naman pumunta ako, at inilibot ko ang mata ko sa mga audience pero hindi ko mahanap ang hinahanap ko.
"Princess, happy birthday." bati ni daddy at niyakap ako.
"Thank you, daddy." I whispered.
"So princess, what's your birthday wish?" tanong ni daddy.at mukhang interesado ang mga bisita namin ah.
"My birthday wish? Hmm. I wish that I would remain 24" sagot ko kaya napatawa ang mga bisita. "But seriously, I wish he is here beside me." dagdag ko.
"Why?" Biglang tanong ng pamilyar na boses na matagal ko ng hindi naririnig. Timingin ako kay daddy pero ngumiti lang siya. "I'm asking you why, Ms. Smith." dagdag niya.
"Because I miss you so much!" sagot ko na lumuluha. "I miss you so much to the point na halos mamatay na ako dahil wala ka sa tabi ko, na gabi-gabi ay umiiyak ako thinking that you've forgotten about me!" dagdag ko habang pilit na hinahanap ng mata ko ang taong yun.
"I didn't forget you." sabi mo na bigla kang umakyat sa stage, ni hindi ko alam kong saan ka galing. You are still the same, walang nagbago sayo -- ay mali, lalo ka palang gumwapo. "I'm sorry if I didn't contacted you since the day we left." sabi mo in a sad tone. Hindi ako makapagsalita pero niyakap kita ng mahigpit. Sobrang miss na miss kita.
"I still have one question, Lyka." sabi mo "Do you still remember our promise to each other?" tanong mo. at may kinuha ka sa bulsa mo na maliit na box then bigla kang lumuhod sa harap ko.
"Miss Lyka Stephanie Smith, will you be mine forever?" at binuksan mo ang box, ang laman ? a diamond ring. Kaya naman naghiyawan ang mga bisita. "I am not doing this to fulfill my promise. I am doing this because I love you so much!" paliwanag mo.
"I love you too, Alexander Ross Levine." sambit ko. "So yes." dagdag ko. Aarte-arte pa ba ako? Sapat na ang mga panahon na nasayang no. At masayang nagpalakpakan naman ang mga bisita.
–-------------
Alam niyo daw ba ang dahilan kong bakit hindi niya ako kinontak ng limang taon ? Dahil daw gusto niyang magpamiss at at para daw masigurado ako sa nararamdaman ko..
"Ryu, paano kung bumalik ka at may iba akong mahal?" tanong ko sayo.
"Alam kong hindi mangyayari yan kasi bago ka pa tuluyang mahulog sa ibang lalaki, darating agad ako para pigilan ka." sagot niya at niyakap ako.
"Paano mo naman malalaman kong mahuhulog na ako sa iba?" tanong ko.
"Sa mommy mo na magiging mommy ko na." sagot niya. "Sinasabi lahat sa akin ng mama mo nangyayri sayo." dagdag niya.
"Ang sama niyo!" ako sabay pout.
"dibale love mo naman." sabi niya at hinalikan ako sa lips. I really love this man..
-------- END ----
A/N :
haha .. thank you sa bumasa hangang dulo. Love you :* .. Comment your insights / reactions .. Hit the VOTE button na din . hha .. THANK YOU ..