Gestohlene Zeit (Stolen Time)
Nanatili kaming magkayakap ni Finster matapos ang ilang sandali.
Hoho. Ang bango niya.
Wow. At nakuha ko pa talagang i-appreciate ang amoy ni Finster. Mapapahamak na nga ako dahil automatic hair extension na nagaganap sa buhok ko at kung ano pa mang kaweirduhan ay ang napagdesisyunan ko pang pagtuonan ng pansin ay ang amoy ni Finster. Ang ganda ng life choices ko.
Maya-maya pa ay nakarinig na kami sunod-sunod na katok mula sa pinto.
"Feuer? Finster? Nandiyan ba kayo sa loob?" narinig kong sigaw ni Karten mula sa labas ng pinto.
"Feuer? Papasukin mo kami. Nag-aalala kami sa inyo guys!" si Kette naman ang narinig kong sumunod na sumigaw.
Napakunot ako ng noo at tumingin kay Finster. Mukhang alam na niya kung anong ibig kong sabihin. Bakit hindi nila kayang pumasok? That's weird. They can teleport too, right?
"Hindi talaga sila makakapasok. I've created a barrier para walang makapasok. Do you want me to release it?" tanong niya sa akin. Nag-isip muna ako ng ilang sandali bago ko napagtantong iisa lang ang gusto kong puntahan.
"Gusto kong umuwi, Finster." I really wanted to go home. I want to see my Auntie. Gusto kong kamustahin si Nick. Sa ngayon, pagkatapos ng lahat ng nangyayari sa akin.. I just want to be on my home. Kahit sandali lang.
"That's breaking the rules." sabi ni Finster pagkatapos ay tinitigan ako ng maigi. Ang buong akala ko ay hindi siya papayag na tumakas kahit saglit pero ng makita kong he smirk. I know that he is going to do it.
"Let's start by going somewhere." pagkasabi noon ay agad na hinawakan ni Finster ang kamay ko at hinatak ako papayakap sa kaniya. Napapikit ako ng madiin habang unti-unting natatanggal ang barrier na ginawa niya ay kasabay ng unti-unti naming paglalaho.
"Feuer!" ang sigaw ni Karten para hanapin ako ang huli kong narinig bago tuluyang maglaho.
Napapikit ako ng may kakaiba akong nararamdaman habang unti-unti kaming dumadating sa pupuntahan namin. It's as if what we are heading to is somewhere I've never been to before. Hindi ganito ang pakiramdam ko noong una kong maranasang i-teleport. It's painful.
I am part of you. I will always be part of you. You can't get rid of me unless you die!
"Circe! Gising!" Napabalikwas ako ng bangon ng may kung anong maglanding sa mukha ko habang tahimik akong natutulog sa kuwarto. Hinagis na naman ni Auntie ang uniform ko. Ilang beses ko kayang kukumbinsihin si Auntie na hindi ko talaga trip ang pag-aaral at ang---
Wait. Natutulog? Uniform?
"Aaaaaahhhhhh!" Isang malakas ng sigaw ang pinakawalan ko. Dahilan para patakbo akong puntahan ni Auntie. Takang-taka ang itsura niya habang may hawak na sandok at plato sa magkabilang kamay.
"Anong nangyayari sayo?!"
Is this a dream? Or the Academy was a dream? Anong nangyayari? Bakit nandito ako sa bahay? Bakit nasa harap ko si Auntie na para bang hindi ako umalis?
"Hoy! Ano? Bakit ka nasigaw?" Doon ko naalala na hawak pala ni Auntie ang sandok. Ayokong mahampas niyan kapag nainis siya sa akin.
"Aaaaang mamatay ng dahil sa yooooo!.... sabi ko sabay kapa pa sa dibdib na parang damang-dama ko ang pagkanta. "Hindi ako nasigaw. Nagprapractice ako ng pagiging makabayan. High note lang iyong kanta."
BINABASA MO ANG
Crittenden Academy
FantasiBoyish na babae, iyan si Circe (Sirse). Hindi siya fan ng palda at ng kikay stuffs. Hindi man perpekto ang buhay niya ay kontento na siya doon. Hanggang sa ma-force drop out siya sa school niya and found her way into the Crittenden Academy. A school...