Chapter 1: Reliable

14 1 0
                                    

Jinyoung checked his bag for the nth time of the day to make sure he didn't left any necessary things. Paikot ikot din sya sa kwarto nya. Hindi nya alam kung bakit sya kabado, its not like first time nya maexperience ang pumasok sa school na wala syang kilala.

He dialled Jisoo's number and called her.

"Hello?" He heard Jisoo's voice, panting.

"Ano bang ginagawa mo at hingal na hingal ka?" He asked. Imposible naman na nageexercise si Jisoo because she's like him, first day nila sa college.

"Ha? E kasi hindi pa ko bihis! Nagluluto pa ko ng almusal." Then he heard the sound of utensils in the background. Nagluluto nga si Jisoo.

"Ligo ka na ba?" Tanong ni Jinyoung. Dapat talaga tinawagan nya ito nang maaga aga para naman nagising din ito at nakapagayos.

"Oo naman. Kaso kailangan ko kumain, yung subject namin dalawa ngayong umaga, 3 hours each. Ugh. Hindi pwedeng magutom."

Bumaba si Jinyoung papunta sa may kusina and he prepares two lunch boxes and filled it with sandwiches. Kumuha rin sya ng mga snacks na nakastuck lang naman sa bahay nila.

"Bayaran mo na lang ako." Sabi nya kay Jisoo.

"Ha? Wala naman akong utang sayo ba't kita babayaran?" Jisoo said as she finish cooking the egg. "Shoot!" Sigaw nya pa dahil nakalimutan nyang magsaing.

"Pay me. I'll bring you lunch and breakfast." Paglilinaw ni Jinyoung.

"Ha?? Seryoso ba yan? Bakit ngayon mo lang sinabi? HAHAHA okay okay!" Sunod sunod na tanong ni Jisoo pero dahil wala syang magagawa, umokay na lang sya.

"Labas ka na lang dun sa may kanto ng palengke. Sunduin kita. Hahatid daw tayo ni Mama." Jinyoung said, casually.

"Okay!! Salamat Jinyoung!!! Babawi ako bukas. AHHAHAHA!"

Napabuntong hininga na lang si Jisoo. She's like this tuwing pasukan dahil hindi pa nakakaadjust yung body clock nya. Kapag bakasyon kasi palagi syang nagpupuyat kaya kapag pasukan, nahihirapan na sya gumising ng maaga. She's grateful Jinyoung is there, sometimes, to wake her up but busy din ito.

She just wore her hoodies and a plain t-shirt and jeans for her first day. Aircon naman sa mga classroom kaya yun ang napili nyang sootin. She checked her phone to see kung may text na ba si Jinyoung na paalis na ba sila sa subdivision.

Nagulat na lang sya noong may pumaradang puting sasakyan sa tapat nya at binaba ang bintana nito. She immediately saw Jinyoung's face. He looked okay than what she's expected. Akala nito maputla dahil kabado.

"Tara na." As he gestured Jisoo to climb inside the car.

Noong makapasok na si Jisoo, naggood morning siya sa Mama nito na syang nagdadrive ng sasakyan. She looked at Jinyoung's baby brother na walang paki. Binati na lang din nya ito. Ganon talaga yung kapatid ni Jinyoung, masama ugali. She laughed at herself.

"Akala ko ba kabado ka?"

"Hindi na. Mukhang mas mahihirapan ka naman kesa sa akin e." Pagyayabang nya.

"Sama mo ha! Kaya natututo sayo yang kapatid mo, ang sungit sungit." Sabi ko na tinuturo yung kapatid nya. Natawa lang naman si Tita habang yung kapatid ni Jinyoung lumingon at inirapan si Jisoo.

Syempre hindi nagpakabog si Jisoo, inirapan nya rin.

"Here you go." Sabi ni Jinyoung at pinatong sa gitna nila ni Jisoo yung lunchbox na may lamang tinapay.

"Ayun oh! Salamat. Hug sana kita kaso yung kapatid mo papatayin ata ako sa tingin." Sabi ni Jisoo habang dinilaan sya ng kapatid nito.

"T-that's fine. Hindi ako natanggap ng yakap as payment. Sa uwian ko na kocomputin since babayaran mo naman ako. Before the second subject ko na lang ibibigay ha." Jinyoung assured her. Ngumiti naman si Jisoo. Swerte ko talaga!

If It's Love [JinJi Fanfic] [JinyoungXJisoo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon