XLV

13.5K 610 52
                                    

Arch. Duke Imperial

August 21, 2020, 3:06 p.m.

Bilis na
Marami akong oras ngayon
Ready ako makinig sayo
May alak pa ako dito ano

Sige saglit.
Kukuha rin ako.

Ge

3:13 p.m.

Ano na?
Tagal mo naman kumuha

Ito na.

Ayan bilis
Magsabi ka na
Yung mula umpisa ha?

Naalala mo dati 'di ba working student si Letitia.
Minsan dalawa pa trabaho niya tapos sinasabay niya sa school?

Oo
Madalas pumasok yun ng walang tulog

Nung binibigyan ko siya ng mga bulaklak dati, natutuwa siyang mag-rearrange at i-display yun sa kwarto niya. Kaya nung nakaipon siya, naisipan niyang magtayo ng flower shop pero online basis. Sinabi niya sa akin yun nung 1st anniversary namin. Natuwa rin ako kaya tinulungan ko siya doon. Medyo malaki yung nilabas niyang pera para mag-umpisa sa business niya kasi medyo mahal din yung materials na kailangan niya. Si Letitia lahat gumagawa mag-isa, kahit pagpapadala sa clients niya, siya rin.

Kaya ba siya maraming absent dati dahil doon?

Oo.

Pero tinutulungan mo siya noon?

Oo naman.
Nag-alok ako dati na tulungan siya sa deliveries kaso ayaw niya kasi nga malayo yung iba tapos ang dami ko ring plates noon. Ako na lang daw mag-ayos ng orders at mag-maintain nung website na ginawa ko para sa kanya.

Pero?

Pero nag-alala ako para sa grades niya.
Sinasabihan ko siya na subukang balansehin lahat kaso yun din kasi yung time na nagigipit na rin siya dahil malaki yung nilabas niyang pera, kailangan niyang mabawi yun kaya mas pursigido siya sa business niya. Nag-alok ulit akong tulungan siya kaso ayaw niya dahil abala naman na raw sa akin yun hanggang sa palagi na lang kaming nag-aaway tuwing nagkikita o nag-uusap kami.

Try Again (Love in Paris # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon