XLVI

13.4K 676 233
                                    

Arch. Duke Imperial

August 21, 2020, 3:21 p.m.

Palagi kayong nag aaway kaya di na lang kayo nag-usap?

Oo, parang ganun.
Hinayaan ko na lang din siya sa gusto niyang gawin kesa mag-away kami parati. Pero hindi ko naman alam na dun din siya mawawala.

Pero naging kayo rin ba ni Hanna?

Hindi. Magkaibigan kami ni Hanna.

Akala ko naging kayo rin dati.
Parati kasi kayong magkasama?

Partner kami ni Hanna sa project noon kaya parati kaming magkasama

Ahh... okay
Bakit hindi mo hinabol si Letitia?

Gusto ko naman siyang kausapin noon.
Pero naramdaman mo na ba na parang di ka na kailangan ng tao? Ganun ako dati. Kasi parang okay na siya, kaya naman na niya tapos mukhang masaya na siya. Baka kapag nilapitan ko maalala niya lang na parati kaming nag-aaway kapag nag-uusap kami kaya hinayaan ko na lang.
Ayaw ko rin na isipin niyang nandun na lang ako kung kailang okay na lahat.

Hoy xavier umiiyak ka na ba dyan?

Haha! Hindi ah.
Nanghihinayang lang ako.
Iniisip ko na lang na siguro mas mabuti kung ganun din nangyari. Successful siya ngayon, masaya siya sa business niya pati na rin sa asawa niya. Proud din naman ako sa kanya, pinaghirapan niya lahat ng meron siya. Gusto kong maging parte ng success niya noon, sana kasama niya rin ako mag-celebrate ng achievements niya. Kaso alam kong kapag pinilit ko rin yung sarili ko sa kanya, mapipigilan ko si Letitia. I don't want to hold her back. Ang mahalaga na lang para sa akin marating niya yung gusto niya kahit wala na ako, ayos lang. Nagpaka-busy na lang din ako.

Ahh ayos lang naman pala
Pero may pinagsisisihan ka ba?

Oo meron.
Nagsisisi akong pinabayaan ko siyang mawala dati.

Try Again (Love in Paris # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon