Besiegen

12.4K 580 195
                                    

Wake up, Circe. Wake up.

Hindi ko alam kung kaninong boses ang naririnig ko. Ang alam ko lang, may nagsasabing kailangan ko ng gumising ngayon na. Kaya't paunti-unti ay iminulat ko ang mga mata ko upang gumising.

Sumalubong kaagad sa akin ang ilaw na nagmumula sa mga bumbilya na nakakabit sa kisame ng silid na ito. Base sa itsura ng buong lugar ay alam kong nasa loob ako ng ospital.

Good thing na wala ako sa magic bubble. That means hindi kritikal ang kalagayan ko. Napadako ang paningin ko sa bandang kanan ko kung saan naruruon si Finster. Nakaupo sa kabilang kama. Wala naman siyang benda o kung ano man. That means he is watching me while sleeping.

"Nakalima ka." Bored na sabi niya sa akin. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin kaya nanatili lang na nakanuot ang dalawang kilay ko.

"Limang beses tumulo ang laway mo." Seryosong sabi niya sa akin. Dagling dumako ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi ko. Kinapa ko ang gilid ng bibig ko pero wala naman akong napunasan. Walang laway na tumutulo sa akin.

"Siraulo ka." Naiinis na sabi ko sa kaniya.

Nagkibit balikat lang siya. Tumitig siya sa akin pagkatapos noon. Hindi ko alam kung bakit pero nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Hanggang sa parang pelikula na nag-flash mula sa mga mata ko ang lahat ng nangyari.

"F'ck." Mahinang mura ko na ikinakunot naman ng noo ni Finster.

Wala sa loob ko na kinapa ko ng dalawa kong mga palad ang aking dibdib at inalog –alog. Wala akong sugat. Wala akong sugat—?

Napatingin ako kay Finster na ngayon ay nakayuko na at—namumula. Bakit?

Freeze. Wait.

Puchanggala! Gusto kong batukan ang sarili ko. Duh! Malamang mamumula yan. Ganyanin mo ba naman ang hinaharap mo ng walang pasabi. Tsk. Hay. Sorry naman. Reflexes ko lang.

"Magaling na ako?" I asked kahit obvious na obvious naman sa totoo lang.

Tumango siya. May sasabihin pa sana siyang iba pero narinig na naming ang pagtunog ng Clock Tower. Anong meron? Bakit natunog na naman iyan?

Gusto ko pa din sanang magtanong kung ano ng nangyari matapos ang nangyaring engkwentro sa amin noong pulang lalaki pero hindi ko na nagawa. Tumayo na kasi siya.

"Tara na. Tumayo ka na diyan. We are going to be late." Sabi niya sa akin. Kung hindi ko lang alam na estudyante din itong isang ito ay baka napagkamalan ko na rin siyang guro. Minsan kasi akala mo ang tanda-tanda na niya kung makapag-utos.

"Ma-la-late saan?" tanong ko.

"Today is the exam day." He stated. Boredom's flashed on his face.

Ah.

Wait.

What?

What the f'ck?!

"Ano kamo?!"

---

   

Puchanggala! Shutanginamess!

Nakapila na kami dito sa loob ng silid at hinnihintay na matawag kami para gawin ang pagsusulit. Kung nasa mundo lang sana ako ng mga tao eh di sana madaling mangopya ng exam di ba. Eh di sana pwedeng mangodigo. Pero mali iyon kaya wag na lang din.

Pero ano na?! Paano ako papasa dito?!

What if mag-panggap akong nahihimatay? Tsk. Ang lame. Malalaman nila agad na nagsisinungaling ako sa oras na dumating ako doon sa clinic kuno namin.

Crittenden AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon