Chapter 6: strong

17 0 0
                                    

She's waiting for the jeep when she received a message from someone. Ilan ilan lang naman ang nakakaalam ng number nya kaya parating 8080, 4438, minsan Meralco o Shoppee ang laman ng inbox nya, kaya laking gulat nya noong makita nya ang pangalan ni Jinyoung sa screen.

Sabat tayo uiw. Sunduin kita sa may gate. Paalis na ko.

She hesitated for a bit dahil kanina lang magkausap sila ni Kat na baka hindi agad matapos.

Balak na sana nyang replayan na wag na lang dahil baka may iba pa itong gagawin pero bigla na lang nagring ang cellphone nya. Dahil sa taranta, nasagot nya agad ang tawag.

"Saan ka na? Gate 1?"

"Ha? Sure ka na ba na sabay tayo? Diba may org ka? Org time mo ngayon?"

"Itanong mo na lang lahat yan pag..."

Hindi na narinig ni Jisoo yung sinabi ni Jinyoung sa phone kasi nakatutok na sya ngayon kay Jinyoung na may car. He is smiling at her but she's not feeling it. Naiirita pa rin ito pero hindi nya lang alam kung galing saan.

"Get in." sabi ni Jinyoung sa kanya. Nasa state pa kasi sya na pagtimbang kung ano bang mas maganda, sumakay sa sasakyan kasama si Jinyoung or sumakay ng jeep pauwi pero magbabayad ng pamasahe.

Pinili na lang nya ang magtipid.

Habang nagdadrive si Jinyoung, nakatingin lang si Jisoo sa salamin. Iniisip naman nya na sobrang bilis lang naman bago makarating sa kanila so wala naman sense kung maguusap sila. There's this uncomfortable silence that surrounds them. They both know it but they don't know what to do or where is it coming from. Palagi naman silang naguusap pero parang may wall na sa pagitan nila.

The ride was fast so they both stayed silent until they reached Jisoo's home. When Jisoo opened the door nagtaka sya nung narinig nya yung pagoff ng engine at pagpatay ng makina. She looked back at Jinyoung at nakita nya na bumaba rin ito ng sasakyan pagkatapos ilock ito.

"Anong ginagawa mo?" she asked.

"Makikitambay?" he asked her back. Napalamutak na lang sa mukha si Jisoo. Asa pa syang makakakuha sya ng matinong sagot dito.

"Hindi pwede! Madami akong gagawin!" she said to him while blocking him, naisip din nya yung mga kalat sa kwarto nya na need nyang linisin at papagalitan na naman sya nito.

"Hindi naman ako makakaistorbo e! Naglalaro ka lang naman kapag ganyan linyahan mo!" He said while pushing her to get out of the way. Hindi naman nagpatalo si Jisoo.

"SINONG MAY SABI NA MAGLALARO LANG AKO?" pagdedeny nya. Yun lang naman din talaga ang gagawin nya pero ayaw nya lang din umamin.

"LET ME IN." Jinyoung insisted.

"Ayoko!"

Nagkaron ng staring contest muna bago magsalita si Jinyoung.

"Fine!!!!!! Kung ayaw mo akong papasukan, let us talk here." sabi nito out of frustration.

Bago nya pa maisip kung anong paguusapan nila, nasabi na nya na kailangan nilang magusap. Sa totoo lang, hindi nya alam kung saan ba sila may mali o kung may away ba sila. Ang alam nya lang ayaw nya yung sitwasyon nila ngayon. Kapag ganitong wala syang magawa, isang tambay lang sa mga bahay nila, umookay na sila pero... iba na ngayon. May nagiba na hindi nila alam kung paano maresolve sa pagtambay lang.

"Sige na nga pumasok ka na. Bwisit. Wag ka muna aakyat sa kwarto ha." sabi ni Jisoo at nagmadaling pumasok sa loob.

----

He settled by the couch in their sala. He texted their org leaders that he will not make it today at hinintay si Jisoo na bumaba. She's always in his house but he barely visits her house. Palagi kasing walang tao at ayaw nya naman may masabi ang mga chismosang kapitbahay sa kanila na laging naiinis si Jisoo. Kahit wala naman daw silang ginagawa, malalaman na lang minsan may chismis na pala sa kanila.

If It's Love [JinJi Fanfic] [JinyoungXJisoo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon