Chapter 26

51 1 0
                                    

Shane's POV

After few months, everything changed, mula sa ugali ni Francis at pati nadin sa pakikisama niya sa mga kaybigan ko.He started hanging out with my friends, at dahil mabait naman sina Amanda, Kiseah at Ezekiel, pinaki samahan din nila ng maayos si Francis.Sumasama din naman samin sina Rio at Josh pero I don't think genuine 'yong ipinapakita nila dun sa tao.

Nagpapasalamat din ako kasi natanggap na ni Rio lahat ng bagay, ganon din naman si Josh.Tanggap na nilang lahat ang tungkol samin ni Francis pero ang sabi nila sa oras daw na lokohin ako ni Francis, reresbak daw agad itong sina Josh, ang hilig talaga sa away hays.

Nagbago din ang pakikitungo sa akin ni Francis, mas humaba ang pasensya niya, kaso sa paghaba ng pasensya niya, umikli naman ang oras niya sakin, baka naman busy lang siya.Kapag kasama niya ako, sobrang bait niya sa mga tao, ewan ko lang kung ganon din ba siya kapag wala ako.

Kasama namin ngayon si Francis, pero mukhang aalis na din naman siya kaagad, sabi niya kasi may kailangan pa daw siyang puntahan  eh, kaso hindi niya naman sinabi sa akin kung saan.

Noong dumating siya dito hawak niya na ang phone niya, hanggang ngayon hawak niya padin, hindi naman siya mahilig gumamit ng phone dati eh, ano bang pinagkaka abalahan niya doon.

Napapansin na din ni Amanda na laging nakahawak sa phone si Francis, sinabihan niya ako na baka daw may babae si Francis pero hindi naman ako naniniwala.Sa dami na ng nagawang mali sakin ni Francis dadagdagan niya pa talaga?

I tried to look at his phone kaso pasimple naman siyang umiiwas, ano bang itinatago niya?hindi naman kasi talaga ako selosa gaya ng ibang babae pero parang sobrang suspecious naman kapag ganon ang kilos ng boyfriend mo, na para bang laging may itinatago.

Teka?pati ba naman si Kiseah at Ezekiel?kanina pa din silang nakahawak sa mga phone nila, posible kaya na magkakachat silang tatlo?planning a surprise for me?heh!ang echosera ko naman!

"Uhm, Ezekiel?sinong kausap mo?" tatanungin ko dapat silang tatlo kaso inuna ko na lang muna si Ezekiel.

"Ahh wala!may binabasa lang ako dito sa Facebook, bakit mo natanong?" sagot ni Ezekiel.

"Hmmm nothing.How about you Kiseah?mukhang kanina ka pa din nakatutok sa phone mo?are you busy?how can I help you?" tanong ko naman kay Kiseah.

"Ah ehh, si-----" hindi pa naiituloy ni Kiseah yung sasabihin niya ng biglang.

"Boo, I have to go, kukunin ko pa Laptop ko sa room, byeee!" see?hindi man lang nag I love you, dali dali pang umalis.

"Sino nga ulit Kiseah?" I asked her again.

"ahh si...si Gianne,kasama ko sa thesis,ahmm I think I have to go na!baka iniintay niya na ako eh"bakit ba sobrang suspecious ng galaw nitong mga tao na 'to, ano bang problema nila?wala naman sigurong surprise na magaganap kasi wala namang okasyon.

Nagmamadali na ding umalis si Kiseah, kakaalis lang ni Francis tapos umalis din siya agad?hmm...

" I can smell something fishy, Shane.Ikaw ba?may naaamoy ka din?"Amanda asked me, anong fishy fishy?hindi ko siya maintindihan.Hindi ko na lang siya sinagot at nanahimik na lang ako.

"Alam namin iniisip mo, Shane, hindi lang naman ikaw nakakapansin, kami din!" sagot naman nitong si Josh.

"Gusto mo bang resbakan na namin?"-Rio.

Naiisip din pala nina Amanda, Josh at Rio ang naiisip ko.

" teka?a-anong pinag uusapan niyo?"tanong ni Ezekiel.Hindi ko na lang sinabi ang totoo kasi alam kong mag ooverthink na naman siya.

I Married The Wrong Francis(Part Of Abs-Cbn Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon