Ikalawang Kabanata

3 0 0
                                    



Hindi pinansin ni Nieve ang pag-aalinlangan ng lima at ibinaba ang bibitbitin niya sanang rasyon. "Pero bago 'yon, kailangan ko munang kumustahin si Renzo at ang mga iba sa taas." Nanlaki ang mga mata ng tatlo sa narinig. Nabuhay ang kanilang luob nang malaman na may iba pang mga estudyante ang natitira. Napalapit si Evie kay Nieve, "May iba pa?!" Marahang tumango si Nieve sa kanya, "Stay here." Utos niya kay Evie bago siya bumaling kay Tillean. "Dadalhin ko sila dito sa baba."


Nang humiwalay ng bahagya ang tatlo sa kanila ay pasimpleng inabutan ni Nieve ng gunting na kinuha niya kanina habang sinusuyod nila ang pangalawang baitang ng eskwelahan si Tillean. "Hindi ko pa rin kilala ng maayos ang mga taong 'to. Stay here please. Baka isarado nila ang pintuan ng kitchen at iwanan tayong gutom." Hindi alam ni Tillean kung papaano siya magre-react sa inaasta ni Nieve. Isang parte ni Tillean ang sumasang-ayon habang ang kabilang parte naman ay nag-aalala para sa dalaga. Tillean has no doubts that Nieve can handle herself and would handle herself well pero, unang araw pa lang ng apokalipto ay para bang well-adjusted na ang dalaga.


Binigyan niya pa nga ako ng weapon para gamitin laban sa kapwa namin tao.


Seryosong tinignan ni Tillean si Nieve sa mga mata at tinanguan, "Mag-iingat ka." Hindi man sadya, rinig ng hangin ang double-meaning sa likod ng sinabi ni Tillean. Buti na lamang at hindi ito napansin ng dalaga na ignoranteng ngumiti at tinapik tapik ang balikat ni Tillean bago siya lumabas. Naiwan si Tillean na nakatitig lamang sa pintuang nilabasan ni Nieve. Alam niya sa sarili na kailangan niyang pagkatiwalaan si Nieve na kaya niya ang sarili niya, na hindi kailangan ni Nieve ng ibang tao para dependahan.


Ganon si Nieve del Rigga, kaya niya mag-isa pero once somebody breaks down her walls and offers their shoulders, her whole being limps and she can't help but permanently attach her head to their shoulder. Pero ayaw mang aminin ni Tillean, mukhang siya nga ang na-attach ng masyadong maaga. Heck, hindi pa nga sila nagde-date pa pero halos isang pitik lamang ng daliri ni Nieve ay magkandarapa na siyang lapitan ito.


Napairap si Nieve nang makarating na siya sa ibaba ng hagdanan, "Tangina, hagdanan na naman." Napapikit siya sa inis bago siya humugot ng malalim na hininga, naghahanda sa maraming hakbang na kanyang tatahasin. Dali dali niyang itinakbo ang pangatlong baitang at nakita ang kaibigang pagod na nakaupo sa lapag. "Renzo!" Nang makarinig ng sigaw ang binata, dali dali itong tumayo at pumormang mananapak nang makita niyang si Nieve lamang ito. Umamba rin ng sapak ang dalaga bago siya sinugod ng yakap. "May iba pang mga estudyanteng buhay. Nasa baba kasama ni Tillean." Tumango tango si Renzo sa kanya bago ito nilingon ang mga apat na estudyanteng nasagip niya rin. Nang makita ito ni Nieve, nginitian niya ang mga ito bago binalingan muli ang kaibigan.


"Naks, training mo na 'to para sa pagiging bayani mo!" Tumawa si Renzo at umiling iling bago tawaging 'tarantado' si Nieve. Napahalakhak lang ito bago lumapit sa pintuan ng silid-aralan nila at kumatok sa espesyal na ritmong ipinarinig niya kani-kanina lamang kay Miss Arianne.


Sa kabilang banda ng pintuan ay ang kanina pang aligagang guro. Tahimik lang itong nakaupo sa lapag sa tabi ng pintuan nang marinig niya ang katok ni Nieve. Dali dali siyang tumayo para pagbuksan ang kanyang estudyante at sinugod ito ng yakap. "Diyos ko! Ang tagal ninyo! Akala ko kung ano na ang nangyari!" Maluha luhang sambit ni Miss Arianne habang niyakap rin ang mga estudyanteng nasagip ni Renzo. Hinayaan muna ni Nieve na lumipas ang dalawang minuto bago siya nagsalitang muli, "Sorry to cut this short pero kailangan nating i-barricade ang buong eskwelahan. We need to maximise the use of this facility kaya bababa tayong lahat sa unang palapag para mag-usap usap. Naka-rescue rin ako ng tatlo pang katao." Tumango tango ang guro at tinawag ang kanyang mga estudyante para ipaliwanag ang mga mangyayari.

Ang KatapusanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon