"Richardson! May dalaw ka," sigaw ng lady jail guard nila. Agad siyang napatayo ng maalala ang attorney na nakausap noong isang araw.
"Ano bata? Sa tingin mo ay ang attorney na iyan?" ani ng kanilang lider.
Napamaang siya sabay sipat sa sarili bagay na napansin nito. Inayos nito ang buhok niya. "Maganda ka bata, kahit na sinong lalaki ay magkakagusto sa'yo," papuri nito.
Napngiti lang siya ng bahagya. Naalala ang singsing na suot ng lalaki. Tila nagpapapaalalang may nagmamay-ari na dito. Sa isiping iyon ay napabuntong-hininga siya. Tapik ng lider ang nagpabalik sa kaniya.
"Sige na, lumakad ka na bago pa mainip sa paglabas mo," anito na pampalakas ng loob sa kaniya.
Agad na inihakbang ang paa papalabas sa selda ngunit hindi ang attorney ang kaniyang dalaw kundi ang kaniyang Lola Soledad.
"Lola?" masiglang bati rito.
Agad na napaskil ang magandang ngiti sa labi ng kaniyang Lola na tila ba tuwang-tuwa. "Apo, may nakausap na akong abogado na hahawak sa kaso mo. Hindi ko alam na mayroon ding maglalakas-loob na hawakan ang kaso mo," masiglang wika ng lola niya pero malungkot ang kaniyang mukha dahil mukhang hindi pa rin nila masigurado kung tatanggapin ba talaga ng abogado ang kaso dahil hindi pa rin ito nabalik.
"Oh, bakit mukhang hindi ka masaya?" untag nito nang mapansin nito ang kaniyang mukha.
"Hindi pa rin sigurado kung-" putol ni Maddy nang may nagsalita sa kaniyang likuran.
"Sorry po kung medyo na-late ako?" baritonong tinig ng isang lalaki. Hindi siya maaaring magkamali dahil ito ang ang abogadong nakausap niya. Napalunok tuloy siya ng makailang ulit dahil biglang sumigdo ang dibdib. Maya-maya ay naramdaman ang paglapit nito.
"Wala po iyon, attorney. Nagpapasalamat nga ako at kinuha mo ang kaso ng aking apo," turan ng kaniyang Lola. Hindi nga siya nagkamali dahil nang umupo ito aa tabi ay nakitang nakatingin din ito sa kaniya. Hindi pa niya alam kung bakit mas bumata at gumuwapo ang abogado nang magpagupit ito.
"Aheemmmm!" tikhim ng kaniyang Lola. Agad siyang napalingon dito.
Ganoon din naman ang attorney na agad na ngumiti sa kaniyang Lola. Gustuhin mang lumipat sa kinauupuhan ng kaniyang Lola ay hindi magawa dahil baka isipin nito na natatakot siya rito.
"Kinalulugod kong makitang nandito ka ngayon attorney Vladimir Villegas," ani ng kaniyang Lola.
"Ako rin Lola Soledad, pinag-aralan kong mabuti ang kaso ng inyong apo. Alam kong mahirap kalabanin ang taong nasasangkot sa kaso pero gaya ng pinangako ko sa apo ninyo ay gagawin ko ang lahat upang maipanalo ko ang kaso niya," wika ng lalaking kasama na batid na nakatingin sa kaniya pero natatakot siyang lumingon dahil baka hindi mapigilan ang sarili kapag nagkataon.
Sa unang pagkakataon ay humanga siya sa lalaki. Ngunit hindi niya inaasahang sa lalaking may asawa pa.
"Salamat kung ganoon, attorney dahil ayaw kong tuluyang masira ang kinabukasan ng apo ko. Matalino siya at may mataas na pangarap," dagdag pa ng Lola niya rito. Gustuhin mang suwayin ito pero hindi na nagawa dahil maging ang dila ay tila naumid.
"Nag-request na po ako kopya ng CCTV sa loob ng unibersidad lalo na sa faculty. Wala pa pong tugon mula sa pamunuan ng unibersidad ngunit may nakalap din akong balita na may isang saksi sa mga pangyayari," anito na nagpalingon kay Maddy sa katabing abogado.
Marahil ay napansin nito kaya lumingon din ito dahilan upang magtama ang kanilang paningin. "Saksi na biglang naglaho!" may diing wika.
Natahimik si Vlad nang marinig ang tinig ng kaniyang kliyente. Hindi niya maiwasang aralin maging ang mukha nito. Napakaganda nito, ang matangos nitong ilong, ang maninipis at mapupulang labi nito na binabagayan ng mapupungay na mata ay kinukubli ng mahahabang pilik-mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/238833775-288-k478539.jpg)
BINABASA MO ANG
Artificial Wife(Collaboration with TeamPayaman)
General FictionA story of an extraordinary woman, a Mom, a step-Mom, and a wife who will bound to be her PAO lawyer's artificial wife?