Allison Mae's POV"Reid"
"Hmm?"
"Umuwi na tayo"
Nakahiga kaming dalawa ngayon sa kama habang nakayakap ang bisig niya sakin. Ang sarap sarap ng pakiramdam ko kapag yakap yakap niya ako. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Akala ko talaga hindi na matatapos ang halikan namin kanina. Akala ko kung saan na iyon mapupunta. Naiiling akong tumingala at tinititigan siya. Lalongb lumawak ang ngiti ko ng nakita kong nakapikit siya at bakas sa mga labi ang saya.
"Sun"
"Hmm?"
"Sabi ko uwi na tayo"
Nagmulat siya ng mata at hinaplos ang buhok ko, "Ayaw ko pa"
Bumangon ako dahil sa sinabi niya at tinitigan ang gwapong mukha nito. Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa kong pagbangon. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ang aking beywang. Napangiti naman ako.
"Pag umuwi tayo, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko", hinaplos niya ang tiyan ko.
Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Alam na alam ko ang ibig niyang sabihin. Hanggang ngayon mainit pa rin ang pakiramdam ko. Hanggang ngayon ay gusto ko pa ring halikan siya, mabuti na lang nagpigil siya. No, not now.
"Mapigilan, saan?" kahit na alam ko ang tukoy niya ay hindi ko pa rin napigilan ang magtanong.
At iyon ang dahilan kung bakit ko pinagsisihan ang kadaldalan ko.
"Mapigilang halikan ka ulit. Tapos pagurin ka hanggang sa mag-umaga na. Miss na miss kita ei"
Nag-init ang mukha ko. Nahampas ko siya sa braso. Nanlaki ang mata ko nang napaaray siya.
"Oh My God! Sorry!", inalis ko ang pagkakayakap niya sakin at hinarap ko siya. May mga galos pa pala siya. Nakalimutan ko.
Ngumuso siya at hinaplos ko ang braso niyang nahampas ko.
"Ikaw kasi ei. Sorry"
Ngumiti siya at inilapit ang mukha sakin," Sorry isnt enough, Moon"
Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Kanina nung sinabi niya yan, humiling siya ng halik. Ngayong inulit niya, hindi ko mapigilang kabahan. Lalo nat ang init niya kung makatingin sakin.
Ngumuso ako, "Kiss? Gusto mo ulit", nauutal kong tanong.
"Hindi"
Nagtaka ako ng bigla niyang pindutin ang button sa ilalim ng ulunan ng kama.
Agad na dumating ang nurse at nginitan si Reid. Ngumuso ako.
"Pwede na naman akong idischarge diba?", tanong niya sa nurse.
Tumango ang nurse at napawi ang ngiti nito nang magsalita ulit si Reid.
"Pakisabi kay Doc, gusto ko nang umuwi"
Napatingin ang nurse sakin, "S-sige po"
Hindi ko na napigilan ang umirap nang makaalis na ang nurse. Kahit may bandage ang ulo ni Reid ay marami pa din ang nahuhulog sa kagwapuhan niya. Nang bumaling siya sakin ay hinapit niya ako sa katawan ko.
Bumulong siya, "Umuwi na tayo. Again, sorry isnt enough. Make love to me later. Miss na miss na kita. And i wont take no for an answer.
Nalaglag ang panga ko. Humahalakhak lang siya hanggang sa pumasok ang barkada niya na naghiyawan. Pumasok din ang parents niya at parents ko na nakangiti. Naluluha pa din si Mommy Elizabeth na nakatingin samin. Ngayon, kahit hindi na magpaliwanag si Mommy Elizabeth. Alam ko na kung bakit hinayaan niya na marinig ko ang unang salita ng doktor. Para maimulat ako sa katotohanan. Imulat ako sa lahat ng sakripisyo na ginawa ni Reid at sa labis na pagmamahal niya sakin.
YOU ARE READING
When The Bad Boy Fall In Love | ViceJack (Slow Update)
General FictionThis is just a pure ViceJack Fanfiction Only