Kabanata 2

1 0 0
                                    

KABANATA 2

SA ILALIM ng puno ng acasia sa damuhang bahagi ng kanilang eskwelahan, namamahinga ang tatlo: sina Shaldan, Yakome at Erin.

"Himala ah! Wala kang bitbit na libro Erin," si Shaldan na nakangiti.

"Gali? Aba huo nga gid! Ka-hamot ah!" ani Yakome.

"Hoy Libeth! Umayos ka nga. Pasalamat ka, bata pa lamang tayo ay naiintindihan na namin iyang mga sinasabi mo,"

"'Di ba ito ang gusto niyo, para makapag-bonding tayong tatlo." ani Erin.

Magsasalita pa sana sina Shaldan at Yakome nang biglang dumating ang isa nilang kaklase.

"Shaldan, Yakome, pinapatawag kayo ni Ginang Royo,"

"Mukhang mag-iinsayo na tayo!" sabik na sabi ni Libeth "Kaya Erin, pasensya ka na ha, gustuhin ka man naming maka-bonding nitong si Shaldan, eh indi gid pwede ay-ahay!"

"Naku, walang kaso iyon, sige na. Good luck sa inyong insayo ha,"

"Sige, tena Shaldan,"

"Paalam, 'pag may oras pa ay babalik kami rito,"

"Sige lang,"

Pinagmasdan niya ang palayo na niyang mga kaibigan nang biglang lumamig ang paligid at pati katawan niya.

"Kumusta?"

Hinanap niya ang tinig na iyon. Subalit wala siyang makita.

"Sino ba iyon?" aniya

"Tulungan mo ako." anang tinig.

Nagpalinga-linga pa rin siya. "Nasaan ka? Hindi kita nakikita? Bakit mo ako kinakausap?"

"Tulungan mo ako at tutulungan din kita,"

Tumayo siya sa inupuang bato at pilit na hinanap ang may-ari ng tinig na iyon.

"Harapin mo ako, sino ka ba?"

"Maniwala ka, Erin, ako ang kaagapay mo. Dapat sana ay hinayaan mo na ako pero mabuti na rin at hindi mo ako iniwan,"

Sa inis niya ay napasigaw siya, "HINDI KITA KILALA, HINDI KITA MAINTINDIHAN! KAUSAPIN MO AKO NANG HUSAY!"

Maging siya ay nagulat sa nagawa niya. Pinagtinginanan siya ng mga estudyanteng naglalakad sa corridor, sa pathway at pati ang mga nasa field ay napatigil sa paglalaro nang dahil sa pagsigaw niya. Ang iba ay pinagtawanan siya. Ang iba ay walang pakialam. Ang iba ay nagbubulungan at napapailing na lamang.

Nakakahiya! anang isip niya. Tumakbo siya patungo sa CR.

"Pesteng iyon ah! Ano ba ang kailangan niya sa akin!" sabi niya sa sarili habang nakaharap sa salamin. "Nakakaiyamot! Nakakahiya, iisipin nilang baliw na nga talaga ako! Ano ba naman kung marami akong librong dala at binabasa. Inggit lamang sila. Hindi naman ako nerd, mabait ako at nakikisama! Nakakainis na ang mga tao dito!" bulalas pa niya sa sobrang pagkadisgusto.

Lumabas na siya ng CR at nagulat siya nang buksan niya ang pinto.

"Tapos ka na?"

DOBLE TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon