She didn't come
Jisoo POV
"jennie?"tawag ko kay jennie habang busy sa pagpupunas ng mga mesa
"hhmm?"
"can you give this to lisa?"inabot ko sakaniya ang isang bote ng wine
Napatingin siya sa bote
"yeah sure,nasan ba siya?"tanong niya
"nasa isang hotel siya..ito,ito ang location and then the room"sabi ko sabay abot ng isang papel sakaniya
Kinuha niya ito at pinasok sakaniyang bulsa at kinuha sakin ang wine,aalis na sana siya ng pigilan ko siya
"jennie narinig ko nagsimula ka ng maging PA kay lisa"napatingin siya sakin
"yeah kahapon lang"
"ahhmm may konting paalala lang ako sayo jennie kung pwede?"tanong ko sakaniya at tumango lang siya
Inilagay niya ang bote ng wine sa mesa at umupo kami pareho
"jennie please wag na wag mong pababayaan si lisa okay?always remind lisa for her meds,wag na wag mo siyang pababayaan na uminom bawal sakaniya yun and then wag na wag mo siyang pababayaan na magalit,masaktan,umiyak,mapagod at mastress,kung pwede always make her smile"
"wait meds?may sakit ba siya?"nagtatakang tanong ni jennie sakin
"hindi mona kailangang malaman pa at ayaw na ayaw niyang may makaalam na iba,at kung magtanong siya sayo kung pano mo nalaman yung meds niya sabihin mo lang pinagbilinan kita"sabi ko at tumango tango lang siya
"jennie take care of lisa for me please?wag na wag mo siyang pababayaan"
"makakaasa ka jisoo"nakangiti niyang sabi..
Tumayo na siya para magbihis para maihatid na ang wine kay lisa..
Jennie POV
Lumabas na ako ng bar at tumungo na sa location kung nasan ang hotel nayun..
Sabi ni jisoo bawal uminom si maam lisa pero ano to?wine?at dadalhin ko kay maam lisa to?Ang gulo!
Ng makarating na ako sa hotel nagtanong ako sa babae na nasa lobby kung nasaan ang room 22,tinuro niya sakin at pumunta na ako sa room nayun..
Kumatok ako ng dalawang beses
"maam lisa,ako to si jennie"sabi ko
"come in"sigaw niya sa loob
Binuksan ko ang pintuan at pumasok na,madilim ito at hindi ko makita si maam lisa..
"maam lisa?"pagtawag ko sakaniya pero walang sumagot
Hinanap ko ang switch ng ilaw,at binuksan ko ito..
Nakita ko si maam lisa nakaupo sa isang upuan at merong bakanteng upuan sa harap niya..
Merong candle sa ibabaw ng mesa pero hindi ito umiilaw,merong flowers,plates at may pagkain narin ito..
Nakita ko siyang nakayuko lang..Ipinatong ko sa ibabaw ng mesa ang wine na dala ko
"maam lisa,ipinabibigay ni maam jisoo po"nakayuko parin siya
"alis na po ako maam lisa"sabi ko at lalabas na sana ng room
"hindi siya dumating"ng bigla siyang nagsalita
"po?"
"i am not enough?hindi ba ako mahalaga,"naiiyak niyang sabi pero pinipilit niyang ngumiti
"ahh maam lisa mauna na po ako,ayoko pong mangealam baka banggitin niyo nanaman po ang rule no.2"binuksan ko ulit ang pintuan para lumabas
"stay"napalingon ako sa sinabi niya
Inangat niya ang ulo niya at nakita kong namumula ang mga mata nito dahil sa pagiyak
Naisip ko ang mga sinabi sakin ni jisoo
Isinara ko ulit ang pinto at dalidali akong lumapit sakanya para patahanin
"okay po maam lisa magsstay ako,tahan na po"napayakap siya ng mahigpit sakin at humagulgol
"siguro po merong dahilan si maam tzuyu at di siya nakapunta dito"sabi ko at kumalas na siya sa pagkakayakap sakin
"i'm sorry"
"no it's okay maam,nandito lang po ako pag meron kayong kailangan"
Lumayo ako ng konti sakaniya at pinahiran niya ang mga luha niya
"upo ka"pagaaya niya sakin
"po?"
"sit down,wala naman akong kasama dito kaya ikaw nalang tutal nandyan kanaman"
Hindi na ako tumanggi baka magalit pa to
Umupo na ako at kinain namin ang nakahanda na pagkain sa mesa..
Hindi ko bibiguin si jisoo kaya ginawa ko ang lahat para mapangiti si maam lisa..
Nagmukha tuloy akong date ni maam lisa ahahaha,pero ang swerte ni maam tzuyu kung siya ang nasa kalagayan ko dito sure ako magugustuhan niya ito..
Nakatitig lang ako sakaniya, yung mga luha niya kanina napalitan ng saya kaya napingiti rin ako
BINABASA MO ANG
Love Me Till The End (COMPLETED)B1
Fanfiction"i want to love you till you can no longer open your eyes,till you can no longer breath..I will love you till the END"