Kabanata 3

1 0 0
                                    

KABANATA 3

"Ikaw pala Yakome, tapos na ba ang insayo niyo?"

"Huo, na-no?" tanong ni Yakome na ang ibig sabihin ay "Oo, anong bang nangyari?"

Tinampal tampal ni Karen Rose ang pisngi saka matamang tinitigan si Yakome.

"May narinig kasi akong boses, kinakausap ako pero ayaw niya akong harapin,"

Natatawang napailing si Yakome, "Baka hutik lang iyan, friend. Huwag mo ng kaintiyende 'ga,"

"Para ngang bulong iyon eh, tama ka Yakome, mga bulong nga iyon!"

Napakamot sa batok si Yakome.

"Hullo!-" naputol ang sasabihin nito nang biglang mag-ring ang bell sa kinaroroonan nilang building, hudyat iyon na magsisimula na ang ikatlong klase sa umagang iyon.

SA KLASE, gulong-gulo pa rin ang isip ni Karen Rose tungkol sa boses na kumausap sa kanya at sa pagkabigla ni Yakome nang sabihin niyang para ngang bulong ang mga narinig niya kani-kanina lamang. Ipinilig niya ang ulo at hinilot-hilot ang sentido niya. Ang sakit mo sa ulo ah! aniya sa isip.

"May problema ba, Ms. Tolentino?" tanong ni Ginoong Soriano kay Karen Rose, "Nagde-daydream ka ba, hija?"

Napahiya na naman siya kaya tumindig siya, "Pasensya na po Sir Soriano, sumasakit po kasi ang ulo ko eh," tugon niya sa guro nila.

Isang maugong na tawanan ang kumalat sa silid-aralan nila.

"Tahimik class!," at tumahimik ang mga kaklase niya sa pagtawa, "Magpunta ka sa clinic kung may nararamdaman ka para hindi ka maka-abala sa leksyon ko,"

"Sasamahan ko po siya sa clinic, Sir" prisinta ni Rainiel, kaklase at ang lalaking nagpapalipad hangin sa kanya simula pa noong mag-transfer ito sa school nila noong 3rd year high school sila.

Ngumisi si Ginoong Soriano. "Sige, lakad na," sang-ayon ng huli.

Inakay siya ni Rainiel sa paglalakad at bahagya siyang napapitlag nang dumaan sa harap ng guro nila, sobrang init at bumulong ito ng Simula palang iyan. Totoo, hindi siya nagkakamali, narinig niya talaga ang bulong na iyon mula sa guro. Aaaah, hindi siguro siya iyon!

NANG makarating sila sa clinic ni Rainiel ay agad siyang binigyan ng gamot para sa sakit ng ulo at pagkatapos ay ininom na niya iyon.

"Okay ka na?" tanong ni Rainiel nang maipatong niya sa bedside table ang baso ng tubig.

"Medyo," tapos ay tiningnan niya ang kausap, "Salamat sa pagtulong, bumalik ka na sa klase may 15 minutes pa,"

"Ayoko, 'di kita iiwan dito," anito saka umupo nag husay at humilig sa sofa.

Napailing na lang siya. Nawi-wierduhan talaga siya sa lalaking ito, sa dinami-rami mi ng babaeng pwede nitong pansinin ay bakit siya pa. Siya pang pinagtatawanan ng lahat?

"Gusto mo bang regaluhan kita ng bagong libro?" tanong nito sa kanya habang nakapikit ang mga mata.

Nagulat siya sa tanong nito. "Ha? eh, alam mo?"

"Oo, at alam kong hindi mo sinasadya, kaya ibibili kita ng bago,"

"Naku, huwag na Rain, aayusin ko nalang iyon at patutuyin sa araw para hindi na malukot. Pasensya ka na ha, paano mo ba nalaman na nabasa iyon?"

Ngumisi ito. "Siyempre, lagi kitang binabantayan eh,"

Ramdam niyang namula ang pisngi niya kaya tumalikod siya upang hindi nito iyon makita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DOBLE TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon