Prologue

13 4 0
                                    

10 years.

Sampong taon ang iginugol ko sa paglalaro ng Era of Warlords. Kahit isang beses e hindi ko naisip na sayang ang panahon na 'yon sapagkat para sa akin, ayon ang pinaka-exciting part ng buhay ko.

Para akong isang bidang character sa isang manga series; may saya, lungkot, panalo, pagkatalo, galit, pasasalamat at iba't ibang emosyon ang aking naramdaman sa sampong taon na 'yon na I doubt mararanasan ko if I stayed at my normal life at hindi naglaro.

Masaya? Sure. Pero that doesn't mean na wala akong regret.

I made a lot of friends along the way. Mga kaibigang nakasama kong magpalevel up. Ang iba namaalan na in order to do their own seperate adventure at ang iba naman e patuloy pa ding nakasuporta.

Naalala ko pa 'yung first year pagkalabas ng laro. Isa ako sa mga players na umpisa pa lang ng game e naglalaro na. The first few weeks was kinda hard for us players kasi medyo nangangapa pa sa mga bagay-bagay. Kung ano-ano pa nga ang pinaggagawa, nagnanakaw sa mga NPC, pumatay lang ng pumatay ng monsters and nagpi-PK. We're all free not until a few months nalaman ng lahat na importante pala ang early days ng laro kasi dito pinaka mabait ang system, pwede kang makakuha ng mga tittles, big reputation, magandang items at marami pang iba and a lot of players wasted that time—at isa na ako do'n.

Then the 2nd year, nagsimula ang national tournament. Maraming nagduda na hindi din magtatagal e mawawala din agad ang Era of Warlords kasi unbalanced daw masyado ang mga classes. Dahil sa paglabas ng mga unang legendary classes na talagang nakakamangha. For a time, walang makatalo sa kanila.

Then the 3rd year comes. Parami na ng parami ang nakakakuha ng magandang classes at unti-unti ng nagiging stable ang balance pero ng bumagsak ang isang fallen God sa West continent e muling nasaksihan ng mundo ang kakaibang lakas; ng fallen God at ng top 1 player na si Rigg. Ang tumalo sa fallen God at sumuporta sa buong continent ng nasa bingit na ito ng pagkasira.

Asan ako ng mga panahong 'yon? Normal na player pa lang ako nagpapalevel, habang ang mga ranker ay nasa level 350 na e ako'y nasa 200+ palang.

It wasn't until the middle days of 4th year ng makasabay ako sa agos ng konte dahil sa 3rd advancement class ko. Pero Hindi pa den ako makasali sa ranking at lalo't higit sa national tournament kung sa'n ang laging hakot medal ay America at China. Overall malakas ang America dahil nasa kanila lahat ng rankers habang nabubuhat naman ang China ng nag iisang player, Rigg.

Ah, oo nga pala, sa fourth year den naitayo ang kaunaunahang Kingdom sa buong Setania, ang Astaroth na ang hari ay ang biglang sulpot na hidden ranker na si Elias kasama ang Aster Guild niya.

In the mark of 5 years, do'n na nagtapos ang pagiging number 1 player ni Rigg dahil kay Elias. The world thought na si Elias na ang bagong number 1 pero the following year, the 6th year e nabawi ni Rigg ang top spot.

They became the sensational rival arround the world. That year, solid na ang place ng Era of Warlords sa mundo at wala ng ibang virtual reality games ang kayang pumantay both in quality and in popularity. Wala kasing makatalo sa super computer named REM, na siyang nagpapatakbo, nagbabantay at nagbabalance ng game that's why fair at unbiased ang laro kasi kahit ang developers ay walang kakayahan na sumawsaw sa loob ng game. Setania was a whole new world na ang mangyayari ay nakadepende sa actions ng players dahil ang mga story line ay nagbabago at maga-adjust accordingly.

The 7th year was full of surprises Kasi inaabangan ng mundo ang muling pagbabanggaan ng dalawang binansagang 'sky' ng Era of Warlords ngunit lahat ay nabigla ng parehas silang natalo ng dalawang bagong player na siyang nagtuos sa for the top spot. I can still remember that memory vividly kasi ayon 'yung first time na nainlove ako.

