Nagising akong masakit ang ulo at nauuhaw.Nasinagan din ako sa subrang liwanag.Wait a minute?
Where am i?!
Wala akong naaalala sa mga pangyayari. Ang tanging naaalala kulang ay papunta ako sa event party ni Sheena then...i got crash!!
So it means, nasa hospital ako?!
Nilibot ko ang kabuuan ng kwarto pero wala akong makitang tao maliban sa prutas na nakalatag malapit sa kama ko.
Tatayo na sana ako pero napatigil ako ng mas sumakit ang ulo ko.
Oh shit!
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa roon ang mga kaibigan kong nagtatawanan. Napatingin silang lahat sa akin, siguro ay nagulat sila ng makitang gising na ako.
"Ohmy! Gurl buti nagising kana. I got so worried ng malamang naaksidente ka at na confine dito sa hospital. Sinasabi ko naman kasi sayong sumabay kana lang sa amin pero nagpatianod ka parin sa matigas mong ulo!" Bulalas ni Andy.
"Pwede ba? Dahan dahan naman sa pagsasalita nauntog ang ulo ko okay? At hindi ko pa alam kung anong nangyari sa akin last night!" Angil ko.
"Anong last night?! Your almost 3 weeks in this hospital Luna." Sabi niya na ikinabigla ko.
Really?
3 weeks?!
Napatingin ako kay Sheena na halatang masaya rin ng makitang mabuti na ang lagay ko.
"I'm sorry about your birthday Shen, hindi ko alam na mangyayari 'to." Nakayukong sabi ko.
"It's okay Luna, wala namang may gustong mangyari ito sayo eh. By the way, ano ba talagang nangyari, may nagtext lang sa akin gamit ang phone mo na naaksidente ka raw akala ko nga ay nagbibiro kalang that time kasi nga nakapagtext ka pa. Kung hindi lang tumawag sa akin si Teta Elieza ay hindi ako maniniwala." Mahabang lintaya niya.
Ikinuwento ko sa kanila ang lahat ng naalala kong nangyari bago ako nawalan ng malay.
"So you mean, hindi ikaw yung nagtext saakin?" Biglang tanong ni Sheena.
"Hindi nga ako. okay?"
"Then, sino?" tanong naman ni Andy.
"Ewan ko, basta hindi ako noh!"
"Then sino?!"
Nalito ako kung paniniwalaan ko ba ang kaibigan, wala naman kasi talaga akong naalalang may iba akong kasama or either baka yung taong unang nakakita saakin at tinulungan ako.
The next day i found myself sitting in the dining chair with my mom and Big brother.
Nakalabas na akong hospital after 1 month of staying there.
Hindi na namin kasama si Daddy dalawang taon na ang nakakalipas dahil iniwan niya na kami. But still, hindi niya parin naman kami nakakalimutang dalawin dito.
I loved my Dad so much pero ramdam kong hindi niya ito kayang suklian. Palaging si kuya ang hanap at gusto niyang kasama na ayaw naman sakanya. Hinintay ko nga siyang dalawin ako nung nasa hospital pa ako at na confine pero sabi ng mga kaibigan ko ay malabo raw mangyari iyon dahil kung gusto niya raw akong dalawin ay dapat nung malaman niyang nasa ospital ako ay dumalaw kaagad siya.
Kung talagang totoong nag-aalala siya sa akin. I'm still hoping na mag eexplain siya...
Mensan talaga may mga bagay na gustong gusto natin pero sa iba sumasaya.

BINABASA MO ANG
The Immortal
VampirosGood girls go to heaven, bad girls go to Fangtasia... I'm obsesssed with your fangs.