Jema
Alone.
That single word is enough describe me.
But I like it. I like being alone.
Kasi walang mang-iiwan.
Hindi ka aasa na mananatili sila sa buhay mo pero sa bandang huli ay lilisan din pala.
Sinimulan kong I strum ang gitara ko sa chords ng Till My Heartaches End.
"I recall, when you said that you would never leave me."
My ex.
We've been together for four years, madami siyang pangako, madaming napako.
Mahigit dalawang taon na naman kaming hiwalay at okay na ako.
Nakakapagtrabaho na ng maayos pero ayoko talagang magpapasok muli ng ibang tao sa buhay ko.
Nakakatakot.
"You told me more, so much more that when the time you whispered in my ear," pinagpatuloy ko lang ang pagtugtog.
"It was heaven in my heart, I remembered when you said that you'll be here forever."
Napagtano ko rin na kung iiwan ka, kahit lahat ginawa mo na ay iiwan ka talaga.
"But then you left without even saying that you're leaving."
Natigil ako sa pagtugtog nang may magtuloy sa kanta.
"You told me more, and it really won't be easy to forget." Tiningnan ko siya with my weird expression.
Seriously?
"Yesterday and I pray that you would stay, but then you're gone oh, so far away."
May papikit pikit pa ito habang bumibirit.
"Hi! Sorry napakanta ako, ganda kasi ng boses mo eh," masaya nitong sabi.
"Panget ng sayo," nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang lumabas sa bibig.
Totoo naman kasi eh!
Sakit sa eardrums ng boses niya."S-sorry," sabi ko pero humalakhak ito na parang baliw.
"Nah it's okay, I know my singing voice is very bad," nawawala na ang mata nito kakangiti.
In fairness, her speaking voice, masarap pakinggan.
"I'm Deanna nga pala," she offered her right hand pero tinitigan ko lang ito.
"Hey I'm sorry, masyado ba akong friendly?"
I wanted to answer yes but I chose to keep quiet.
"Kakalipat ko lang kasi dito sa building last Monday and sinubukan ko lang maglibot-libot hanggang sa napadpad ako sa rooftop."
Tumingin ako sa wristwatch, it's 10 in the evening at naglilibot pa rin siya?
Weird.
Don't get me wrong I know I'm also weird kasi 10 pm na at nasa rooftop pa rin ako at kumpiyansang tumutugtog. Pero kasi, bago pa lang siya sa building duh.
"Miss I don't want to be rude, but I don't talk to strangers," I told her.
"Nah I'm not a stranger, you already know my name." Kumindat pa ito kaya napairap ako.
"And besides, you are also not a stranger to me, Jema." Tumayo ako nang tumabi siya ng upo sa akin sa bench.
Hindi niya ba naiintindihan na ayaw ko ng kausap?
BINABASA MO ANG
Someone to Hold (GaWong)
FanfictionWhen you came, I already lost my grip on happiness. But that very moment you first held my hand, I found myself wanting to be happy again. - GaWong fanfiction ♥️ This is all a product of the author's playful imagination. Names and events used in thi...