Chapter Nine

364 26 5
                                    

Deanna

It's been a month since my confession and those days were heaven for me. Mas madalas na nga ako sa unit ni Jema o kaya sa office niya kesa sa sarili kong apartment eh, at sa araw-araw na magkasama kami mas lalo akong nahuhulog kay Jema.

Tiningnan ko ang sunflower buoquet na nasa kamay ko at napangiti na lang sa dahilang manonood kami ng movie together. I'm on my way na nga para sunduin siya eh.

Natigil ako sa paglalakad dahil biglang nag-ring ang cellphone ko

"Hello Joseph?"

"Ate Deanna!" I can sense panic on his tone, "umuwi ka ng Cebu ASAP. Lola had a stroke."

"What?! Sabihin mo sa assistant ni dad na ipagbook ako ng flight, may dadaanan lang ako saglit," binaba ko na agad ang tawag at sumakay sa kotse ko.

Huminga muna ako ng malalim bago magmaneho. No please, not my lola.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa coffee shop, Jema's also waiting outside na, she's wearing a yellow dress na above the knee. Napakagat labi na lang ako sa nakikita.

Agad na lumapit ako sakan'ya dala ang bulaklak.

"My angel, I'm sorry."

"Bakit?" Puno ng pagtataka niyang tanong.

"I need to go home sa Cebu, my lola had a stroke, I'm really sorry," hindi ako makatingin sakan'ya kasi parang sinira ko ang pangako ko eh.

Hindi siya sumagot, instead niyakap niya ako ng mahigpit.

"Hindi mo kasalanan okay? May next time pa naman diba?" Hinawakan niya ako sa pisngi gamit ang kaliwang kamay, tumango-tango ako.

Kanina ko pa talaga gustong umiyak dahil sa kaba, at hindi ko na nga napigilan dahil na rin siguro sa paraan ng pagtitig ni Jema sa akin.

"It'll be okay, sige na, mag-iingat ka okay engineer?"

"I love you," nasabi ko nalang bigla kaya pati ako ay nagulat.

"It's.. uhm.. alam ko naman na hindi mo pa ako gusto I—"

"I like you engineer."

Hinintay ko muna na bawiin niya ang sinabi niya, pero she's just smiling sweetly at me.

"Sige na, pagbalik mo rito may regalo ako sa'yo, pero ngayon eto muna," tumingkayad siya at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

"Jema.."

"Sige na engineer, hinihintay ka na ng pamilya mo."

"Thank you," was all I could say habang hawak pa rin ang labi ko.

———

"Deanna anak!" Sinalubong ako ni mom ng yakap habang umiiyak. Niyakap ko naman siya pabalik ng mahigpit para patahanin.

"How is she?" Tanong ko sa mga kapatid ko na nakaupo sa bench.

"Hindi pa namin alam, let us pray na hindi mangyari ang kinatatakutan natin," ate Nicole said, tumango lang ako at nagpigil ng luha.

Ate Nicole is a surgeon, kung siya mismo ay hindi sigurado na magiging okay si lola paano na lang kaya ako?

"Where's dad?"

Don't tell me kahit ganitong emergency ay trabaho pa rin ang uunahin niya?

"Papunta na raw siya dito anak," my mom told me pero hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala.

Tumabi ako ng upo sa mga kapatid ko, yumuko at tahimik na nagdasal. Sa aming magkakapatid, I could say I'm the favorite apo. Everytime me and dad had a misunderstanding, she's always there to save me.

Someone to Hold (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon