Kabanata 1

3 0 0
                                    

KABANATA 1

"Walang hanggang pag-aaral...hmm, ganyan na lang ba tayo lagi?" ani Yakome habang nagpapalatak.

"Hoy Libeth, tumigil ka nga riyan. Magtiis ka na lamang. Tatlong buwan na lang at ga-graduate na tayo, 'di ba Karen Rose?" si Shaldan ngunit hindi man lang siya pinansin ng kanyang kinausap. dahil abala ito sa pagbabasa.

"Tingnan mo! Wala na akong masabi diyan kay Karen Rose. Ay-ahay! Adik man gid sa titik ah!" umiral na naman ang pagka-ilongga ni Libeth Yakome.

Nagkibit balikat na lamang si Shaldan sa sinabi ni Yakome.

TINUTUGPA ni Karen Rose ang eskinitang daan pauwi sa bahay nang biglang umihip ang malakas na hangin at kasunod ang malakas na ulan.

"Umuulan, a-ang libro...madali a-ako! Diyos kong maawain! Ang libro." aniyang nahihintakutang mabasa ang librong binabasa.

Subalit huli na ang lahat, basang basa na ito bago pa siya makasilong sa isang pinid na tindahan. Nangulubot na ang mga pahina niyon at naglalaho ang mga titik nang dahil sa tubig- ulang pumasok na sa kaibutuiran ng libro.

Nagpasya siyang hintayin ang pagtila ng malakas at nakaka-undol na pagbayo ng tubig-ulan sa tapat ng pinid na tindahang yaon.Lumuluha niyang panagbubuklat ang librong hawak. Napaka-pangit na nito. At nang mabuklat niya ang pahina tatlumpu at tatlo, sa gulat niya ay biglang tumila na ang pagbuhos ng ulan at ang pag-ihip ng malakas na hangin. Bahagyang lumiwanag ang kalangitan. Tila walang nangyaring unos. Dali-dali siyang tumakbo at ang isip ay nagugulumihanan, nasisindak at nalilito sa mga nangyari.

ALA SAIS Y MEDYA na ng gabi nang makarating si Karen Rose sa bahay.

"Anak, saan ka nagpatila ng ulan? Bakit hindi ka basa?" anang ina niyang si Lalie.

Maang niyang tinitigan ang ina at saka gumiti ang luha mula sa kanyang mga mata.

"Anak, bakit ka umiiyak? Ano ba ang nangyari? Hindi kita maintindihan."

Patuloy ang paghikbi niya. Ayaw niyang magsalita dahil baka ipagkamali rin siya ng kanyang ina.

Hindi ako baliw, hindi, hindi! anang isip niya.

"Mama, magpapahinga na po ako," sa wakas ay naisa-tinig niya.

Naiwang tulala na lang ang kanyang ina.

KANINA pang nakahiga si Karen Rose sa kama subalit hindi niya maipikit ang kanyang mga mata. Naiisip pa rin niya ang mga nangyari kanina, ang biglang pagtila ng ulan at kung paano siyang hindi nagmukhang basang-basa nang makarating sa bahay. Pumaling siya pa-kaliwa, minasdan niya ang librong nabasa at nasira na ng tubig-ulan. Siguradong hindi na niya iyon mababasa dahil lukot at nabura na ang mga titik sa bawat pahina. Kinatulugan na niya ang pag-iisip sa mga bagay-bagay.

DOBLE TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon