Chapter 10

224 100 19
                                    

On December 9, I was out of the school again together with my coaches for the RSPC which was held in Cebu City Sports Complex. After  the Parade, Holy Mass and Opening Program, the contest started.

Kabadong kabado na naman ako. Marami ang mga kalaban ko at sigurado akong lahat sila ay ilang taon nang nasa mundo ng pamamahayag. Marami na silang karanasan patungkol sa ganitong timpalak samantalang ako, baguhan lamang.

Kahit gano'n pa man. Pinagsikapan kong ma-qualify sa NSPC. Nagdasal ako bago ko pinagbutihan nang maigi ang pagsusulat ng aking mga artikulo. Kaya naman kinabukasan no'ng oras na ng awarding, umasa ako ng sobra. Umasa ako na maging champion na naman at makasali sa panghuling level. Mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na nakuhang marka ang paraan ng pagtawag sa mga nanalo subalit natapos na lang tawagin ang mga nanalo sa kategoryang sinalihan ko, hindi ko pa rin narinig ang aking pangalan.

Nagsimula na akong kabahan. Wala talaga. I didn't make it to NSPC. Nangingilid na ang mga luha ko sa aking mga mata. Naiinggit ako sa iba na nag-aakyatan na sa entablado para kunin ang kanilang medalya.

Hindi ko na napigilan pa ang mga luha kong magsibagsakan. Lihim akong umiyak.  Umasa ako, eh! Nagdasal rin ako, pero bakit gano'n?! Hindi pa ba sapat 'yong lahat ng pagsisikap na binuhos ko para lang manalo? Hindi pa ba sapat 'yong pagdadarasal ko para dinggin at tulungan ng panginoon manalo sa laban?!

Ang sakit!  Umasa ako sa wala! Sana  pala hindi na lang ako umasa para hindi ako masaktan ng ganito. Sana sa simula pa lang ng labanan, tinanggap ko na lang kung ano man ang kahihinatnan. Matalo man o manalo. Hindi pala talaga lahat ng hinihingi mo'y makukuha mo. Hindi pala talaga lahat para sa'yo.

"That's alright, Ms. villamonte", hinagud ni Mrs. Pagano ang likod ko. "You've  lost in this battle, but for us you're still one of the winners."

Napahagulgol na talaga ako. Ang hirap tanggapin, eh. Nasanay na kasi akong ako ang palagi mananalo sa kahit ano mang patimpalak.

"Huwag ka na umiyak, Yassine. You've lost in this level, but you were still the one who brought pride to our school. It's okay if you lost. That's part of our lives. Just think of this as a great experience in your life as a student."

Yes. Being able to join Journalism contest was great. Kahit nanalo ako, ang sarap pa rin pala sa pakiramdam na nakasali ako sa gano'ng patimpalak at mula pa sa ibat-ibang paaralan ang mga kalaban ko.

Nang makabalik na ako sa school, nakalimutan ko na ang pagiging talunan ko nang dahil kay Kaela. She knew that I've lost that's why she always made me smile.

It was Wednesday afternoon. I wore a pencil skirt and pink t-shirt while Kaela wore black high-waisted jeans and green shirt. After our class in the morning, we had a walk down Colon Street. Pumasok kami sa isang fast food restaurant para doon mag-lunch. After that, naglibot-libot muna kami. Nakita namin si Stefan at kilig na kilig naman ang kaibigan kong hayok sa talong.

"Yas, pa-picture tayo with Stefan, please".

"Kayong dalawa lang. Ako ang magpicture sa inyo".

"No! Dapat kasali ka rin para hindi halata na may crush ako sa kanya."

"Oh, sige. Lapitan natin", sabi ko at kinaladkad si Kaela patungo kay Stefan. Nakita kong kinaladkad rin ni Kaela 'yong isang babae sa gilid.

"Ate, papicture kami, please... "

Binigay ni Kaela ang cellphone niya sa babae. Dali-dali naman siyang bumalik sa pwesto namin ni Stefan. Sabay kaming nagpose, nakangiti pa ngunit nagulat na lang ako nang biglang itinakbo ng babae ang cellphone ni Kaela. Nag-aalala ako.

The Ride to Outer Space (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon