Chapter 14

47 11 0
                                    

Shane's POV

"Shaneeeeee!"

May biglang tumawag sa aking pangalan, kahit hindi pa ako lumilingon ay may idea na ako kung sino yun, pang lalaki yung boses niya.

"Josh?" Oo si Josh nga yung tumatawag sa akin.

Teka?ano yung dala dala niya?isang malaking puting paper bag?bakit naman siya magdadala ng ganon dito sa school?

Nagtatakbo siya papunta sa table namin habang hila hila yung malaking paperbag na dala niya, ano ba kasing laman nun?

Agad akong lumapit papunta sa kanya habang ito namang si Kiseah ay tila ba napako na sa kanyang kinauupuan habang tinititigan yung necklace niya, hindi ba siya nakaka move on dun?ngayon lang ba siya naka kita ng ganon?nagdidilim na yung paningin ko dahil sa mga taong ito, alam naman nilang bitter ako tapos pinapaligiran pa ako ng mga ganitong tao na puro may jowa.

Pagka lapit na pagka lapit ko kay Josh ay agad kong kinuha sa kanya yung bitbit niya, susmeyo marimar!magaan lang naman pala ito, akala ko naman sobrang bigat dahil nahihirapan siyang magbuhat.

"Ang laki laki ng katawan mo, tapos hindi mo kayang buhatin ito, ee ano bang alam mo?kumain?magpataba?" Giit ko.

"Grabe ka naman sakin, pasalamat ka nga dinala ko pa yan kahit ayaw ko naman!"aniya,siya pa talaga yung galit ee sino bang nagsabi sa kanya na dalhin niya ito,teka ano ba ito?

"Ano ba kasi eto?tsaka saan mo naman ito nakuha?"tanong ko sa kanya, habang sinisilip silip yung loob, hindi ko din kasi makita yung laman dahil naka balot pa sa plastic.

" Filipiniana dress yan,susuotin mo para sa sayaw natin sa P.E, malapit na din kasi natin yung i present ee, tsaka wag ka ng mag reklamo sa hitsura, mahal renta ko diyan!"aniya.

"Ah okay, tekaaaaa?ito?!ipapasuot mo sakin?siraulo ka ba?o sadyang gago ka lang talaga?pag susuotin mo ako ng ganito?modern dance yung sasayawin natin!hindi tayo aattend ng star magic ball!"

Napaka kamot nalang siya bigla sa kanyang ulo, alam kong nag effort siya para dito, tsaka gumastos siya ng pera, pero sana inisip niya kasi muna ee para hindi siya nagastusan.

Nakita ko na parang na disappoint siya dahil sa sinabi ko, nakaka offend ba yung mga words na binitawan ko?hindi naman siguro, nagsasabi lang naman ako ng totoo.

"Paano na ito?sayang naman." Naka yuko siya ngayon, totoo naman nga, sayang naman yung pera.

"Oh sige, magkano ba ito?babayadan ko nalang" giit ko, alam ko kasing mapapagalitan siya ng Mommy niya dahil sa ginawa niya ee, sana kasi tinanong niya muna ako about sa costumes namin ee.

"Talaga babayadan mo?" Nanlaki yung mata niya nung tanungin ko kung magkano yung filipiniana dress na yun, baka mamaya pineperahan niya lang ako ah HAHAHA.

"Bakit?ayaw mo ba?sige wag nalang" tumalikod ako bigla, pero nag bibiro lang naman ako ee.

"Huyy Shaneee ano ka ba?2k yan!"

Ako naman yung nanlaki ang mata matapos kong marinig yung presyo, seryoso ba siya dun?agad akong humarap sa kanya with my shocked face, sino ba namang hindi magugulat kapag narinig mo yung ganong presyo.

"2k?seryoso ka ba?!wala na bang tawad yan?"sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Oh sige 1500 nalang, ako na dun sa 500" giit niya.

Agad kong kinuha yung wallet ko doon sa aking bag na naka baba sa may table kung saan naka upo si Kiseah.
Ng tignan ko yung wallet ko ay mas lalo akong napanganga, 500 lang pala yung tira dito sa wallet ko, ang pagkakatanda ko ee 3500 pa yung nandito ah, saan napunta yung tatlong libo?imposible namang nangangain ng pera yung wallet ko.

I Married The Wrong Francis(Part Of Abs-Cbn Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon