Allison Mae's POV"Ayos ka lang ba talaga dito, anak? Sa bahay ka na lang kaya?"
Umiiling ako at bumuntong-hininga.
"My im fine here.....kaya ko naman pong mag-isa", pinilit kong ngumiti at binalingan naman ng tingin sina Hera at Louie na nakaupo sa sofa, "Bibisitahin naman po ako nila Hera at Louie, diba?"
"Dont worry tita, dito muna ako sa condo ni Alli", Hera smiled at Mom, "Sasamahan at babantayan ko po ang bestfriend ko".
Parang kinurot ang puso ko sa sinabi ni Hea. Nginitian niya din ako.
"Salamat Hera pero kasi hindi ako mapapalagay na----"
"Mommy, kaya ko po ang sarili ko. I need to do this. Mabuti na din po ito. Hindi alam ni....Hindi niya alam na dito ako tumira dati. This will be for myown good, for my baby's sake"
Nag-iwas ako ng tingin at naglakad papunta sa kama. Inayos ko ang gamit ko na dinala ni Mommy. Ewan ko kung kinuha nila ito sa bahay ni....Reid. Kung kinuha nga nila ay hindi ko alam kung paano.
Tumango naman si Mommy sakin at lumapit si Daddy na kanina pa nakatayo sa kwarto ko.
"Princess"
"D-dad...Im okay", nabasag ang boses ko at tumingala.
"No, youre not", niyakap niya ako,"I know how weak my princess is, especially if he is the topic"
Umiiling ako at hindi ko talaga maipapagkaila kung gaano kasakit. Kung gaano kahirap pag wala siya sa tabi ko. Pero ito iyong desisyon ko kaya kailangan panindigan ko ito. Kailangan kong mabuhay ng wala siya. Kailangan kong maging matatag dahil hindi lang dapat sarili ko ang isipin ko. May bagong buhay na hindi magtatagal na ay siya namang magbibigay ng kulay ng buhay ko.
"D-dad", my voice as i hug him tightly, "Hindi ko kaya....pero kailangan.
Naramdaman ko ang pag-alis nila Mommy, Hera at Louie sa kwarto ko. Hindi ko na napigilan ang umiyak. Alam na alam talaga ni Daddy ang kaninaan ko. Kaya hindi na ako magkukunwari sa kanya. Binuhos ko na lahat ng sakit.
"M-mahal na mahal ko po siya, Daddy sobra sobra....kaya nga po pinili ko na layuan siya"
Kinuwento ko kay Daddy ang lahat nang nangyari sa pagitan namin ni Reid. Pinayagan naman ako ng doctor na makauwi na kaya heto at nandito ako ngayon sa condo ko. Hinatid nila ako dito. Mabuti na lang talaga at hindi pa ito pinagbili ni Daddy. Kaya pala ganun ay may dahilan pala. Babalik at babalik din pala ako dito
Alas tres ng hapon ay napagpasyahan nilang umuwi sa bahay dahil wala daw kasama si Annika doon
"Gutom ka na ba, Alli", tanong ni Hera nang pumunta ako ng sala.
Umiling ako at umupo lang sa tabi niya. Yumakap lang ako sa kanya. I need a companion right now.
"Okay lang ba talaga na nandito ka Hera? Baka hanapin ka ng mga kuya mo?", tanong ko.
"My best friends needs me. Besides im fine here. Trust me. Hindi nila ako hahanapin"
Tumango ako at natahimik kami ni Hera. Kahit ano talagang pilit ko sa sarili ko, kahit sandali lang na kalimutan siya, ay hindi ko magawa.
Ang lungkot. Ang sakit. Ang hirap. Pero kaya mo lahat yan, Allison. Kakayanin mo.
"Yow, girls", nabasag ang katahimikan nang lumabas si Louie galing kusina na may dalang strawberries at chocolate syrup nakalagay sa large bowls, "Strawberries for my preggy bestfriend!"
"Dalawa kaming best friend mo dito, Louie", nakangusong sabi ni Hera.
"Alam mong hindi best friend ang turing ko sayo", sabi ni Louie na nakapagpatahimik kay Hera.
YOU ARE READING
When The Bad Boy Fall In Love | ViceJack (Slow Update)
Ficção GeralThis is just a pure ViceJack Fanfiction Only