Chapter 45

20 1 0
                                    

-----Other WorLd-----
IsinuLaT Ni : CaroLiNa Barrios

Chapter 45.

(Shenelle POV)

nasa gazebo ako at tinitingnan ang bawat preparasyong ginagawa para sa kasal naming dalawa ni Duncan, dito kami ikakasal, madaming event stylist ang nandirito, sila nag dedecorate ng lahat, pinalilibutan ng mga artificial flower ang buong gazebo, sine set nadin nila ang mga lamesa at mga upuan, sobrang ganda, parang isang panaginip, hindi ko akalaing magiging ganito ang buhay ko, ee isa lang naman akong hamak na taga tinda ng balut, pero nagbago ang lahat ng makilala ko si Duncan.. siya ang pangarap kong tinupad saakin ng langit.
nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga staff na nag dedecorate sa buong gazebo, hawak hawak ko sa kamay ko ang isa sa mga wedding invitation namin ni Duncan, at napakaganda talaga ng pag kakagawa naka print pa na glitters ang mga pangalan namin.

come to celebrate our new beggining together...
Shennelle Naval and Duncan Vander

"ay nako po!!!, kuya Nato naman muntik nako aatakihin, bigla kang sumusulpot,"

"ako biglang sumulpot?, hindi po madam kanina pako dito, sobrang lalim siguro ng iniisip mo kaya akala mo, bigla akong sumulpot,"

"ah hehehe ganun ba, nga pala ano po yun kuya Nato?,"

"may kailangan ako sabihin sayo importante,"

bumulong saakin si kuya Nato.
Ngumiti naman ako,

"ah bukas na pala magbubukas ang pinto, pero kuya Nato, alam niyo naman na hindi na ako babalik doon, at ikakasal na ako kay Duncan,"

"hindi ko naman sinabi madam na umuwe ka na sa inyo,pinaalala ko lang sayo na bukas na yun magbubukas,"

"ah ganun ba, hindi na ako babalik doon, dito nalang ako,"

ngumiti si kuya Nato at iniwan na ako, bumalik ako sa pagtingin ng set.

(Narrator)

"hindi ako papayag na ikasal silang dalawa," nanginginig na nanggigil si nicolas, tikom tikom niya ang dalawa niyang kamao, na para bang gustong sumuntok.

"kung hindi mapapasaakin si Shenelle, mabuti pang bumalik nalang siya sa mundo niya, tamang tama bago mag umpisa ang kasal, magbubukas na ang pinto," galit na sabi ni Nicolas.

Lumabas si Nicolas at nakita niya si Jhon.

"John alam ko may gusto ka kay Shenelle,"

"ano?, w' wala akong gusto kay Shenelle,"

"wag kanang mag kaila nakikita ko ang pagseselos mo sa dalawa,"

"ee ano naman deserve ni kuya yun,"

Hinawakan ni Nicolas si John sa kamay.

"ano ba bitawan mo ako,"

"tulungan mo ako may plano ako,"

tinanggal ni John ang kamay ni Nicolas.

"wag mo ako idamay sa plano mo, mauna na ako," at lumakad na si John naiwan naman si Nicolas at tahimik na nagisip.

Kinabukasan

(Shennelle POV)

nakatitig ako sa wedding gown ko na nakasuot sa mannequin, puting puti at sobrang kintab, napaganda, mamaya kasal na namin, sabi ni Duncan, pagkatapos namin ikasal doon na ako magkakwarto sa kwarto niya, tabi na kami kyaaaaaahhh. Nakaupong patalon talon ako sa kama, hindi ko mapigilang kiligin kaya humiga ako sa higaan at nagpagulong gulong hehehe para akong bata. Masayang masaya lang kasi ako tsaka kinikilig, makaligo na para mamaya tuyo na ang buhok ko pag suot ko na ang gown.

naligo na ako at nagpatuyo ng buhok, yung saya ko napalitan ng kaba, kaba na hindi ko maipaliwanag, bakit kaya??
di bale na, masyado lang siguro akong nagiisip, dapat maging masaya ako..
Dumating na ang ora, kinatok na ako ni kuya Nato, kaya masaya ko siyang pinagbuksan ng pinto, at may mga kasama siyang dalawang babae na may dalang bag.

