PUMASOK ang isang may katandaang guro sa silid. Naroroon pa rin sa kaniyang mukha ang hindi maintindihang ekspresyon na waring sa bawat galaw ay may mapupunang hindi maganda. Naka-kunot ang noo at nagsasalubong ang mga kilay kalakip ng labing hindi maipinta kung naiiinis, nagagalit, o ano.Inilabas niya mula sa kaniyang lalagyan ang makapal na libro ng matematika at mabilis na inilipat ang mga pahina.
"Page 305-306, activity one to activity three. I'll give you twenty minutes to answer, then after that we'll proceed to our next discussion." Mabilis na inilabas ng karamihan ang mga kaniya-kaniyang mga libro habang hinahanap ang mga aktibidad na kailangang gawin. Iyon rin sana ang aking gagawin ngunit sumakit na lamang ng hindi inaasahan ang aking ulo na waring binibiyak.
Hindi ko alam kung paano ko ibibiling ang aking ulo at kung paano pipigilan at papahintuin ang sakit na nararanasan ko kung kaya't aking isinubsob ang ulo sa desk ng upuan nang sa gayon ay matago ang hindi maipintang ekspresyon sa aking mukha. Laking pasalamat na lamang at nasa pinaka dulo ako ng linya kung kaya't wala halos naka-pansin sa akin mahihinang daing. Pinakalma ko ang aking sarili at nang maayos na aking pakiramdam ay ginawa ko na ang kailangan naming tapusin bagamat meroong ilang mga katanungang hindi ko nasagot dahil sa limitadong oras na kailangang ilaan.
"Pass your paper forward." pagkaraan ng ilang minuto ay narinig ko na rin ang nakakakabang boses ni Professor Cha.
"Natapos mo ba ang mga tanong, Bea? Ako kase hindi. Naloka ako sa number four ng activity three, masiyadong complicated ang tanong and yung formula na kailangang gamitin." napapabuntong hininga na sambit ng katabi ko, umiling na lang din ako bilang tugon sa tanong niya sapagkat ang kirot sa ulo ko ay waring bumabalik na naman.
Nagsimula ng magturo si Professor Cha ng next lesson namin. Pinilit kong inintindi at inaral sapagkat alam ko na pagkatapos ng klase ay may takdang-aralin pa kaming gagawin. Iyon ang masasabi kong technique ni Professor Cha sa pagtuturo, magsisimula sa aktibidad at magtatapos din sa aktibidad na hahasa talaga ng aming intelekt'wal na kakayahan.
"Before we finally end this session, I would like to congratulate you for your excellent and active participation on this semester, especially these students..."Marami pa siyang mga sinabi ngunit ang tanging pumukaw ng atensyon ko ay nang banggitin ni Professor Cha ang pangalan ng isang estudyante sa kabilang section.
"Mr. Dwayne Ryzen Buenavista is one of the participant for Dean's lister." nagtaas ng kamay ang isang estudyante.
"Sir, I think you're mistaken po because Mr. Buenavista isn't our classmate."
"Ah talaga? Akala ko dito siya. Let me check na lang later."
Parang tumigil ang oras. Tanging ang pagkalabog na lamang ng dibdib ang naririnig dahil sa halo-halong emosyon matapos banggitin ang pangalang 'yon.
Ang namumuong mga luha sa mga mata ay hindi dulot ng sakit na nararamdaman ng aking ulo o lungkot o mga negatibong emosyon, bagkus ang mga luhang nangingilid ay dulot ng sayang hindi inakalang patuloy na mararamdaman.
Hindi ko lubos akalain na ang simpleng pangalang iyon ay magbibigay sa akin ng bultaheng saya at pananabik.
Alam ko na parte ng buhay ang salitang 'pagbabago'. Masakit man para sa iba ngunit malaki rin talaga ang epekto nito sa lahat. Masaya ako para sa kaniya. Masaya ako sa lahat ng nakukuha niya. I love how he keeps striving for his dreams despite the difficulties that this shitty world has given him.
.........
Edited♡
BINABASA MO ANG
Until Our Next Story Begin(Completed)
Fanfiction"Until Our Next Story Begin" By Bb. Alicia @2019 UNDER MAJOR REVISION