Unedited
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ni Nicole bago siya humarap at sumagot sa binata na halos iisang dangkal ang pagitan nito sa kanya, mabuti na lang at biniyayaan siya ng height at hindi na niya kailangan tingalain ito.
"Sino ang tinutukoy mo?
"Kailangan ko pa ba na sabihin kung sino tingin ko naman alam na alam mo?
" hindi nga sabihin mo na, para magkaalaman tayo, you know to prove you wrong. "
"Bro." bigkas ni Joe na hindi maintindihan ang iniaakto ng kaibigan. "lasing ka na ba, halika na ihahatid na lang kita baka mapag-tripan ka pa sa labas."
"Joe kilala mo ako malakas ang tolerance ko sa alak."
"alam ko kaya nga tara na. Nicole go back to your work. I'll talk to you later."
"okey Sir Joe , thank you."
Pasado alas dos na ng humupa ang tao sa Joe's kaya naman nakahinga ng maluwag si Nicole, nagmamadali siyang nagpalit ng damit at nagpaalam sa mga katrabaho ng matanggap niya ang text ng kapatid na si James na naghihintay na ito sa labas.
"mauna na ako ha, nasa labas na ang service ko."
"Ingat Nicole,bukas ulit." dueto ng mga ito.
"ang tagal mo ate, paano ka pa makakapagpahinga niyan maaga ka pa bukas sa palengke, tapos pupunta ka pa sa banko. "
"okey lang kaya ko, atsaka 9 am pa naman iyon di ba?"
"bakit kasi hindi ka pa magresign sa trabaho mo malaki nga ang kita mo, sayang naman ang beauty mo mukha ka ng zombie."
"kapag natanggap na ako sa trabaho mag resign na rin ako, anyway anong sabi ni Jana.?"
"isa pa yan si Jana ang tigas ng ulo ate, pero andun na siya bahay andun nga siya kila Mateth nagbabalak mag apply ng trabaho sa mall."
"hay naku! Tara na nga." yaya ni Nicole sa kapatid at umangkas sa motor nito.
Ganito ang routine nilang magkakapatid, bilang panganay ay naiwan sa kanya ang resposibilidad ng magulang niya. Tumayo siya bilang ina at ama sa mga ito, first year college siya ng mamatay ang kanyang ina ng malaman nito may unang pamilya pala ang kanyang ama, at iwanan sila nito masyado nitong dinibdib ang nalaman hanggang sa unti unti itong igupo ng karamdaman. Magmula noon ay siya na ang bumuhay sa kanyang dalawang kapatid. Nakagraduate naman siya ng college ngunit hanggang ngaun ay hindi pa rin siya tinatawagan sa banko na kanyang inaplayan. Malaki ang naging tulong ng Joe's sa kanya, dahil ito ang naging karamay niya sa pag-aaral, aral sa araw trabaho sa gabi.
"ate, ang lalim na naman ng iniisip mo ah?" untag ni James sa kapatid na tila hindi siya nito narinig na nakarating na sila sa harap ng munti nilang bahay. "Ate!"
"Bakit ka huminto?"
"tsss, andito na tayo baba na at magpahinga ka na nga, gusto mo pa na kumain? Iinit ko ang tinola?"
"sige, parang nagutom nga ako."
"ate, huminto ka na kaya sa trabaho mo. Alam mo kasi regular na ako sa work ko kahapon lang."
"James, mas kailangan natin ngaun magtulong para matubos na natin itong lupa ni nanay."
"pero ate pagod na pagod ka na."
"kaya ko pa atsaka andiyan naman kayo kailangan pati natin pag aralin si Jana."
"ate ayaw mo ba na hanapin ang ating ama?"
YOU ARE READING
The Lustful Love (R-18) (On Going)
General FictionFontana Siblings#10 John Sebastian Guanzon Last Story of Fontana Siblings