CHAPTER 50

11.8K 727 22
                                    

Nagising ako ng may yumuyogyog sa akin minulat ko naman ang mga mata ko at nakita ko si kuya eric kaya umupo ako

"Sabi na't nandito ka,alam mo bang nag alala kaming lahat sayo,lalo na yung section mo"saad niya kaya tumingin ako sa kanya

"Sorry,diko sinasadyang pag alalahanin kayo/sila"pagpapaumanhin ko

"That's okay,pero anong nangyari sayo?sabi nila hinanap mo kung sino ang may pakana,nalama mo ba kung sino siya?"tanong sa akin ni kuya eric

"Oum,ang mga magulang ko gusto nilang agawin ang university na to,at may apat silang pinapahanap at isa na ko doon pero diko alam kung sino yung tatlo."paliwanag ko sa kaniya

"Magulang mo?Morris ka diba?alam mo bang kilala ang morris dahil sa pagiging mabait at matulungin nila,mahirap naman paniwalaan yang sinasabi mo."saad niya sa akin mabait?matulungin?pakitang tao talaga yung mga magulang ko

"Wag kang magpapaniwala sa mga kilos nila,masasama ang magulang ko kuya eric!doon palang sa part na sinasaktan nila ako physical,emotionally, mentally masama na sila!balak nilang ibaba sa pwesto yung mga magulang ko kuya eric."saad ko

"Paniniwalaan kita,umuwi kana sa inyo gail, pinapauwi na lahat ng estudyante at walang pasok ng isang linggo o higit pa dahil iimbestigahan ang nangyari kanina,hinihintay ka din ng mga ka section mo sa labas"saad niya sa akin pinapauwi?

"May problema kaba gail?ay oo nga pala sinasaktan ka ng magulang mo gusto ba sa bahay kanalang muna namin tumira?"tanong niya sa akin umiling iling naman ako

"Hinde na kuya eric,nakakahiya na,kaya ko na ang sarili ko,sige na kuya eric aalis na ako"tumango naman siya kaya lumabas na ang ng kwartong iyon saka lumabas ng school at doon ko nakita ang mga ka section

Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni blake ng sobrang higpit

"What a relief!you make me worried aby,im glad you're okay"saad niya at tumingin sa akin ngumite naman ako

Agad din nagsilapit sa akin ang iba at niyakap ako,para naman kaming di nagkita ng sampung taon

"Salamat at ayos ka,teka nalaman mo ba kung sino ang gumawa neto?sinabi kasi sa amin ni blake kung bakit ka nag paiwan eh"saad ni harold,tumingin naman ako kay khalia ata agad siyang umiwas ng tingin

So alam niyang mangyayari toh?bakit niya hinayaan lang?napairap nalang ako sa inis

"Ang mga magulang ni khalia,gusto nilang kunin yung university!at diko alam kung bakit"saad ko sakanila

"Magulang ni khalia?diba magulang mo din yon?"saad ni james

"Di ko sila magulang!"saad ko mukhang naintidihan naman nila ang sinabi ko

Lumapit namansa akin si cyan na hawak ang bag ko

"Papauwin ang mga estudyante gail,at alam kong ayaw mong umuwi gail gusto mo bang doon muna sa amin tumira?"tumanggi ako sa alok niya ayokong mandamay ng iba sa problema ko

"Hinde na cyan,babalik napang ako dito at doon ako sa dorm ko pagsinasakta ulit nila ako"pagtanggi kaya inabot nalang niya sa akin ang bag ko kaya nakangiti akong kinuha iyon

"But abigail its dangerous,baka mamaya ay may mga lalaking pang nagtatago."dagdag ni cyan kaya tumingin ulit ako sa kanya nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya

"Kung noong unang araw ko dito ay sabi mo ay "that danger is may friend" hinde ngayon,because im now the danger."saad mo at tinapik tapik ang balikat niya

"Tara na sa parking lot ng maka uwi na tayo at makapagpahinga na"saad ni owen kaya sumunod kami kanya kanya kaming sakay ng kotse namin

Bago kami tuluyang sumakay at tumingin sa isat isa at tumango parang sinasabi naming 'bye' pero di lang kami nagsasalita

Nakita kong yumakap pa si khalia kay blake apakalandi talaga

Tuluyan na kaming pumasok sa kotse,agad kong kinuha ang susi ng kotse ko sa bag ko at sinalpak ito para gumana ang makina

Isa isa kaming lumabas ng parking lot,nung umpisa ay iisang daan lang kaming nagmamaneho hanggang sa pauti unti dahil may lumiliko di naman kasi kami magkakapareho ng bahay.

Hanggang sa makita ko ang kotse ni khalia na nasa likod ko lamang

Imbes na lumiko ako dahil nandon ang subdivision kung nasaan ang bahay namin ay dumiretso lang ako,hula ko ay nagtataka si khalia kung bakit ako lumiko,wala na siya sa likod ko means pauwi na talaga siya

Madilim na dahil 8:30 na pero maganda padin dahil sa mga ilaw,pupunta ako ngayon sa grocery dahil alam kong di na naman nila ako papakainin

Pinarada ko ang sasakyan ko at kinuha ang bag ko at ang susi saka ako bumaba at pumasok sa loob ng grocery

Kumuha ako ng cart dahil pang isang linggo ang kukunin ko para di narin ako bumaba

Kinuha ko lang ang mga kailangan at gusto ko tulad ng karne,bacon,egg,mga panlasa,kalahating sakong bigas,junkfood, soft drink,mga chocolate drinks at kung ano ano pa

Dami kong pinamimili noh?pati bigas?well dahil ayokong humingi sa kanila.

Ako ang nagluluto para sa sarili ko,pera ko ang ginagamit ko pambili ayokong humingi sa kanila dahil tapos na ako sa paghihingi sa kanila

Kaya pati bigas,karne,mga panlasa ako narin ang bumibili.

Ng matapos akong mamimili ay dumiretso ako sa counter para magbayad

Naka box ang mga pinamili ko dahil sa dami binuhat naman iyon ng boy ng grocery sinundan nila ako hanggang sa kotse ko,binuksan ko ang compartment at sila na ang naglagay

Nagpasalamat ako saka ako sumakay sa kotse ko at pinaandar eto.

This is it!pancit!babalik na ako sa impyerno naming bahay

Binuhay ko na ang makina,at nag umpisang magmaneho papuntang subdivision

Nandito na ako sa harap ng gate,pinagbuksan naman agad ako ng guard saka ko pinarada ang kotse ko,tinanggal ko ang susi at kinuha ang bag ko saka ako bumaba

Pinabuhat ko sa guard mga pinamili ko dahil di ko naman kaya iyon.

"Abigail?"tawag sa akin ni niki ang kaibigan ko dito sa loob ng mansion,anak siya ni ate marie isa sa mga kasambahay pero di kasambahay ang turing ko sa kanila pamilya,mas gusto ko pa maging anak ni ate marie at maging ate si niki

Kaysa sa pamilya na meron ako.

Bata palang ay nandito na si niki dito sila tumira ng mama niyang si ate marie,ate tawag ko sa mama niya kasi bata bata pa naman 38 ang mama niya pero mukhang bata ganda eh.kaya di bagay na tawagin ko siyang manang marie tulad ng iba ganda ganda tapos manang tawag?kaya di narin ako magtataka kung bakit maganda din si niki

THE ONLY GIRL OF SECTION SAGITTARIUS (COMPLETED)Where stories live. Discover now