Moistcake
My heart pounding like a million times as I followed him inside the café.
May ilang napalingon sa amin at may ilang nagbulungan buhat nang makita ang ayos ko.
Sa wakas ay binitiwan na rin n'ya ang aking palapulsuhan. And he sit on the high stole chair na may katapat rin na isang silya. Bilugan ang yari ng lamesa at sakto lamang para sa dalawang tao.
"Ah, ako na ang kukuha ng order n'yo na moistcake," I said in my trembled lips.
"No, just sit there and wait fo the waiter to take our order," sagot niya matapos ay sumenyas na sa parating na waiter.
My heart stilled and everything around me. Halos iyuko ko ang ulo huwag lang akong makilala ng waiter na palapit ngunit talagang imposible iyon mangyari.
"Alondra! Anong ginagawa mo dito?" tanong ng waiter na nakakilala sa'kin.
"Josie! A-Ano... Sinamahan ko lang si, sir!" nanginginig na boses kong sinabi.
Sumulyap naman ito agad kay Gonzalo matapos ay sa'kin.
"Boss mo? May bago ka na naman raket?" Siniko pa ako nito bago bahagyang ngumisi sa'kin.
"No, actually, sinamahan ko lang siya." Kinagat ko ng mariin ang aking ibabang labi. Hindi malaman kung tama ba ang sinabi.
Her eyes narrowed as she tried to read my emotions. Tila hindi naniwala sa una pero sa huli ay tumango ito at bumaling kay Gonzalo.
"Ano pong order nila?" Ngumiti naman dito si Josie. Bakas din sa mukha ang pagkamangha sa nakikita.
"Give us your best seller Moistcake," aniya habang prenteng nakasandal sa kaniyang silya at nakahalukipkip ng upo.
"And your drink, sir?"
Doon na tumuon ang tingin sa'kin ni Gonzalo na siya nagpabilis ng tahip sa dibdib ko.
"What do you want?" he asked without immersion.
"Uh, black coffee na lang," nahihiya kong sagot.
Sa totoo lang ay may kamahalan ang presyo ng kape dito. Hindi lang kasi kape ang binabayaran dito maging ang mismong pangalan ng café kaya kahit ako ay di magawang tumikhim nito. At ang black coffee lang sa tingin ko ang pinakamura kaya ito na lang ang pinili ko.
"Then, give us two black coffee," aniya kay Josie na tila iba na ang iniisip sa amin.
"Anything you want, Mr. Dela Serna?" Josie asked immediately.
"May gusto ka pa bang iba?"
My throat grew thick and my heart started jackhammering. Iba na kasi ang tinging ipinukol sa'kin ni Josie which is made me more uncomfortable and uneasy.
"W-Wala na po," mataman kong sagot.
Nang tumalikod na sa amin ang waitress ay saka pa lamang ako nakahinga ng maayos. Tumuwid naman ang tingin ko kay Gonzalo na siyang sinalubong naman ang mga titig ko.
"Ah, pasensya na kayo. Sa tingin ko hindi yata bagay na sumama ako dito." I started a conversation, para sa ganoon mawala ang kaba sa puso.
"Why not?" he asked with furrowed brows.
"May trabaho pa po kasi ako, saka hindi po ako bagay sa ganitong klaseng lugar... Lalo na kasama ang isang katulad n'yo," diretsahan ko nang sinabi bago sumulyap sa kabilang lamesa.
Alam ko naman na kami ang pinag-uusapan ng mga customer na nandirito ngayon. May ilang nagtataas ng kilay habang ang iba'y panay ang ngisi sa'kin.
I turned my gaze to Gonzalo. Then I saw how his lips moved a bit and remain cool in his seat. Tila hindi alintana ang mga tao sa kaniyang paligid.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES : The End Of The Affair
Non-FictionSabi nga ng marami life is not fair. May pinanganak na may gintong kutsara sa bibig habang mayroon namang walang saplot sa paa. May biniyayaan ng buong pamilya habang ang iba ay salat sa pagmamahal. Ang iba'y may magandang trabaho habang ang ilan n...