Unang Kabanata

9 0 0
                                    


unang kabanata: *I love you*


"hoy maria kathrina, alas tres na ng hapon baka balak mo bumangon jan"

"ma naman ehh sabado naman ngayon"
"tsaka anong oras na ko nakatulog kase may project ako"

"hay nako ewan ko ba sayong bata ka"
"oo nga pala. May nagpadala nanaman sayo ng bulaklak sino ba tong manliligaw mo? At hindi mo pinapakilala?"

"hay nako ma chichismis ka nanaman"

"ikaw talagang bata ka"

napatayo nanaman ako sa kama. Ganto naman lagi naming routine ni mama pag anong oras na ko magigising. Pero oo nga pala. Ako si Ma. Kathrina Eleanor Gavez. Iisang anak lang ako kaya kasundong kasundo ko si mama. Sawi sa pag ibig yan. Pano 10 yrs na silang hiwalay ni papa. Rason lang naman ay panloloko. Kaya siguro takot na den ako magka boyfriend kase ayoko matulad kay mama. Gusto ko matulad kay mama ah ayoko lang na maloko ako.

..................................

nasa labas ako ngayon naglalakad bibili lang naman ako ng pandesal dun sa kanto. pano gusto daw ni mama ng pandesal kase may nagbigay sakanya ng ube jam galing baguio. kaya eto nanaman ako naglalakad at patingin tingin lang sa paligid.

"KATH, KATH"

"oh ikaw pala, san nanaman punta mo?"

"bbili lang ng pandesal, may ginagawa kase si manang"

"kamusta na pala si manang rosa? nakausap na nya anak nya?"

"di pa nga den ata, tsaka miss ka na daw nya. Dalaw ka ulit sa bahay oh"

"tsaka nalang third pag wala na siguro ako ginagawa"

"cge sabi mo yan ah"


yan si Christian Isagani Natavidad III lakas ng trip ng pamilya nyan sabi hangang sa may lalaki daw sila dapat Christian Isagani pa den ipapangalan. Kababata ko yan simula ata pagkapanganak naming dalawa magkasama na kame nyan. parang kapatid na turing ko jan

"Kathrina kanina pa kita tinatawag"

"ay sorry may iniisip lang"

"ano lalake mo nanaman?"

"alam mong wala ako nun"

"oh ice cream"

"thank you dito ah"

"naman favortite mo yan eh, tsaka malakas ka saken"

"yieee kikiligin na ba ko?"

"wag na muna HAHAHHAHAHAHAH"

"HAHAHAHSHAHAH"

anak mayaman si third. pero nasanay yan sa kalye tsaka makipaglaro kung kani kanino. paborito naming lugar nyan eh dun sa dalampasigan. kase sabi naming dalawa kada may problema kami dun lang dapat kami pupunta. Naalala ko nung namatay mama nyan hinanap nila kung saan saan nakita lang nila dun sa may dalampasigan. ako pala nakakita sakanya.

.................................

*cellphone rings*

"tito di nya pa din po sinasagot phone nya"

"wala ka ba talaga alam iha kung san pumunta si third?"

"wala po eh"

"sige na, hanapin na si third kahit sa mga karatig na bayan, baka kung san lang yun napadpad"

saad ni tito sa mga gwardya nila. may gwardya sila dahil lang naman mayor ng Sitio Natavidad ang ama ni third
isa sila sa mga founding families na tinatawag dito sa samin. 

"tito tulong na din po ko, tawagan ko nalang po kayo"

"cge iha salamat ah, alam mo naman kase nangyare kay third ngayon"

"walang anuman po, para kay third"

nag habal-habal na ko para tignan yung bahay naman at ibalita na den kay mama yung pag alis ni third. baka makatulong den siya sa paghahanap

"ma andito ka ba?"

"asa kusina ko nak"

"ma si third kase nawawala baka napadaan dito o baka alam mo kung asan"

"ano bakit nawala?"

"pagkatapos ibalita na wala na si tita bigla nalang nawala si third"

"sige tapusin ko lang tong hapunan natin at tutulong na din ako sa paghahanap"

"sige ma, magtatanng taong ako sa labas"

lumabas na ako kagad para magtanong sa mga kapit-bahay kung may nakapansin man kay third. Nang bigla kong maalala yung dalampasigan. may usapan kami nung sa dalampasigan

tumakbo na ko kagad para tignan kung andun si third.

"HAYOP THIRD ASAN KA NA BA?"

halos mangiyak ngiyak na ko dahil sa hindi ko pa din makita si third

"kathrina apaka panget mo umiyak, itigil mo nga yan"

"hayop ka san ka ba nag pupunta?"

"ano ba usapan natin pag may problema?"

"dito tayo pupunta para kumalma, at para alam den natin kung asan ang isa't isa"

"alam mo naman pala eh"

niyakap ko si third kasi pagkatapos ng kalahating araw ay nahanap ko na sya.
nakapag text na den ako kay tito na nakita ko na si third at sasamahan ko sya mamaya pauwi sakanila. 

"hirap na makita siyang nakahiga nalang, di ko kinaya yun kaya di ako dumadalaw sa kwarto nya"

"third?"

"ansakit kath, pwede ko siya alagaan pero di ko ginawa. kasi natatakot ako"

unang beses ko makitang umiyak si third sa harap ko mismo. kaya wala ako ibang ginawa kundi yakapin sya.

"iiyak mo lang yan"

"alam mo yung huling sinabi niya? mahal nya ko"
"pero di ko napakita sakanya at naparamdam sa huling araw niya na mahal na mahal ko sya. na di ko kaya pag nawala sya, per ngayon wala na sya"

"kilala mo si tita, alam niya yung nararamdaman mo. masyadong emphatetic mama mo noh?"
"tsaka isa pa ayaw na den niya mahirapan kayo ni tito"

"nakakapagsisi kase...."

"shhh...alam ni tita na mahal mo siya. nakikita ka na nya ngayon, asa magandang lugar na sya, malaya. di na nya kakailangan magpaalaga kung kanino man. babantayan nya kayo"

"tara na nga uwi na tayo"
"aayusin ko pa libing ni mama"

"oo tara na hirap na hirap si tito kakahanap sayo. kala niya mawawala ka na den"

..................................

"huy ano ba kath, tulala ka nanaman"
"isang daan po"

saad ni third sa tindero

"singkwenta po saken"

pagkaabot ng pandesal ay kagad na kaming naglakad paalis ni third

"natapos mo na yung homework sa sci?"

"di pa bat kokpya ka?"

"ikaw nga papakopyahin ko kase tapos na ko"

"grabe naman po pala at nagseseryoso na si Christian Isagani Natavidad III sa pag aaral ngayon"

"alam mo ewan ko sayo, tutuparin ko pa din naman yung pinangako ko kay mama"

"na magiging doktor ka?"

"syempre naman magiging neuro pa toh oh"

"babye na nga dito na ko"
"ingat ka ah"

"kath?"

"oh baket?"

"i love you"

.................................

ALON NG ALA-ALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon