Nariyan ka pa ba ? 'di ka na matanaw

146 17 0
                                    

"Nariyan ka pa ba? Hindi ka na matanaw" (one shot story)

-jaybinibini✨🌻

"May bago ka na namang alaga?" Tanong ko kay Hannah, habang nakatingin ako sa kanya

"Oo, gustong gusto nila sa akin eh" sagot niya nang nakangiti.

Nandito kami ngayon sa taas ng bubong nila kung saan kitang-kita namin ang kalangitan. Dito kami madalas tumambay para makita ang mga bituin sa langit. Mahilig kaming mag star gazing ni Hannah. Mula nang niligawan ko siya lahat ng gusto niya ay natutunan ko na ring mahalin.

Kinuha ko ang gitara na nasa tabi ko at sinimulang tugtugin ang "Kung wala ka" ng Hale. Habang nakatingin ako kay Hannah hindi ko mapigilang humanga sa kagandahan niya, kahit pa walang kolorete ag mukha niya ang sarap pa rin niyang pagmasdan.

Natapos na ang lahat nandito pa rin ako
Hetong nakatulala
Sa Mundo, sa Mundo.
Hindi mo maiisip
Hindi mo makikita
Mga pangarap ko, para sa'yo, para sa'yo 🎶

Habang kumakanta ako, ipinatong ni Hannah ang ulo niya sa balikat ko dahilan sa pag kirot ng puso ko.

"Ang sarap mangarap Nathan, lalo na pag kasama mo iyong taong mahal mo na nangangarap" sambit ni Hannah habang nakatingin sa mga bituin. Hindi ko siya sinagot at itinuloy ko lang ang pagkanta.

Ohhh hindi ko maisip kung wala ka
Ohhhh sa buhay ko

Simula nang makilala ko si Hannah nagkaroon ako ng pag-asa sa lahat ng bagay. Napuno ng positibong pananaw ang buhay ko. Kapag nakikita ko siyang nakangiti nagliliwanag ang madilim kong paligid.

Nariyan ka pa ba?
Hindi ka na matanaw
Kung mayro'on bang daraanang
Pasulong, pasulong🎶

Hannah, hindi ko maisip kung mawawala ka sa akin. Kaya kahit saan ka magpunta sasama ako sayo. Ayaw kong mawala ka sa paningin ko.

Ohhhh hindi ko maisip kung wala ka
Ohhhh sa buhay ko🎶

May umagos na luha sa mga mata ko kaya't bintitawan ko ang gitarang hawak ko at itinigil ang pagkanta saka ko hinarap ang babaing dahilan sa pag agos ng luha ko. Ramdam ko ang bawat pag hinga niya. Tumingin siya sa mata ko at saka ngumiti nang abot sa kanyang mata.

"Sa buhay ko, ikaw lang ako gusto kong makasama" usad niya sa mahinang boses.

"Ako rin, sa buhay ko ikaw lang ang gusto kong makasama, hindi ko kaya kung mawawala ka." Sagot ko

"Mauuna na ako sa'yo, mag-gagabi na" pag-iiba niya sa usapan.

Alam ko ibang pag uwi ang tinutukoy niya

"Sabay na tayo Hannah, ayaw mo ba akong kasabay?" tumawa ako nang bahagya.

"Gusto siyempre, pero hindi pwede baka magalit sila Tita pag magsasabay tayo."

May hanging dumaan dahilan para mahulog ang balabal na nakapatong sa kanyang mga braso. Nakita ko ang mga pasa niya, ang mga alaga niya sa katawan. Hindi ko maiwasang mapaluha.

"Edi ibig sabihin ba niyan, susunod na lang ako sayo pag puwede na?" sambit ko sa basag na boses

"Oo naman, sa ngayon magpagaling ka muna. Lumaban ka sa sakit mo, hindi lang para sa akin kundi para sa sarili mo. Magkikita rin naman tayo pag dating ng panahon" sagot niya sa akin habang hinahaplos ang nakakalbo kong buhok.

"Sige sabi mo eh, pero kapag hindi ko na rin kaya susunod na rin ako sayo. Wag ka ng tumutol diyan, doon rin naman ang punta ko" hindi ko na napigilan ang pag hagulgol ko.

"Wag ka ng umiyak.... sige na malalim na ang gabi mauuna na ako" halos pabulong niyang sabi

"Sige mag-iingat ka sa pag uwi mahal, matulog ka nang mahimbing pagkarating mo, pangako susunod ako sayo" mahal na mahal kita

Naramdaman ko ang pagbitiw niya sa kamay ko.

Oh oh hindi ko maisip kung wala ka
Oh oh oh sa buhay ko..... Hannah

Napapikit ako at naramdaman ko ang antok. Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko. Uuwi na rin ako, baka maligaw si Hannah. Kailangan ko siyang sabayan .

"Hannah pauwi na rin ako pasensiya ka na hindi ko na matutpad 'yong hiling mo. Magkikita na rin tayo sa langit. Magkakasama pa rin tayo". Matatanaw na rin kita.

Song title: Kung wala ka by Hale

Thank yoy for reading ! God bless ❤

Nariyan ka pa ba? 'di ka na matanawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon