"Kanina ka pa walang imik." Pagbasag ko sa kanina pa namamayaning katahimikan.
Nakasakay kami ngayon sa kotse niya pero I was the one driving. Hiningi ko kanina sa kanya 'yung susi and ibinigay niya naman ng tila wala sa sarili.
"Hindi ko alam na marunong ka palang magdrive." Nakatingin sa labas ng bintanang sambit niya.
Natigilan ako at muntik ko ng matapakan ang preno thankfully I didn't because that would be too cliché.
Oo nga pala, bumalik nga pala ako sa nakaraan, I'm supposed to be useless.
"Uh.. I secretly practice using our car, ha-ha!" Pagpapalusot ko."Magaling ka pala mag-english e," dagdag niya.
T*ngina! I glanced at her para mabasa ang ekspresyon niya pero she was still facing the window so it's futile. I gulped.
I get the vibe like those husbands in a teleserye na inienterogate ng asawa nila at inaakusahang nambababae.
"I.." Sinubukan kong mag-isip ng palusot pero parang nag freez utak ko. T*ngina sigurado ka ba? 28 ka na pero namemental block ka sa batang 18 years old na babae? Ano na self!
"You changed," Tumgin siya sa akin and hindi ko mainterpret 'yung emotion niya. "naninibago ako pero mas gusto ko na ganyan ka."
I was a bit dazed looking at her shy expression at the end of her sentence. I shook my head, I should focus on the road.
Muling namayani ang katahimikan, this time, I feel a bit awkward. T*ngina para akong bata!
Nang nakarating na kami sa parking lot ng mall at nakapagpark na ako e akmang lalabas na siya ng pigilan ko ang kamay niyang bubuksan ang pinto.
"Let me." Agad akong lumabas at pinagbuksan siya. I know it was a bit childish pero it's the least I could do to make her feel special.
"Thank you." Rinig kong bulong niya.
Habang naglalakad kami e walang naimik, napaka awkward nanaman. Hindi naman ganito si Shanna, she was jolly and makwento. Darn. Did I do something stupid? Maybe I came in too strong?
Bahala na.
Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian. "Tara na, ang gloomy mo tignan! Halika ililibre kita!"
Hinila ko siya patungo sa isang arcade center and there, we played games. There I was able to finally make her smile and ease the tension between us. Then pumunta kami sa isang kilalang coffee shop. I ordered a chocolate frappé dahil I assumed na paborito niya 'yon as I could see her in my past life na laging may iniinom na gano'n. O-order pa sana ako ng iced coffee para sa sarili ko pero my money was a bit short kasi nagastos na sa arcade. Okay lang naman, today's for her, not for me so it doesn't matter. Besides matanda na ako.
"Here." Inilapag ko 'yung frappé sa lamesa and umupo sa harap niya.
"Waaaaah! Pano mo nalamang gusto ko 'to? Actually paborito ko 'to!" Masayang sabi niya pero she just looked at it happily.
"Oh? Ba't ayaw mo pang buksan?" I asked.
"First time mo 'kong ilibre e, parang ayaw kong buksan. Gagawin ko 'tong souvenir o kaya family heirloom!" Pagbibiro niya.
"Lah? Mawawala na lamig niyan." I answered back trying to hide my sadness because of the fact na oo nga, I wasn't able to even treat her right, how much more to a lunch? "Tsaka h'wag mo 'tong tawaging first time, call this the start." Ngumisi ako at pinisil ang pisngi niya na kanina ko pa gustong gawin pero natatakot ako na ma-child abuse kasi—teka oo nga pala, 18 lang ako ngayon.
YOU ARE READING
Era of Warlords
Science FictionTry mo nalang, para surprise. Nitatamad ako maglagay ng description :)