Chapter 17

87 24 0
                                    

"Yassine!"

"Ms. Villamonte!"

"Ms. Ganda!"

Sabay-sabay na pagtawag ng aking pangalan ang aking narinig no'ng dumaan kami sa Junior High School building. Tumingin ako sa classroom ng mga Grade 10 students. I saw the students cheerfully waving their hands at me. Confused with their sudden gesture, I smiled at them and waved my hand, too.

"Kae, anong meron? Are they having fun on me?"

"They're happy to see you passing by here."

"Bakit kilala nila ako tapos sila hindi ko kilala?"

Tumawa siya habang tinatanggal ang braso kong nakapulupot sa kanya para siya naman ang pumulupot sa akin.

"Sikat ka kasi dito sa school". Anong sikat? hindi naman ako artista. "They know that you can easily ace the exams, you're one of the top achievers in the class and you also join brainy contests. Kilala ka na nila since we were in Grade 7 dahil palaging nakapaskil ang pangalan mo sa bulletin board katabi ng mataas mong marka."

"Tapos? Eh, maliit na achievement lang naman 'yan".

"Hindi mo ata alam na ikaw ang inspirasyon nila, Yas. They're rooting for you to graduate with highest honors nga, eh".

Sumikdo ang puso ko sa natuklasan. For them, my achievements are big deal and deserve to be acknowledged by everyone, pero para sa akin kulang pa ang mga bagay na natamo ko. I'm not that proud of myself. Everyone who knows me never forgets to give me heart-warming compliments. I am that kind of person who doesn't like being complimented. Kapag kasi ginawa nila 'yon, para na ding iniisip nila na sobrang galing ko talaga sa lahat ng bagay kahit hindi naman.

"Oh sige ako sa rationale down to research methodology at ikaw sa research process down to recommendation", Kaela said, pointing the guide book for our research paper.

"Okay. Copy", I turned on my laptop and opened the app I'm going to use for writing. Gano'n din ang ginawa ni Kaela.

"Malayo pa naman ang deadline nito,  Yas at saka March pa naman ang oral defense natin. Pahinga muna kaya tayo?"

"Walang pahinga-pahinga. Kailangan na natin simulan 'to, Kae para wala na tayong po-problemahin sa mga sumusunod na linggo. Vacant naman natin ngayon, sayang ang oras".

"Hindi ko alam paano ko sisimulan", natatawa niyang wika. I saw her holding a capsule. She shoved this into her mouth and drank her water.

"Are you taking  a medicine?"

Nilagay niya sa loob ng kanyang bag ang balat ng capsule. "Ahhmmm... Masakit kasi ang ulo ko", ginalaw niya ulit ang kanyang laptop.

"Sige, magpahinga ka na lang muna. Let's just exchange tasks. Ako na muna—".

"'Wag na, Yas. Kaya ko pa naman".

Maya-maya lang nagsalita ulit siya. "Pwede exchange na lang tayo ng tasks? Hindi ko alam paano simulan, Yas eh".

"Okay. Ako na lang sa rationale down to research methodology."

Pumalakpak naman siya sa tuwa.

Kasalukuyan ko nang sinusulat ang Statement of The Problem nang biglang pumasok si Mateus sa classroom namin. Siguro si Clarie na naman ang pinunta nito. Ibinalik ko ang aking atensyon sa laptop ngunit agad din akong lumingon sa likod namin. Clarie was with my cousin. Nagda-date na naman sila sa classroom namin kaya anong ginawa ni Mateus dito?

"When are you going to conduct a survey?" napalingon ako sa taong nagtatanong. Nakaupo na sa tabi ko si Mateus. Pinapagitnaan nila ako ni Kaela.

Tiningnan ko si Kaela. Sobrang laki na ng ngisi niya sa akin. Tinaas baba pa niya ang kanyang kilay, talagang tinutukso ako.

The Ride to Outer Space (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon