Chapter Two: What is Love

7 1 0
                                    

Min's POV

Pinikit ko ang aking mata habang nagtuturo parin si ma'am Celine sa harapan. Sa pag pikit ko ng aking mata tuluyan na nagdilim ang aking naakapaligid sa akin.

Nasa Quiapo na ako at hawak hawak ang kamay ng isa kong customer. "Miss, ang sinasabi niyong lalake na may kulay ang buhok at madisente ang damit ay ang magiging asawa mo nga." Saad ko sa babaeng hindi masyadong kagandahan.

"Grabe, ang gwapo ng nakatadhana sa kanya. Sana all."

Ngumiti naman ang babae sa sinabi ko at tuwang tuwa ito sa narinig niya. "Ganun ba ? Sabi ako na eh crush niya ako eh. Hehehe."

"Hindi ka naman gaano kagandahan pero ang swerte mo parin."

Kumuha naman agad ang babae sa wallet niya ng salapi at ibinayad kay Min. "Salamat ahh! Hihihi." Pagpapasalamat ng babae sa kaniya.

"Heh,"

"Walang anuman." Sabay luhod ng kanyang ulo.

Umalis naman ang babae sa loob ng kuwarto kung nasaan si Min at isinarado ang kurtinang nagsisilbing pintuan papunta kay Min.

Tinignan ni Min ang babae kung naka-alis na. "Yes wala na siya. Ano nga ulit pangalan ng lalake na yun ?"

Kinuha ni Min ang selpon niya at binuksan ang social media account niya para hanapin ang lalake. "Teka, D nag uumpisa yung pangalan na yun eh."

"D, D, D, Denzel ? Denver ? Dav--? Ayy sisearch ko nalang name ng babae para makita sa friend list niya yun."

Paglabas ng babae sa puwesto ni Min ay agad naman itong nakasalubong si Jacob kasama ang tatlo na sina Jester,Chester,Caloy.

Napahinto naman si Jester ng makita niya ang pamilyar na pangalan 'Min the Love Finder' "P-pre!" Sigaw ni Jester sa tatlo.

Hindi siya nilingon ng tatlo at patuloy parin sila sa paglalakad. "HOY MGA BUGOK!" Sigaw ulit ni Jester sa tatlo.

Nilingon siya ng mga ito at pumunta sa direksyon kung saan siya nakatayo. "Kailangan sabihin pang Bugok ?"

"Ano yun ?" Tanong ni Jacob kay Jester.

Tinuro ni Jester ang sign board kung saan nakalagay ang pangalan ni Min. "Tignan mo oh! May pa sideline pala kaklase natin dito sa Quiapo."

"Huh ?" Tanong ng tatlo sa kaniya.

Tumingin sila sa tinuturo ni Jester at nakita ito. "Ahh ge." Saad ni Jacob

Cutting The StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon