KA BA NA TA 03

2 1 0
                                    

Chapter 3

Kinaumagahan ay maaga akong gumising para kaagad na makapasok. Wala naman si Mommy dahil maaga daw umalis while si Bigbro naman hindi pa umuuwi mula pa kahapon.

Tulad ng palaging nakagisnan ay nakaharap na naman ako sa Professor namin na nakalipad ang utak sa labas ng classroom.

Nahihiya ako sa ginawa ko kagabi, iniisip tuloy ni Daddy na gumagawa lang ako ng kwento para mapansin niya. Eh, sa totoo lang naman ay may nakita naman talaga akong paniki sa ve---

"MISS LUNA!" Bigla ay dinig kong sumigaw.

"Ay Paniki!" Biglang bulalas ko dahil sa gulat.

Napatingin ako sa professor namin na nag aalburuto ang ilong dahil sa galit, ganon na din sa mga kaklase kong nagtatawanan dahil sa katangahang nagawa ko na naman.

What's funny?!

"Nakikinig ka ba sa discussion ko Miss Luna?! Dahil kung hindi ay maari kanang lumabas! The door is open for those who don't want to listen!" Malakas na sigaw niya at kunwaring hinihilot hilot ang dibdib at kunwaring aatakihin ang puso niya.

Sir, alam ko na yang mga galawan na'yan! lumang bersyon na yan eh!

Naku sir kapag ba lumabas ako rito, kami ng mga kaklase kong naboboringan sa discussion mo ay hindi mo ba paliliitin grado namin? Di mo ba kami i do-drop kasi halos araw araw boring discussion mo eh, kaya baka araw araw din kaming hindi papasok sa time mo tapos dimo ba papatawag Mommy ko sa Descipline office Ha?!

Pero syempre sa utak kulang yun baka totohanin ni Sir eh mahirap na baka makasagupa ko na naman next year ang matandang panot na'to!.

"Attention everyone!" May biglang kumatok sa pintuan kaya sabay sabay ulit kaming napatingin doon.

"Good Morning Mrs. Principal!" Agad na bati ng matandang professor namin na ngayon ay masigla at maaliwalas ang mukha na parang walang nangyari kanina.

Nyeee..nyeee

Napangiti ako ng magtama ang paningin namin ni Teta Gladys, mommy ng peste kong jowa!

Pumunta ito sa harap kasama ng Dalawang lalaki?!

Another boys? Another bullshits!?

Yung isa ay naka green ang buhok at malaki ang ngiti habang sumunod na pumasok kay  Mrs. Principal habang yung isa naman ay parang bagot na bagot at nakasuot ng makapal na jack--- teka wait?

Parang pamilyar sakin ang lalaking nasa hulihan hindi kulang maintindihan kong saan ko siya nakita. The way his move, yung  mukha niyang natatakpan ng bangs na mala kpop sa haba, his pointed nose and red lips, hindi ko ngalang makita ang mata niya.

Ang weird!

Biglang bumulong ang lalaking nakagreen ang buhok kay Mrs. Principal habang patango tango naman ito. Hindi pumunta sa harap ang weirdman sa kasama niya at dere-deretso lang itong umupo sa---Luh? kailangan talaga sa likuran ko?!

"Hi everyone, My name is Andrian Sanchez and that guy from the back of that beautiful woman is Desmond Axe Scott. Nice to meet you all!" Pagpapakilala ng kasama ni Weidman.

Nahiya naman ako sa 'from the back of that beautiful woman '  why do you need to mention it?!

Weird parin kayong dalawa!

Naglakad na rin ito papunta sa dereksyon ko ngunit tumabi ito sa bakanteng upuan ni Sheena.

Absent pala ang bruha?! Diko napansin ah?

Matapos magpakilala ay

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon