Si Madelline Richardson, isang mestisang Pinay. Ang kaniyang ama ay isang US navy na minsang nadaugong sa kanilang maliit na bayan sa Olongapo City. Amang biglang naglaho nang malamang buntis ang kaniyang ina. Matapos siyang ipanganak ng kaniyang ina ay iniwan siya sa pangangalaga ng kaniyang Lola Soledad.
Dahil sa ama, namana ang taglay na kagandahan, makinis na balat at magandang mukha. Mukhang magiging lamat sa kaniyang pagkatao. Maganda, balingkinitan ang katawan, matalino at mahirap. Kahirapan ang nagtulak sa kaniya para asamin ang makapagtapos ng pag-aaral upang pagdating ang araw ay haharapin ang amang umabandona sa kaniya.
Sa pagkamit ng pangarap, pinili ang pinakatanyag na unibersidad sa kanilang lalawigan dahil sa pribelihiyong scholar na pinagkaloob sa kaniya. Ngunit sa loob ng respetadong unibersidad nagkakanlong ang isang manyakis na professor. Dahilan upang malagay siya sa kontrobersya. Walang pera at walang makakapitan. Sa tulong ng kaniyang Lola Soledad ay humingi ito ng tulong sa PAO office.
Noong una ay walang gustong tumanggap sa kaniyang kaso hanggang dumating ang isang attorney Vladimir Villegas. Sa paggulong ng kaniyang kaso, unti-unting makikilala ang kaniyang abogado.
Vladimir Villegas, edukado at napapabilang sa isang promeninteng pamilya sa kanilang lalawigan. Sa pagkawala ng asawa, babalik sa probensiyang kinalakhan kasama ang dalawang anak. Ngunit sa propesyong pinili, kailangan niya ng babaeng makakasama. Babaeng tatayong ina ng kaniyang mga anak at babaeng magpapanggap na asawa sa harap ng mga kakilala at kliyente.
Sa pagpasok bilang bagong PAO attorney, mahahawakan ang kaso ni Madelline. Frustrated murder ng isang estudyante sa kaniyang professor. Ayaw niya sanang tanggapin pero nang makita ang larawan ng babae ay napilitan siyang kunin dahil batid niyang ang babaeng nasa larawan ay ang perfect throphy wife.
Isang alok ang binigay ng abogado ni Maddy kapalit ng kaniyang pagtulong. Iyon ay ang maging asawa nito. Makakaya kayang magsawalang kibo at manahimik kung makikita mong ang iyong asawa ay nasa piling ng iba? O hahayaan mo lang dahil isa ka lamang artificial wife?
ABANGAN..
BINABASA MO ANG
Artificial Wife(Collaboration with TeamPayaman)
General FictionA story of an extraordinary woman, a Mom, a step-Mom, and a wife who will bound to be her PAO lawyer's artificial wife?