"F*ck it!" Nagulat ako sa lutong at lakas ng pasigaw na mura na iyon ni Finster. Galit siya. Galit na galit. At ang mas malala pa niyan ay ako ang tinitingnan ng galit niyang mga mata.
In short, malapit na akong maging dead meat.
Gusto ko sanang umiwas sa ginawa niyang paghawak sa buhok kong himalang humaba at nag-iba pa ng kulay iyong ibang hibla pero hindi ko magawa.
May sasabihin pa nga sana siya na ibang bagay pero biglang tumunog ang kampana ng Clock Tower ng Academy. Napamura ulit si Finster ng malakas pero this time ay nagsimula siyang maglakad papalayo sa akin.
"Saan ka pupunta?" I asked. Akala ko hindi niya ako sasagutin pero tumigil siya sa pag-alis at lumingon sa akin.
"Gawan mo ng paraan yang buhok mo. Wag na wag kang magpapakita sa iba na ganyan ang itsura mo kung gusto mo pang mabuhay. Naiintindihan mo ba?" Hindi. Hindi talaga. Hindi ko maintindihan bakit may word na 'patay' ang kasama sa sentence niya. Bakit ikamamatay ko ang buhok ko? Siguro kapag nakalbo ako pwede pa.
I mean hindi naman siguro big deal ang buhok na kulay blue ang ilang strands? Eh sa mundo nga ng mga tao iyong iba trip pang dilaw or pink ang buhok na parang sisiw sa perya.
"Naiintindihan mo ba?!" Napatalon ako ng bahagya sa takot at sa gulat dahil sa ginawa niyang pagsigaw sa akin. Okay. Gets ko na. Big deal nga ang hair changing color ko.
Tumango na lang ako bilang tugon sa kaniya at pagkatapos noon ay bigla na lamang siyang lumipad.
Now, what to do?
"Feuer, asan ka?" Shemay! Boses ni Karten iyon ah?! Bakit kung kelan ako kailangang magtago tsaka may maghahanap? Aba! Nananadya ka na atang kapalaran ka ah!
Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Isa pa. Waa. Anong gagawin ko? Baka makita niya ako. I need to think. What if lumipad na lang din ako?
Bad idea. Hindi ako makakatakas gamit ang not so perfect flying skills ko.
Kung gupitin ko kaya itong buhok ko? No way. Magmumukhang bao na bangs ang buhok ko. Kung hahayaan ko naman baka totoo iyong sinabi ni Finster na kabaong at nitso ang punta ko kapag may nakakitang ibang tao.
Pucha! Bahala na nga. Hindi na ako nagdalawang isip at tumakbo ako papasok sa kakahuyan. Wala akong balak magtake-risk na pwede kong ikamatay na lang bigla.
Ano ba naman kasing buhok ito? Sa normal na mundo ay hirap na hirap akong pahabain tapos dito—aba! instant haba na lang bigla? Eh mukhang mas mahaba na siya kesa sa pasensya ko eh.
Enough of these thoughts. I need to be at the dorm bago pa kung sino ang mauna sa akin doon. Wala akong balak mamatay. Kahit pa kailanganin kong buhusan ng tint ang pentel pen ito—sana naman wag na please—ay gagawin ko.
Mukhang napasarap ako sa pagtakbo dahil napatigil ako sa kakaibang pakiramdam na iyon. Kaagad na nakaramdam ako ng takot. Ito iyon eh. Ito iyong lugar kung saan nakita ko iyong lalaking kulay pula.
BINABASA MO ANG
Crittenden Academy
FantasiBoyish na babae, iyan si Circe (Sirse). Hindi siya fan ng palda at ng kikay stuffs. Hindi man perpekto ang buhay niya ay kontento na siya doon. Hanggang sa ma-force drop out siya sa school niya and found her way into the Crittenden Academy. A school...