CHAPTER 5

2 2 0
                                    

"Bunso?"

Nagising ako sa tawag ni mama sa labas ng aking kwarto, ang lakas kasi ng katok niya sa pinto.

Huh?

Napakurap ako at napabangon sa kama. Pagtingin ko sa bintana, umaga na pala?

Hala! Sana hindi ako nagpuyat sa kakatrabaho kagabi dahil bakasyon ko naman ngayon!

Agad kong binuksan ang pinto at nakita si mama na nakasuot ng magandang damit.

Ngumisi siya sa akin sabay halik sa pisnge ko.

"Good morning bunso." Bati niya.

"Good morning ma. Anong atin?" Tanong ko dahil mukha aalis siya base sa suot niyang damit.

"Napagdesisyunan namin ng papa mo na magsimba. Magbihis ka at samahan mo kami sa ciudad para na rin makita mo ang ibang tanawin ng Cebu." Paliwanang ni mama.

Kumislap ang aking nga mata sa narinig at tumango agad.

"Sige. Hihintayin ka lang namin ng papa mo sa baba. Teka, puntahan ko muna ang mga kuya mo dahil sasama sila...Alam mo naman gaano katagal ang mga 'yon magbihis." Inis na pahayag ni mama bago umalis.

Sinirado ko ang linto at nagpasyang maligo.

Sayang at hindi ako pinayagan ni papa sumama kina kuya kahapon dahil kakadating lang namin ng Pinas after how many hours at baka mapagod pa raw ako lalo.

Mabuti na lang talaga at nagpabili ako ng mga personal items, gaya ng panglinis sa katawan, kay Kuya Yuan dahil nakalimutan ko magdala.

Sabagay, mas mainam na rin 'yon para di na bumigat ang traveling bag na dala ko.

Mabilis akong naligo at nagsiplyo pa sabay nag moisturizer sa mukha at lotion naman sa katawan. Nag-apply rin ako ng sunscreen sa buong katawan dahil sinanay na kami ng aming ina na maglagay nito noong mga bata pa kami nila kuya para daw healthy ang balat namin. Si papa naman ay palagi ay ang aming martial arts trainer kaya di kami tinutubuan ng mga tigyawat o anuman sa balat dahil namana namin ang pagiging maalaga sa sarili sa aming magulang.

Lumabas na ako ng banyo.

Di na ako naglagay ng deodorant dahil natural na di ako nangangamoy. Isang blessing nga ito para sa akin kasi kahit ang lagkit ko na sa pawis, di pa rin ako nangangamoy pawis at walang di kaaya-aayang amoy sa katawan.

Sa tutuusin nga, mas lumalabas daw ang mabango amoy ko sa katawan pag pawis ako wika ni Kuya Lance.

Ewan ko 'don, mahilig ako amuyin.

Casual lang aking suot. Isang t-shirt na kulay dilaw na may puting stripes, biege shorts, at puting pares ng Adidas sneakers. Sinuot ko din ang aking necklace na bigay ni mama at relo na bigay ni papa noong huling kaarawan ko. Naglagay din ako ng aking paboritong pabango sa katawan at sinuklay ang buhok ko.

"Okay!"

Ngisi ko sa salamin. Kinuha ko ang aking pitaka at cellphone bago umalis sa kwarto.

Sa pagbaba ko, nakita ko silang lahat naghihintay. Himala at nauna sila kuya laban sa akin. Hmm...gustong-gusto nga talaga nila ang Pinas...

"Kumpleto na tayo, let's go!" Excited na sigaw ni Kuya Cielo.

Niyakap ako ni Kuya Ace. "Ang gwapo talaga ng bunso naminnnn~" He crooned at my ears. I smiled.

"Oy tara na." Hinila ako ni Kuya Yuan sabay hawak sa kamay ko ng mahigpit.

"Hala ang damot!!" Tampo ni Kuya Ace.

Flower Boy Series: Zulxhuan Earl Takahiro (Rose)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon