Chapter 1: Life after death?

9 4 0
                                    

Silence.

Matapos kong marinig ang putok ng baril ay wala na akong ibang makita kundi kadiliman at wala na din akong marinig na tunog.

Guess I died.

Pero bakit nakakapag isip pa 'ko? Siguro kaluluwa na ako? Is this heaven? Nah, 'di bagay kagaya ko do'n. Probably this is hell kaya madilim.

"Anak aalis na kami." Isang boses ng babae ang aking narinig. Strangely, pamilyar pero I haven't heard that for almost 6 years.

"Tsk. Nagpapaalam ka pa, iwan mo nalang 'yan ng pagkain at paniguradong tulog pa 'yan o kung hindi man e wala naman pakialam 'yan." Isa pang pamilyar na boses ang aking narinig. This time boses ng lalake, boses na more than 8 years ko ng hindi naririnig.

Ma. Pa.

Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata, hindi ko alam if umiiyak pa ba ang mga multo pero I just felt really sad.

Kumpirmado ko na talaga, patay na ako pero okay lang kasi gusto ko ng humingi ng tawad sa mga magulang ko dahil napakalaki at dami ng kasalanan ko sa kanila.

Dying isn't so bad.

"H'wag mo namang sabihin 'yan. Anak mo parin 'yan." Sagot ni mama.

"Ayon na nga e, anak ko 'yan. Kaya ka't walang kwenta e pinapakain at binibigyan ko parin ng matutuluyan. Tsk. Tara na nga. Maha-highblood lang ako, umagang umaga."

I smiled. Ganon pa din si papa, kagaya nang nasa memory ko. He was always acting tough pero ang totoo he really love and care for me.

"Bzz! London bridge is falling down, falling down~ London bridge is falling down, falling down~"

Pati ba naman dito maririnig ko 'tong London bridge na ginawa ko dating alarm tone para kahit tumunog e hindi ako magigising, mas lalo pa akong aantukin.

Instinctively, I reached out my left hand para kunin ang aking phone which has always been the same habit for the past 10 years. Pero syempre patay na ako so.. huh?

Iminulat ko ang mata ko ang I was surprised to see an old version of android phone, pero I was even more surprised with the fact na nakamulat pa ako!

"What the!?"

Agad akong napabangon at nilibot ang aking tingin sa buong paligid. This was my old room 10 years back!

Teka, muli kong tinignan ang phone at ngayon ay August 23, 2040! Pero mas nagulat ako ng makita ko ang reflection ko sa screen ng phone.

"Ako 'to?" Hinawakan ko ang pisngi ko habang patakbong pumunta sa banyo para tignan ang sarili sa salamin.

Syempre ako pa den 'to mas bataa nga lang at,

"Makinis pa pala mukha ko, ah.. oo nga pala, my acne breakout started in the middle of 1st semester no'ng first year college ako."

Looking at myself, may itsura pala ako dati, or should I say ngayon. Matangos na ilong na namana ko kay papa, medyo singkit na mapungay na mga mata like kay mama—hindi naman kagwapuhan, tipong enough lang para magkachix.

Talagang back then, mababa lang ang self esteem ko kaya wala akong confidence. Madali akong maniwala sa sinasabi ng iba at gusto ko e laging okay sa iba ang ginagawa ko. 

When I say iba, hindi sa mga magulang ko kundi sa mga taong gusto ko maimpress para makasali sa grupo nila.

I sighed while remembering the pitiful old me. Hindi ko din masisisi si papa kung bakit niya sinabing wala akong kwenta.

Era of WarlordsWhere stories live. Discover now