PROLOGUE

27 2 0
                                    

"Happy anniversary," natatanging mga salita na kahit kailan man ay hinding hindi na niya maririnig sa akin.

Ngayon ang araw na sana ay lumipas na lang, na sana'y hindi na lang dumating o kaya'y nawala na lang ng tuluyan sa mga talaarawan.

"Good morning Love," ngingiting sinabi ng tukmol na buntot nang buntot sa akin. "What's good in the morning and how many times do I have to tell that don't you dare call me love," nakakainis.

"What's wrong LOVE?" tumatawang sabi niya at talaga namang in-emphasize pa ang kaloka kong pangalan. "It's your name," halakhak niya.

"I don't care if it's my name or not, just don't call me by it," iritadong sabi ko sa nakangising aso na si Ryan. Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang pangit na iyan ay baka kanina ko pa siya na hodoike, yes HODOIKE, hodoyk, my 101 self-defense.

By griping my hand, leaving my middle finger on air, I immediately approach his abdomen by it. "Sorry, hindi na'ko nakapagpigil eh," nanunuya kong sabi kay Ryan na ngayon ay hawak hawak na ang kaniyang tiyan na sigurado akong napuruhan.

"H-hindi ka na talaga mabiro," mangiyak-ngiyak niyang sabi at tuluyan ko na siyang tinalikuran.

Hindi ko masisisi si Ryan dahil simula't sapul iyon ang tawag sa akin pero magmula ng iwan ako ng aking mahal ayaw ko ng marinig itong muli.

Fierce LoveWhere stories live. Discover now