CHAPTER 52

11.5K 726 47
                                    

Nang nagising ako ay dumiretso ako sa banyo at ginawa ang morning rituals ko at pagkatapos non ay bumaba agad ako para makapagluto ng almusal ko

7:30 am palang,naks ang aga ko magising.

Patungo ako ng kusina ng makita ko si khalia na kumakain sa dining room

Magrugtong kasi yung dining at kitchen namen.

Diko nalang siya pinansin at dumiretso sa kusina kinuha ko sa ref yung bacon at hotdog atsaka itlog

Magluluto ako ng fried rice tapos lalagyan ko ng hiwa hiwang bacon,egg,hatdog sarap non mga be.

Hiniwa ko na sa maliliit ang bacon,egg, hotdog

Sinumulan kong munang lutuin yun saka ko nilagay ang kanin nilagyan ng toyo at asin

Hinahalo ko ang rice at mga kasangkapan ng biglang dumating si khalia

Binitawan ko ang hawak kong sandok at tumingin sa kanya

Kailangan neto?

"Buti nalang at bumalik ka dito abigail dahil malaya kitang masasaktan ng hinde inaawat nino man."saad niya,eh?pinagsasabi neto pukpukin ko to ng sandok!

"Pinagsasabi mo diyan uy?baliw kana.Kulang ka ata sa tulog!tsaka anong akala mo hahayaan monalang na sasaktan mo moko?aba!masasampal kita sa oras na hawakan mo ako kahit hibla ng buhok ko kaya wag mo kong takutin."saad ko at tinaasan siya ng kilay

"Mas nakakatakot pa yung mukha mo kaysa sa ugali mo,bumalik na nga sa pinangalingan mo nakakasira ka ng umaga,mapopokpok ko pa tong sandok sayo!"saad ko sakanya bigla naman siyang ngumise ay wala!baliw na

"Acting strong siz?alam mo kung sa school mataas ka!dito hinde mababa kalang!"saad niya pinatay ko muna ang kalan baka masunong pa ang niluluto ko epal kasi toh eh

"Alam mo wala akong pake sa sinasabi mo sapat na alam nating dalawa na mas lamang ako at naiingit ka don,alam mo nakakatawa lang yung taong nagdodown sayo ay mas mababa pa pala sayo!okay lang yan siz! haters gonna hate!"saad ko at sinalin sa plato ang pagkain ko tsaka kumuha ng kutsara tinidor at dumiretso sa kwarto ko

("It's so funny when a person who try to bring you down is already below you!")Galawang Aby 101 Chapter 05 The Revenge)

Habang kumakain ako ay mat biglang kumatok sa pintuan ko sa,inis ang tumayo at pinto

Pagkabukas ko ay nakita ko si mom at nasa likod si khalia na kunwareng umiiyak.

"Hoy ikaw babae!bakit mo naman sinampal ang anak ko ha?!di porket sikat ka sa university niyo ay masyado kanang nagmamataas,mababa ka padin abigail!para kalang cheap na babae na binihisan at nilagay ng alahas!"saad ni mom aaminin kong nasaktan ako sa sinabi niya,at sa part na si khalia lang ang tinuturing niyang anak

"Hinde ko sinampal yung anak niyo,madudumihan lang ang palad ko pag ginawa ko yun!tsaka ikaw khalia!aarte ka nalang bulok pa che!"saad ko at sinarado na ang pinto at nilock iyon

Naririnig ko pa silang kinakalampag ang pintuan ko at tinawag ang pangalan ko pero di ako nag abalang buksan yun

Sinalpak ko ang headset ko at minax ko ang volume at tinuloy ang pagkain ko

F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D

Kinuha ko ang sling bag ko at sinuot ko ang sapatos ko,lalabas ako gagala mag isa nakakaburyo dito sa kwarto pag lumabas ka naman makakita ka lang ng mga taong ginawa ni satanas kaya wag nalang.

Lumabas ako ng kwarto ko,nilock ko ang pinto para walang makapasok

Pagkaharap ko ay nakita ko si dad na kakalabas lang agad naman siyang ngumite sa akin,lecheng ngiti yan may halong pang mamanyak

Diko sana papansinin at didiretso nalang ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at nilapit sa kanya

"ANO BA BITAWAN MOKO!MANYAK KA!KADIRI KA!LET ME GO YOU MORON!!!!!"sigaw ko sakanya at pilit na nagpupumiglas

"TULONG!!!!"sigaw ko umaasa na aakyat sila mom at tulungan ako

"Wag mo nang sayangin yung boses mo sa paghingi ng tulong dahil wala silang dalawa dito,sa kwarto mo nalang gamitin yang magandang boses mo."saad niya pilit hinahalikan ang kamay ko

Sinapa ko ang tiyan,kata bigla siyang napabitaw sakin kaya kinuha ko ang chansang yun para makatakbo

Nakitang kong hibabop niya ako sa likod kaya binilisan ko ang paglabas ng bahay at agad na pumasok sa sasakyan ko at binuhay ang makina

Nakitang kong pilit niyang binubuksan ang front seat ng kotse pero nilock ko iyon

Pinaandar ko ang kotse ko,at lumabas sa mansion na yun,nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako ng subdivision.

Diba siya nagsasawa sa kaka bastos niya sa akin?!bwiset!lagi nalang kaming ganon!

Ngayon ay diko alam kung saan ako pupunta!leche naman kasi ginulo gulo pa nila yung university!yan tuloy wala akong choice kundi tumira sa mansion!mansion na puro demonyo.

Napag isipang kong kakain nalang ako sa isang fastfood restaurant nakakagatom pala noh kahit wala kang ginagawa.

Pumasok ako sa restaurant at umorder ilang minuto din at dumating na ito sa mesa ko

Nakakainis nga eh,alam niyo ba nasa harapan ko magjowa,sa likod ko mag jowa,sa gilid ko magjowa,leche talaga,baka naman blake!baka lang naman.

Nang matapos akong kumain ay agad din akong umalis at pumasok sa kotse at iniisip kung ano ang gagawin ko.

Ayokong nang manatili pa sa mansion na yun!kaya wala akong choice kundi ang bumalik sa university at doon muna ako sa hidden room ng rooftop titira.

Mas safe pa don,kaysa sa mansion

Alam kong ayaw nila akong umalis dahil alam kong may binabalak sila pero diko alam yun.

Mamayang gabi at tatakas na ako.Hindeng hinde na ako babalik doon kahit yun nalang ang natitirang bahay sa mundo.

Binuhay ko na ang makina at bumalik sa mansion

Pagkapasok ko at nakita ko agad sila mom at khalia na nasa sala at  binubuksan ang mga pinamili nilang damit

Dadaan na lang sana ako ng biglang nagsalita si khalia

"Saan ka galing?"tanong niya sa akin pero imbes na sagutin ko siya ay tinalikuran ko nalang siya

Magsasayang lang ako ng laway sa babaeng toh

"Pag kinakausap ka wag na wag kang tatalikod!"saad niya saktong pag harap ko ay sinampal niya ako

Masakit ang sampal niya pero tulad nga ng dati sanay at manhid na ako

Timignan ko naman siya ng masama dahil sa ginawa niyang yun nakita ko pa ang ina namen na parang natutuwa pa siya sa ginawa ni khalia

THE ONLY GIRL OF SECTION SAGITTARIUS (COMPLETED)Where stories live. Discover now