04

401 164 17
                                    

                    SAKSI ang mga tala sa mga luhang  naglalandas sa mukha mula sa gabing purong mahihinang hikbi ang bumabalot sa katahimikan.

"One caramel Machiato po for Ms. Beatrix." agad akong tumayo at kinuha ang order na binili ko.

"Thank you."akmang aalis na ako ngunit hindi ko inasahang makikilala niya pala ako.

"Oh! Ikaw pala 'yan, ma'am. Kamusta na po kayo? Hindi niyo po ba kasama ang boyfriend niyo? Naku! Bagay na bagay po talaga kayo ni sir! "

"Hindi..." gusto kong ipagpatuloy na 'hindi na kami at hindi ko na siya boyfriend' ngunit hindi nakisama ang aking bibig.

"Hala! Sayang naman! May promo pa man din kami para sa first ten couple na oorder dito sa shop. Hindi bale, bawi na lang kayo ni sir sa susunod dahil hanggang sa katapusan pa naman po ng buwan ang pagtatapos ng promo." nakangiti at magiliw na sabi niya ngunit nginitian ko na lamang siya nang mapakla.

Nagpaalam na ako sa kaniya at umupo ako sa pinaka dulo ng coffee shop habang agarang sinimulang ininom ang kape.Sa sandaling iyon ay hindi ko naiwasang ilibot ang aking paningin upang masaksihan ang napaka-gandang dekorasyon ng coffee shop.

Napakaganda ng mga dekorasyon na nagbibigay ng kapayapaan at katahimikan sa mga customer ng nasabing shop. Isama pa na meroon itong mini library kung saan maaring magbasa at doon mamalagi ang mga estudyanteng may mga kailangang gawin tulad ng mga takdang alarin dahil kalakip ng pagbili ng maiinom ay ang libreng paggamit ng wifi.

Dito kami nagsimula. Ito ang nagsilbing takbuhan at tambayan namin ni Dwayne sa tuwing ninanais naming magpahinga sa nakakapagod na daloy ng buhay. Dito nakabuo ng mga memoryang nagsilbing panlunas sa mga gabing pilit na tinatangay ang kasiyahang aking bitbit. Ilang oras namamalagi ng hating-gabi, umiinom ng mainit na kape habang inaaral at kinakabisa ang mga leksyong posibleng lumabas sa pagsusulit sa pagsapit ng umaga. At sa huling sandali, ito rin ang naging saksi sa paghihiwalay naming dalawa.

Dito kami nagsimula, dito rin nagtapos ang aming istorya.

Napaigting ako sa kaluskos na aking narinig na mula sa mesang katabi ng akin. Doon ay aking nasaksihan ang lalaking kanina lang ay umiikot sa aking isipan, si Dwayne na hindi nag-iisa. Kasama ang isang napaka-gandang dilag na wari kong tunay na bida sa istorya.

Daglit na lumapat ang iyong tingin sa akin. Doon ko nakita  sa iyong mga mata ang mga ngiti, tawa, tuwa na dati ay ako lang ang dahilan. Sing bilis ng kidlat ang siyang pag-iwas mo na waring sa pagdapo ng iyong tingin sa akin ay makakahawa ako ng sakit na malubha.

Sa puntong iyon ay alam ko  na....

'Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo upang tumingin sa akin na parang hindi masakit dahil alam ko sa sarili kong nasaktan ka, Dwayne. Hindi mo kailangang pilitin na maging okay sa harap ko lalo na kung ako ang naging dahilan para makaramdam ka ng hirap. Huwag mong ipilit ang bagay na hindi mo magagawa sa ngayon dahil Dwayne, naiintindihan ko.'

Inayos ko ang mga bitbit kong gamit at lumabas na ng  coffee shop. Napakagaan ng pakiramdam sa pagpasok ko ng pintuan ngunit taliwas ito sa aking naramdaman noong akong palabas na. Hindi pa rin pala nagbago ang epekto ni Dwayne sa akin—siya pa rin ang nagpapabilis ng puso ko, nagbibigay sa akin ng hindi ko mawaring mga emosyon at siya pa rin ang bukod tanging lalaki na nais kong isarili.

Nakita ko pa ang marahas na paglingon sa akin ng cashier na kumausap sa akin kanina. Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya habang mabilis na nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa lamesa nila Dwayne.

........
Edited♡

Until Our Next Story Begin(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon