Ikaapat na Kabanata

7 1 2
                                    



Dali daling napawi ang mga ngiti sa labi ng dalawa at parehas na bayolenteng napatayo. "Saan? Direkta sa labas?" Gulantang na tanong ng dalaga na inilingan ni Isaiah. Minabuti ng lalaking lumabas gamit ang isang tarpolin na nakita niyang nakapatong sa isang motor at ginawa itong pangsulong. 


Nakarating siya sa pangatlong pintuan sa labas nang mapansin niyang may isang kakaiba't higanteng anyo ng hayop at napakaripas ng takbo pabalik dito. "Mga dalawang kanto mula rito." Dali daling pinatay ng mga estudyante ang mga ilaw at naghatakan papasok sa banyo. Inilibot ng dalaga ang kanyang tingin at nakitang napakalapit nila ni Tillean, narito si Evie at Isaiah ngunit wala ang lalaking nakaposas.


Tahimik na gumapang ang dalaga papunta sa may pintuan ng banyo nang may humawak sa kanyang paa, pinipigilan siya. Dali daling lumingon ang dalaga at nakitang si Tillean ito, nangungusap ang mga matang pumirmi lamang siya. "Saan ka pupunta?" Aligagang bulong ng binata. Marahang inalog alog ng dalaga ang kaniyang paa at inalis ang hawak nito roon, "Si Andres, nasa labas!" Napakurap kurap ang binata nang nagmamadaling gumapang papalayo ang dalaga at hindi na hinintay ang sasabihin niya.


Nang marating niya ang pwesto ng lalaki, mabilis at marahas niyang tinapik ang balikat nito at nang umurong ito, tinakpan niya ang bibig para hindi mag-ingay. Hindi natantsa ng babae nang biglang ibaliktad ng lalaki ang kanilang pwesto sabay sa pagpulupot ng kamay nito sa kaniyang leeg.


 Nanlaki naman ang mga mata ng lalaki nang maunawagan niya kung sino ang sinasakal niya ngayon, "Nieve?" Dali daling tinanggal ng lalaki ang pagkakasakal niya sa dalaga at umalis sa pagkakadagan rito. Napaupo ng bahagya ang dalaga at napahawak sa kaniyang leeg habang ang lalaki naman ay puno ng pagsisisi, "Pasensiya na, akala ko kung sino." Hindi siya pinansin ng dalaga at marahan lang na inangat ang katawan para umupo. Itinaas ni Nieve ang kaniyang daliri sa kaniyang labi para senyasan itong tumahimik.


Dali dali niyang hinatak papasok sa banyo ang lalaki at bahagyang napatigil nang maramdaman ang dagungdong sa labas. Ibinalik ng dalaga ang tingin sa kaniyang mga kasamahan at sinenyasan silang umupo ng pirmi at makinig ng mabuti. Rinig ng lahat ang marahas at malakas na paghinga ng malaking nilalang sa labas at ramdam rin nila ang bawat yabag nito. Duon lamang napansin ng dalaga na pinagigitnaan siya ng lalaking nakaposas at ng binatang nagpapatibog ng kaniyang puso ngayon. "Salamat." Mahinang sambit ni Andres sa gilid ni Nieve pero hinayaan lang ng dalaga na ang hangin ang makinig rito. Napangiti naman ng pirmi si Andres kahit na hindi siya pinansin ng dalaga.


Napagpasyahan nilang palipasin na muna ang gabi dahil sa bagyo at sa nilalang na naglalakwatsa sa labas. Lahat sila ay natulog ng nakaupo habang dilat pa rin ang dalaga at tinitignan si Evie na nakahilig sa balikat ni Isaiah na nakapikit na rin. Hinayaan ni Nieve na sumandal sa kaniyang balikat si Tillean nang ilang beses na bumagsak ang ulo nito sa antok. Napangiti siya sa maamong mukha ng binata at inihilig rin ang kaniyang ulo sa may pader nang maalala niyang nasa tabi rin niya si Andres. Dahan dahan niyang kinuha ang bag na puno ng gamit mula sa armory gamit ang kaniyang paa, tinulungan naman ito ni Andres at inabot na lang ito sa kaniya na padabog na kinuha ng dalaga.


Kinuha ni Nieve ang isang susi ng posas at binalingan si Andres, "Kamay." Tahimik na inabot ni Andres ang dalawa niyang kamay sa dalaga. Ramdam ni Nieve na nakatitig ang lalaki sa kaniyang mukha ngunit hindi niya ito pinapansin at itinatala na lamang ang kaniyang atensyon sa posas na kaniyang binubuksan ngayon. Binuksan ni Nieve ang posas na ikinatuwa ng lalaki nang biglang ikinabit ito ng dalaga sa kaniyang kaliwang kamay. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang KatapusanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon