Her P.O.V
Wala pa bang naimbento ang tao kung saan maaaring i-on at i-off na lang ang nararamdaman? Iyong tipong kapag pagod ka na sa pag-iyak ay pipindutin lamang ang off botton at titigil na ang mga mata. Kung galit naman ay pigilan ang bibig na magsalita ng masama. Wala pa bang ganon? Sabagay, who will create such invention?
Ilang unan pa ba ang mapupuno ng mga luha para masabing totally healed ka na? Ilang beses pa bang makikita ang pag-angat at paglubog ng araw para malaman kung sapat na ba ang oras na nilaan para magpatuloy na muli sa paghakbang? Ilang beses pa? Gaano pa ba karaming trauma ang mapagdadaanan bago masabing nasa tamang tao ka na?
Akala ko noon, masiyado lang over ang reaction ng mga kilala kong naranasan ang heartbreak. Akala ko noon, masiyado lang silang nalulong sa pag-ibig na nakalimutan na nila ang mga priority nila sa buhay, but, I was totally wrong. Iba pa rin pala talaga kapag ikaw na ang nasa posisyon. Mawawala ka sa katinuan at maraming katanungan ang hindi ka titigilan.
Nagsimula ang umaga ng maayos hanggang sa naramdaman ko na ang tirik na tirik na araw sa labas, alas-dose y media na at oras ng pananghalian. The room is silent because I am the only person left behind, but, as usual, I don't have an appetite to eat. Wala na rin namang bago, ganito na ako noon pa man.
Hindi ko maalis ang atensyon ko sa isang papel na naglalaman ng lumang litrato. I want to remember all the details and memories on that day. Natatakot ako na baka dumating ang araw na hindi ko na maalala ang mga detalyeng gusto kong balik-balikan. It's just a photo but it is really important to me and has a lot of memories.
Those smiles on our lips and those facial expressions we made, they are all beautiful... Nakakapanghinayang ang bawat memoryang hanggang alaala na lang.
Nakakapagod.
Para akong sumali sa isang marathon, tumakbo ng ilang kilometro pero hindi pa rin nahahanap ang finish line ng laro. 'Yong pagod na kahit ilang galon ng tubig ang inumin, hindi pa rin nawawala. Iyong kahit ilang oras ka ng huminto sa pagtakbo ay ramdam mo pa rin 'yung kawalan ng hininga.
Marami ang mga estudyante sa corridor, may mga nagtatakbuhan at ang iilan ay normal na dumadaan lang habang nakikipag-usap sa kanilang mga kaibigan.
Maingay. Masikip. Nakakapang-lambot.
Lumabas ako ng room pero natigilan rin dahil sa mga narinig... "Dwayne, pre, nagawa mo na ba 'yong pinapagawa ni Prof. Espinosa? Balita ko sa'yo niya inassign ang paggawa ng PPT, ah?"
"Hindi pa nga eh, busy pa kase. Bukas siguro sisimulan ko na. "
"Basta sabihan mo na lang ako kung kailangan mo ng tulong, pre. Madali lang naman 'yon para sa'kin since nakapasok ako that day. "
Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ko nagawang maialis agad ang tingin sa isang grupo ng mga lalaking estudyanteng pamilyar sa'kin. Ang iilan sa kanila ay nagtatawanan pa, ngunit, isang partikular na tao lang ang nakaagaw ng atensyon ko. Isang matangkad, matipuno, at nakasalamin ang siyang kumuha ng atensyon ko. He is different... of course, he really is.
"Uy! Hello, Bea!" medyo nagulat pa ako sa tumawag sa'kin. I didn't expect any greetings from them... Sinubukan kong suklian ang ngiti na ipinakita nila sa akin kasabay ng pagkaway ng kamay upang malaman na nagbigay ako ng atensyon.
Nakita kong natigilan ang buong grupo pwera sa isa at kinamusta ako.
"Oh, Marcus! Hi, guys!" ngitian nila ako at kinamusta rin.
"Kumusta ka na? Anong balita?" Kita na may konting ilang sa kanilang mga mata ngunit masaya din sa pakiramdam na kahit may ilang ay kanila pa rin nila akong binigyang pansin.
"Ayos lang naman. Busy lang sa pag-aaral." Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang magpakita ng ngiti because I am starting to feel the uneasiness for stopping myself on crying. Parang may nakabara sa lalamunan ko na at any moment, babagsak ang mga namumuong luha.
'Ayos lang' 'Okay lang'
Mga tugon na maaring sabihin kung hindi na nais pang pahabain ang usapan. Kung papahabain ko pa, baka magulat na lang sila na umiiyak na ako.
"That's good to here! Mabuti 'yan. Anyways, may klase ka pa?"
"Kakatapos lang lang. Uuwi na rin ako niyan" mahina ang boses ko ngunit narinig pa rin niya.
"Ganon ba? Ingat sa pag-uwi. Sana makasama ka ulit namin next time." may maliit na ngiti siyang ipinakita sa akin bago siya tinapik ng isa pa nilang kasama at may ibinulong na hindi ko na narinig dahil hindi nakatuon sa kanila ang aking atensyon.
Sa kabilang banda ay hindi man lang huminto si Dwayne at mabilis ang paglakad. Saksi sa mga ngiti niya habang kausap ang barkadang minsan ko ring kinabilangan. I am truly happy for him because the eyes of him that seemed to have been lost for several months were able to light up again.
"Sige, Bea! Alis na kami, ah? Ingat ka palagi!" tinanguan na lamang si Marcus at nagbalik ng atensyon sa lalaking ang bilis ng lakad.
"Bye, Bea! Hope to see you again!" sabi ng iba pa.
"Hoy, Dwayne!" tawag pansin nila kay Dwayne. Tinawanan niya na lamang ang mga ito and again, I saw his smile.
Maybe he didn't know but that simple smile of him has a big impact on me. Hindi ko maiwasang mainggit sa kaniya. Kung paano niya nakakayang ngumiti, tumawa, at makipag-sabayan sa barkada habang ako ay waring puno pa rin ng mga sariwang sugat na hindi malunasan.
"Bea, ayos ka lang?"nilingon ko ang nagsalita at doon ko nakita ang isang kamag-aral na ako'y inaalalayan. Muntik na pala akong matumba.
"O-Oo. Salamat."dagling ngiti at mabilis na paglisan ang ginawa ko dahil hindi ko na rin alam kung hanggang kailan ko pa mapipigilan ang bigat na nararamdaman ko.
Minsan ko na ring hiniling na sana kagaya ko na lang siya— madaling makalimot ng sitwasyong minsang kinabilangan naming dalawa. Ang bilis niyang nagbago at nakabangon habang ako ay lugmok pa rin at nangangapa, hindi alam kung paano ulit magpatuloy.
It still hurts even though several months have passed. I tried to forget but I couldn't because every time I closed my eyes I always saw his face. I thought I could forget but I still didn't lose the love that was only for him...
I am genuinely happy because little by little he is getting back the life he had... pero pwede bang maging maramot?
'Huwag niya muna sanang iparamdam sa iba ang pagmamahal at arugang sa akin niya lang noon ipinapakita...
Dahil sa palagay ko....hindi ko pa rin kaya..'
.........
Edited♡
BINABASA MO ANG
Until Our Next Story Begin(Completed)
Fanfiction"Until Our Next Story Begin" By Bb. Alicia @2019 UNDER MAJOR REVISION