Pagbalik ni Maddy sa selda ay hindi maiwasang maalala ang guwapong mukha ng attorney lalo na noong hubarin nito ang salamin. Well, kung edad ang pagbabasehan ay hindi pa naman ito ganoon katanda. Sayang nga lang at may asawa na dahil kita pa ang singsing nito.
Hindi tuloy maiwasang mapangiti. Nang may tumapik sa kaniyang balikat. Paglingon ay nakita ang kanilang lider sa selda. "Ano bata! Nagkausap ba kayo ng Lola Soling mo?" tanong nito.
"Hindi," tipid na turan.
"Ha?! So, sino ang dumalaw? Huwag mong sabihing tinubuan ng puso ang ina mo at dinalaw ka?" gagad nito.
Napangisi siya dahil maging iyon ay mukhang kabisado na nito. Sa humigit-kumulang isang taon doon ay nalaman na ng mga ito ang detalye ng buhay. Kung bakit ganoon ang hitsura hanggang sa kung bakit siya nakakulong. Walang labis, walang kulang.
"Hindi," muling sagot. Mayamaya ay nakitang nanlaki ang mata nito.
"So, nahanap ka na ng Papa mo?" wika pa. Umiling siya kasabay ng mapait na ngiti. "Oh, baka naman syota mo ang dumalaw sa'yo?" hirit pa nito.
"Kayo po talaga! Attorney, galing sa PAO," imporma rito.
"Sabi ko na nga ba? Mukhang may pag-asa ka nang lumaya bata!" masayang wika nito.
Ngumisi lang siya. "So, anong sabi?" usisa nito. "Kaya ka bang ilusot, sabagay self-defense ang ginawa mo," anito na tila maraming alam sa batas.
"Ewan!" aniya na naiiling. Tumitig ito sa kaniya. "Huwag kang mawalan ng pg-asa bata, ano bang sabi?" tanong ulit nito.
Bumuntong-hininga siya. "Aaralin daw niya ang kaso ko saka siya babalik," sambit dito.
Sa nakitang reaksyon nito ay tila nadismaya rin sa sagot. Siya man din, paano kung katulad ito ng iba na sa huli ay umatras din.
"Lalaki o babae?" maya-maya ay dinig na tanong nito.
Tumitig siya rito at nakitang tila seryoso. "Lalaki," tugon.
"Bata o matanda?" tanong ulit nito.
"Nasa early thirties siguro. Hindi ko alam," aniya dahil hindi rin alam kung saan ang patutunguhan ng usapan nila.
"Guwapo ba?" tanong ulit nito at doon ay hinarap na niya ang lider.
Tumango siya bilang tugon. Tumawa ito dahilan para magtaas siya ng tingin. Hinawakan nito ang kaniyang mukha at binaling-baling. "Maganda ka, bata! Gamitin mo ang ganda mo para makalaya ka. Lalaki lang iyan, sa ganda mo tiyak na kakagat siya," anito ba mas lalong nagpakunot ng noo niya.
Makahulugan ang sinabi nito pero hindi na niya kailangang mag-isip dahil batid na niya ang nais nito. Tinapik-tapik nito ang balikat niya. "Hindi ka nararapatan dito sa loob. Kapag nagkita ulit kayo ng abogado. Magbigay ka ng motibo, huwag mong hahayaang lumayo siya dahil siya ang magiging kapit mo para makalabas," payo nito sa kaniya bago siya iniwan.
Muli siyang nabaon sa malalim na pag-iisip. Muling sinariwa sa isipan ang mukha ng abogado. Napangiwi pa siya kapag iisiping magiging kabit siya makalaya lamang. Ngunit nanaig ang huli, handa siyang maging kabit kung kinakailangan. Ayaw niyang mabulok sa kulungang iyon ng walang kalaban-laban.
Paulit-ulit inaaral ni Vlad ang kaso ni Madelline, may ilang tips na nagsasabing may ibang nakakita sa insidente at nag-request na siya ng kopya ng CCTV sa pamunuan ng Unibersidad de San Ignacio.
Katok sa may pintuhan ang narinig at nakita roon ang anak niyang panganay na si Lovi. "Daddy," tinig nito.
"Yes, baby?" turan dito. "Aren't we going back to Manila?" anito na bakas sa mukha ang pagkabagot.
BINABASA MO ANG
Artificial Wife(Collaboration with TeamPayaman)
Ficción GeneralA story of an extraordinary woman, a Mom, a step-Mom, and a wife who will bound to be her PAO lawyer's artificial wife?