The two players are Yuka Legendary Elementalist and Alexander from Russia. Sobrang ganda ni Yuka to be honest. Kaso that time hanggang pangarap ko lang siya.

The 8th year was the same, new powerful players are surpassing and wala ng makahawak ng top spot dahil sa nakakahabol na ang mga ordinary players dahil 3 years ang tinagal ng level 500 zone sa hirap makapagpalevel up. Dahil do'n, naging basehan nalang ang control, skill, talent at class, well 'yung class is pretty irrelevant na din kasi nasa 5th advancement na halos lahat with amazing capabilities.

Marami ding mga events na nangyari like ang biglaang pagsugod ng isang insane dragon na sumira sa pinaka malakas na empire sa west continent at walang nagawa ang mga player kundi manood dahil ang dragons ang pinaka malakas na entity sa loob ng game na kahit ang mga Gods e hindi kayang pantayan?

The 9th year, eto ang pinaka masaya kong taon kasi naka pasok na ako sa top 1000 ng world rankings at nag number 1 sa class rankings ko. It was the year I was invited to participate the national tournament para irepresent ang Pilipinas kung saan na-meet ko at nakausap si Yuka. Kaso wala den akong naiuwing medal pero expected na 'yon, still sobrang saya ko and I vowed to continue grinding para next year makikita ko ulit ng personal si Yuka.

The 10th year, everything changed. Sobrang successful na ng Era of Warlords at wala ng makashake sa foundation nito sa mundo at buhay ng tao. Pero I hardly careless kasi this year, ko nakuha ang life changing event ko.

Sa isang unexpected encounter ng expedition namin ng guildmates ko e nadiscover namin ang lost Temple of War God at nando'n ang kaniyang legacy. Isa itong class change para maging War God Descendant—isang Mythical class!

Yep, hindi Legendary, Mythical! Of all the 10 year history ng game, wala pang nakakadiscover o nakaka-acquire ng mythical class pero it was disclosed na indeed, meron nito.

I was the guild leader of Imperian, tapos close friends ko lahat ng mga members, 30 lang kami lahat. We have been together for almost 5 years so I trust them and I could actually give up that item for them pero they insisted na sa akin na daw.

Pero I can't just take it so I promised na babayaran ko sila and until then 'di ko muna gagamitin 'yung class change quest kaso isang araw, the word got out about do'n sa class change and I found myself in this confined, dark room.

Nasa harap ko lahat ng guildmates ko, or should I say friends habang ako ay nakatali sa isang upuan. Nakatali din sila? No, they are free and laughing with another guy,

Zednos.

He was a multi-billionaire son of a bitch. He was a ranker, a crazy one. Ginagamit niya ang pera in almost every bad ways. And one of the reasons why I hate him is dahil pinagtangkaan niyang rapin si Yuka before the national event. It was a big scandal back then pero dahil sa pera ay nawala din ng parang bula ang balita.

He was wearing a translator and halos kasing edad ko lang siya maybe 27 to 32. He smiled at me. 

"Binalaan na kita diba? Sinabi ko na na bibilhin ko sayo pero ayaw mo. Ikaw din ang nagpumilit sakin na gawin ito." Sabi niya. Ha? Wala akong idea! I tried to speak pero may busal ang bibig ko. Sinabihan niya ako? Walang nakarating sakin. I looked at my 'friends' and alam ko na kung bakit.

Hindi ko mapigilang magalit. Gusto kong sumigaw ng t*ngina niyo pero wala. I just felt the cold and hard barrel of a gun pointed at my head.

Kaya pala naalala ko ang fast 10 years ng paglalaro ko, it's true na magpa-flashback lahat ng good memories before you die.

It was the game that made me feel alive pero ito din pala papatay sakin.

I shrugged. Nevermind. I was a useless person either way. I deserved death a long time ago.

I suddenly remembered my youth, before I played the game. I was a trash.

Bang!

Era of WarlordsWhere stories live. Discover now