"madam mag prepair na kayo, dumating na ang ibang mga bisita, nasa ibaba nadin naghihintay si Sir Duncan, silang dalawa ang mag aayos sa iyo,"

"ah ganun ba sige po kuya Nato, salamat," pagkasabi ko kay kuya Nato, ay umalis na siya at naiwan ang dalawa, sila pala ang make up artist, wow naman.

"hello po madam, uumpisahan napo namin ayusan ka,"

"ah sige." inilabas nila ang mga gamit nila, inayos ang buhok ko, ang mukha ko inayusan nila at pagkatapos mga 20minutes natapos na sila sa pagaayos saakin.

"tingnan niyo po madam sa salamin,"
Nang tumingin ako sa salamin, hindi ako makapagsalita, napakaganda ko, ngumiti ako nalang ako sa kanilang dalawa at nagpasalamat ng marami, tinulungan din nila akong isuot ang gown at sandals ko, ready na ang lahat.. lumabas na ang dalawa sa silid ko. Susunod na ako. Inayos ko lang ng kaunti ang kwarto at tumingin muli sa salamin.

"haaa!," huminga ako ng malalim, kaya ko to, tsaka ako lumabas ng pinto.

dahan dahan akong naglakad sa hallway tok tok tok tunog ng sandals ko. Nang bigalang may humawak sa bibig ko, at binuhat ako..

"Hmmmmm!!!,"

hindi ako makasigaw hawak niya bibig ko tulong, sino ba ito, bakit nakatakip ang muka niya ng bonnet, isa pa bakit siya naka formal suit, isa ba siya sa mga bisita sa kasal namin ni Duncan, sinisipa ko ng sinisipa ang mga paa ko, pero sadyang malakas talaga ang taong ito, ni walang kahirap hirap niya akong binuhat ee. Naglakad siya bitbit ako, ako na naka gown, saan niya ba ako dadalhin, teka parang alam ko na kung saan niya ako dadalhin, sa lagusan kung saan ako unang pumasok. Nanlaki ang mga mata ko, tinahak namin ang madilim na hallway sa dulo noon yun na ang pinto.

"hhhmmmmmm," please pakawalan mo na ako ikakasa na ako ee.

laking gulat ko ng makarating kami sa pinto, bukas na nga ito at para siyang blackhole na anumang oras pwede na akong higupin nito pabalik sa mundo ko.
Tinanggal na niya ang kamay niya sa bibig ko, pero di niya padin ako binibitiwan, baka kasi tumakbo ako, kaya nagsalita ako.

"Parang awa mo na, kung sino ka man wag mo ako ibalik sa mundo ko, mahihirapan lang ulit ako sa mundo ko, mamaltratuhin lang ako ng tita at tito ko, at pagtitindahin nila ako ng balut gabi gabi," yun lang nasabi ko baka sakaling maawa siya sakin.

"patawarin mo ako Shenelle,"

"N' Nicolas ikaw ba yan?," dahan dahan niyang tinanggal ang bonnet sa muka niya, si Nicolas nga at sobrang lungkot ng muka niya..

(Narrator)

kanina pa naghihintay ang groom, pero wala pa ang bride. Kinutuban bigla si John at naalala niya ang usapan nila ni Nicolas kagabi

"tulungan mo ako may plano ako,"

"wag mo ako idamay sa plano mo, mauna na ako,"

kaya napatayo si John sa kinauupuan niya at lumapit sa groom, binulungan niya si Duncan.
na ikinagulat ni Duncan, Naisip niya, Oo nga bakit wala din si Nicolas sa dito kasal.

Tumakbo ang dalawa papasok sa mansion ng walang sinasabi, naiwan ang mga bisita ng may pagtataka sa mga muka nila, sumunod nadin tumakbo si Tyler kasunod si mang Nato.

"Oh bait ka din sumunod sakin Mang Nato," tanong ni Tyler habang tumatakbo.

"titingin din ako,"

"tsismoso kadin noh,"

"parehas lang tayo,"

Itutuloy.....

Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon