EINGETRAGEN

35.6K 718 43
                                    

Author: I am a fan of fantasy and magic so I am doing this. Nag-eenjoy ako ng sobra kasi ung imagination ko nagiging unlimited so I hope maappreciate niyo.


PS: All chapter titles are in german language. Thanks to Google Transtator. Lels.


June 1, 2015
Monday. Myghad. 


"Alis na ako!" Lumabas na ako ng bahay matapos kong magpaalam sa picture ng parents ko. Yes. Picture na lang sila at natural na hindi sila sasagot sa akin. I am going to school again. I can't believe I need to do this, ang pumasok araw-araw sa school.



Habang tumatakbo ako papuntang school ay sinasabayan ko ang boses ng 2ne1 sa earphone ko. Gosh. I really love their song 'Come Back Home'. Napatingin ako sa pila ng tricycle sa entrance ng subdivision namin. Arrg. Ang malas ko naman ata sa araw na ito.



"Mga pre! Walang pila?" tanong ko kaagad sa mga parekoy kong toda habang nagjo-jog in place. Tiningnan ko ang orasan ko. Hala! Two minutes na lang late na ako!



"Parekoy! Aba eh may in-escortan daw sila na event sa bayan. Alam mo naman ang toda dito, rumaraket. Late ka na naman,noh?" sabi ng isa sa mga tropa kong tricycle driver habang napapailing. Lahat sila may inaayos sa tricycle. Wow. Pag minamalas ka nga naman. Sagad na sagad.



"Sinabi mo pa!" sabi ko. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko at sinigurado kong nakasarado ang lahat ng bulsa ko. No choice. I need to do this.



Napangisi na lang sila manong drayber sa akin. Alam na alam na nila ang gagawin ko.



"Ready." inayos ko ang suot kong bull cap ng marinig ko ang sabi ng isa kong parekoy na drayber.



"Get set." tinaas ko ang manggas ng long sleeves iniform ko. Baka mamaya kasi mapunit pa.



"Go!" Agad na tumakbo ako ng sobrang bilis. I need to take the shortcut and made it in time sa school.



Agad na tumakbo ako sa gilid ng kalsada. Tinalon ko agad ang mataas na bakod ng bahay ni Aling Koiring. Sanay na siyang makitang nakikiraan ako sa bakuran nila. Kinawayan pa nga niya ako mula sa bakuran niya. Matapos kong talunin ulit ng bakod ay nakalagpas na ako sa bakuran ni Aling Koiring.



Agad naman akong tumakbo pakanan.



One Minute to go. Kaya mo yan, Circe. Push. Kaya mo yan.


Crittenden AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon