Unang Kabanata

6 0 0
                                    



Mula sa pagkakatulog ni Nieve sa desk niya ay napabangon siya sa biglaang pagtunog ng bell. 'Huh? May 20 mins pa ah?' Napakunut noo si Nieve at bumaling baling sa mga katabi niya, "Huh?" Nilingon siya ng seatmate niya at sinenyasan siyang tumingin sa orasan na hindi na gumagalaw.


  "Half day ba ngayon?" Hindi siya nasagot ng katabi at nagkibit balikat lang dahil wala rin itong alam. Parehas lang silang naguguluhan dahil alam nila sa sarili nilang may veinte minutos pa sa huling klase nila. Napakunut noo si Nieve at tinignan ang mga kaklase niyang puno rin ng pagtataka at mga katanungan sa guro nilang wala ring sagot.


Nagtaas ng kamay ang kaklase ni Nieve na si June na pinansin rin naman kaagad ng guro. "Miss Arianne! May special bell ba ngayon?" Impit na napangiti ang guro kay Nieve at napakibit balikat. Kagaya ng mga estudyante niya ay nagtataka rin si Miss Arianne kung bakit napaaga ang bell ngayon.


Wala namang napag-usapan sa meeting at lalong wala namang na-send na memo. "Nagtext ako kay Principal Genesis para itanong kung anong meron pero hindi pa rin siya sumasagot." Medyo nababahala si Miss Arianne dahil may kung anong kabigatan sa hangin. "Stay here lang muna." Nagpasalamat si June sa guro bago bumalik sa pakikipag-daldalan sa katabi.


Kung normal na situasyon ito ay pag-apak pa lamang ng guro sa labas ng klase ay katakot takot na ang pagwawala ng mga estudyante pero ngayon ay tila bang iisa lang ang nararamdaman ng lahat at tahimik lang nilang inintay ang guro. "Walang nagwawala ah?" Nakangiting salubong ng matalik na kaibigan ni Nieve na si Renzo, sa kanya.


Napalayo si Nieve ng kaunti sa gulat dahil sa lakas ng boses nito at napangiti. "Weird nga eh." Nangingiting bulong ni Nieve sa kaibigan bago napatingin sa gawi ng lalaking nagpapatibok ng puso niya, si Tillean. Shit. Bahagyang pinamulahan si Nieve nang makita niyang nakatingin na rin pala sa kanya ang binata.


Napansin itong lahat ni Renzo at napairap. Lalandi. Tawa niya sa sarili pero hindi niya maiwasang matuwa para sa kaibigan. Sana ngayon mag-usap na talaga sila para hindi na mag-rant sa kanya ang dalaga. Nawawalan na kasi siya ng oras para humanap ng jowa.


Biglang bumulaga ang gurong si Miss Arianne na mukhang nakakita ng multo at bayolenteng isinarado ang pintuan sa likod niya. "Okay class! Lockdown drill!" Nahihirapan man, pinilit ng guro na maging prupesyonal at nginitian ang mga estudyante niya. Hindi naman ito nakawala sa pagtingin ni Nieve na napaliit ang mata sa guro.


Nakipagsukatan ng tingin si Nieve sa guro niyang nagaasta na para bang may nalalaman ito pero hindi nito masabi sabi. Napansin ito ng guro at pinanlakihan ng mata si Nieve, "Nieve! Lockdown drill!" Halos mapuro ang labi ni Miss Arianne sa gigil. Napairap ang dalaga at dumapa.

 

"Yes ma'am." Hindi maiwasang mainis ni Nieve dahil ramdam niyang may kakaibang nangyayari pero pinili ng guro na iwanan sila sa dilim. There's something fishy going on. I can feel it. Naramdaman ni Renzo ang prustasyon ng kaibigan at gumapang papalapit sa kanya. Natawa ito ng bahagya nang makita niyang nakatitig ito kay Tillean.


Bahagyang binangga ni Renzo ang balikat ni Nieve, "Matunaw si Tillean niyan, sige ka." Napairap si Nieve sa kaibigan at paganting binunggo ang balikat nito. "Loko ka." Mahina niyang bulong kay Renzo at napatingin muli sa gawi ni Tillean.

Ang KatapusanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon